B1 Gang: Episode 1 - B ook 2 ... 2
B1 Gang Mys t er ies
E pi s ode 1 , B ook 2
T ikbalang,
Aswang,
Atbp
isinulat ni
ARMIN T. SANTIAGUEL II
(ATSII)
B1 Gang: Episode 1 - B ook 2 ... 3
T ALAAN NG MGA NI LALAMAN
Kabanata Pahina
1 SI BOGING 04
2 T I KBALANG VI RUS 08
3 SA JOURNAL I SM ROOM 11
4 HULI ! 18
5 ANONYMOUS T IP 24
6 BALIK SA S IMULA 29
7 ANG L I S T AHAN 35
8 AKS IDENT E 39
9 DALAW 44
10 ANG PAMANGKI N 50
11 MUNT ING PAG-AS A 55
12 ANG T AWAG 64
13 HAPPY ENDING 68
14 DUMPS T ER DIVING 74
15 PAS ANG-AWA 79
16 KAINAN NA 86
17 SI KIKO 91
18 KUWENT UHAN 96
19 ANG BABAE SA DI LIM 103
20 ANG KUBO SA BAKLAD 109
21 KUWENTONG ASWANG 116
22 IN FAI RNES S 121
23 SA BAHAY NG ASWANG 126
24 GANT I NG ASWANG 132
25 PAT AY LAHAT 140
26 ANG BAT A 145
27 AUT I S T IC 152
28 WI TCH-HUNT 155
29 HABULIN ANG ASWANG! 160
30 ANG PROPES OR 166
31 BAGONG KABUHAYAN 169
32 KAPALI T 174
B1 Gang: Episode 1 - B ook 2 ... 4
K abanata 1
SI BOGI NG
BIGLANG NAPAUBO si Boging.
Nasamid siya sa kinakaing mani. Mabilis
na inabot niya ang kalapit na baso ng tubig. Sa
kabilang kamay ay tangan niya ang telepono.
"Ten!" sabi ni Nico mula sa kabilang linya.
"Ha?" litong tanong niya.
"Bigla kang nasamid. May nakaalala sa 'yo
na ang simulang letra ng pangalan ay..."
Nagbilang sa daliri si Nico. "A... B... C... D... E...
F... G... H... I... J!"
Nag-isip ang matabang Tsinoy. "Wala
naman akong kilala na nagsisimula sa 'J' ang
pangalan."
"Meron siguro, hindi mo lang maalala.