"Humayo kayo at ipalaganap ang salita ni Kristo"
"Salamat sa Diyos"
Katatapos lang ng misa ng makita ko siya. Nakatayo sa may gilid ng altar habang inaayos yung sutana niya.
Sakto namang tumingin siya dito sa taas kaya bilis bilis kong iniwas yung mga tingin ko sakanya. Sus kala mo naman makikita niyang nakatingin ka sa kanya.
Bumaba na kami at pumunta sa kumbento kasama yung mga kaibigan ko. Nakita ko siyang kumakain na, ang takaw niya sobra, pero isa din yon sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.
Lumapit na ko sakanya at kumuha ng malabon.
"Buti walang sabaw. Hahaha" sabi ko pa.
"Pero sabaw ka kanina. Hahaha" sagot naman niya.
"Naks. Sanay ka na sumagot, ikaw paba yan Louie?" Nakangisi kong sagot.
"Oy,ikaw ka sisimba mo lang nangaaway ka na naman Lianne" sabi naman niya with matching paiyak na boses.
Nginitian ko na lang siya tsaka kumuha ng malabon at naupo na. Iniiwasan ko lang din kasing mangyare yung bagay na yon.
Si Louie pala yung sinsabi kong gusto ko, bata palang kami or I must say nung nasa sinapupunan papang kami ng mga nanay namin parang meant to be na kami.
Magbest friend kasi yung mga magulang namin kaya pati kami ganon na din ang turingan.
Madalas sa school kami pa nga ang ginagawang muse and escort. Bagay na Bagay daw kami. Nung una nga akala nila kami na na hanggang dulo, Akala nila kami na talaga ang bubuo ng LOUEANNE Loveteam. Akala ko din.
Simula kasi na mangyari yung bagay na yon, nag iba na. Iba na yung pakikitungo niya sakin, Ibang iba na siya sa kinagisnan kong si Louie
Pero naisip ko siguro paghahandaan niya lang yon kasi ilang taon na lang.
Mmmm speaking of taon, ilang taon naba yung lumipas simula ng inamin niya sakin yon? Tatlo? Apat? Lima?Hanggang ngayon kasi may kirot
Padin sa puso ko sa tuwing maiisip ko yon.Hayyyyy.
"Oy Leanne! Ate Leanne!"
"Oh bakit kaba naninigaw shane!"
"Pano kanina ka pa kasi nagspaspace out!, aalis na tayo, punta pa tayo sa Sm diba" nako kung pwede lang sapakin tong si shane kanina ko pa ginawa. Kitang ngayon ko nalang ulit nakita tong lalakeng to kukunin pa ko.
"Oh ano ate Leanne tingin tingin nalang tayo kay kuya Louie lapitan mo na kaya" sabi niya ng pasarkastiko
Inirapan ko naman siya tsaka sumandal sa upuan ko. Bakit di ko nga ba siya magawang malapitan? Bakit di ko na siya magawang makausap ulit? Awkward ba? Close naman kami e. Pero kahit ano pang sabihin o itatak sa isip kong mga dahilan isang rason lang talaga yung nagingibaw kug bakit ako ganito.
"Siguro naghahanda na din ako." Bulong ko
"Ano ate Leanne Di ko na dinig" sabi ni shane
"Ah wala. Tara na kako."
Tumingin ulit ako sa kumpulan ng mga sakristan andon siya nakatingin sakin."Bye Louie" I mouted and he nod. Ibig sabihin naintindihan niya.
Ilang taon na nga lang ba.....
5 years nalang pala.
YOU ARE READING
I'm inlove with a Seminarian
Teen Fiction"I know it's wrong But I love her" "It's a Sin But I love him" Not a Forbidden Love, It is a Sinful Love Is it worth Fighting for? Yes?... or No?.... How Dangerous can it be, when you're "Inlove with a Seminarian" Anh Jae Hyun as Louie Krystal Jung...