Chapter 20

5.9K 149 26
                                    

Chapter 20

MIA

"What the hell is going on?" Hindi maipinta ang mukha ni Jenny sa tanong nito. Binigyan niya ng maangas na tingin si Chester. "Paano at kilala nila ang isa't-isa?" She asked.

Chester just sighed and shrugged. "We stopped talking to each other years ago so don't ask me." May iritasyon sa boses nitong sagot. "And Mia's here, respect please." Seryosong sabi nito kaya napatingin naman sa'akin ang dalawa at natahimik.

May sinabi pa ulit si Jenny pero si Nadie lang yata ang nakarinig. Huminga rin ako ng malalim at hinawakan ang kamay ni Chester. I gave him a warm smiled and squeezed his hand.

"I'm okay." I assured him. "Nakakabigla lang kasi hindi natin siya nakita ng matagal." I explained my side. Tumango ito at ngumiti rin.

"Let's just enjoy the party. Ilang oras lang naman natin siya makikita." He suggested. I just nodded and smiled again.

Nakompleto kaming lahat sa iisang table matapos ang ilang sandali. Busy ang mga bata sa mga games at kumakain naman kami. Pinapakain din naman ni Nadie at Jenny ang mga anak nila kaya si Chester lang ang kinakausap ko.

"I thought you'll be staying there for good. Biglaan yata ang uwi mo?" I heard Ate Cristy asked Trisha. May halong kaplastikan iyon dahil ayaw nila sa kanya.

"Actually, nakabreak ako ngayon. Then I remember, birthday pala ng anak nina Kuya Charles at ng pinsan ko." She answered wearing smile on her face.

"Oh..." Ate Aira interrupted. "Sana noong first birthday ka niya umuwi. Mas bongga noon." Ilang tao ang pagitan namin ni Ate pero ramdam ko hanggang dito ang pagiging sarkastiko niya. Tumawa lang ng mahina si Trisha.

"Sina Ate talaga. Siyempre, gusto kong nandito ako every year kaso mahirap isingit sa schedule ko." Maarte niyang sagot at binigyan pa ng tingin si Chester.

Ngumisi si Ate Cristy. "Ganon ba. Then that's good." She faked a smile again.

Natahimik naman ang paligid ng ilang segundo hanggang bumaka na ang bibig ni Jenny.

"Ate Aira, pinopormahan na nga pala ni Chester si Mia!" Sumbong niya kaya sa'amin natoon ang atensyon. Natigil ako sa pagnguya at unti-unti kong tinignan ang lahat ng nasa harapan ng table namin at medyo nagulat pa ako ng nakatutok na sakin ang mga mata nila.

"Don't mind them." Ate Cristy said. "Bakit ba, matalino 'yang si Mia. She's very responsible." Nakangising dagdag pa niya.

I know she's doing this in purpose. They knew the story behind Chester and Trish. And they hate her guts. Pinakisasamahan lang nila dahil pinsan ito ng asawa ni Kuya Charles.

"Partida. Wala kaming ina na nagpalaki sa'amin. Kami-kami lang, gabay namin 'yung mga huling bilin ni Daddy." Ate Aira proudly said. She winked at me and I can't help but to smile.

"You're doing it again, Ate." I stopped her from being dramatic but I showed her my finger-heart. "Saranghae." I laughed.

She just did the same as we both laugh.

"I thought si Celine ang girlfriend mo ngayon?" Biglang tanong ni Trisha kaya napatingin ulit kami rito.

Chester just smirked. "If you show some respect, it'll be nice." He answered in a mannered voice. Parang napahiya naman si Trisha dahil medyo namula ang mukha niya.

"So magkakilala na kayo ni Ash?" Pagiiba ni Ate Vea ng usapan.

"Paano?" Segunda rin ni Jenny.

Si Ash naman ang nag-angat ng tingin at tinignan si Ate Vea.

Mesmerized with Desire(#7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon