" Ano ba Daniel! Sagutin mo na lang.. " Batos ko. Ano ba? Kailangan pa ba niyang pag-isipan ng mabuti 'yong sagot." Yes or No lang di pa masagot. Tss. " Hindi ko maiikakailang medyo nahumaling ako doon sa tinatawag niyang pinsan niya kanina. Gwapo, e.
" Nagsalita ang sinagot 'yong tanong ko.. " Matagal bago niya makuhang sumagot. I roll my eyes and walk past him.
" Ewan ko sayo! " Hindi ko siya nilingon.
Lumipas ang isang araw at wala kaming nagawa kundi ang maghintay at magbantay sa inaayos na sasakyan. Bale, sumisilip ako sa kwarto ni Mama every after one hour. Nandoon naman si ate kaya kahit papaano ay mayroon kasama si Mama.
" So, saan tayo magsstay Julia? " Tanong ni Daniel pagkatapos namin kumain sa isang eatery, at ngayon ay pabalik na ng hospital.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at binuksan ito upang tingnan ang oras. Nanlaki ang mata ko at halos lumuwa na ito sa dami ng texts at umaapaw na missed calls galing sa dalawang tao, kay Crown at sa partner ko sa play na si Enrique.
" Oh my god " Napahinto ako at nagpameywang. Nakalimutan ko?
Hinanap ko ang speaker nito at pinagana. Samantalang hinabol ko ng tingin ang nagmamaktol na si Daniel papasok sa loob ng ospital. Letche. Hindi man lang ba niya napansin na wala ako sa tabi niya? Hayop.
Nagmadali ako sa paglalakad upang maabutan siya nang biglang tumunog sa wakas ang hinihintay kong tawag mula kay Crown.
" Hello, Crown. " I begin in a flat tone.
" Julia! Jusme. Mabuti naman at nakasagot ka na sa ngayon! " Isang malakas na bulyaw ang natanggap ko mula sa kaibigan ko.
Bumuntong-hininga ako at muling nagpatuloy sa paglalakad, ngayon ay mas mabagal na.
" Oh, sorry na. Masyado lang akong naging busy. Napatawag ka? " Sabi ko.
" Pambihira ito, oh. Una.. hindi ka nagpaalam. Pangalawa, hindi mo sinabing kasama mo ngayon si Daniel tapos ngayon magtataka ka? Jusko po. " Natawa na lang ako sa tono niyang parang isang matanda habang nakasuksok sa kabilang kamay ko ang isa kong kamay.
" Oh. Anong problema 'dun? " Presko kong tanong.
Lumipad ang paningin ko sa nakabusangot na mukha ni Daniel. Naglakad siya pabalik sa aking kinaroroonan. Umasta akong hindi ko siya napansin at nagpatuloy sa pakikinig kay Crown.
" Ano ba! Hindi ka ba nag-iisip? ..alam mong mayaman 'yong tao, ibig sabihin lang nun, alaga siya sa pamilya. At kahit ilang oras lang siyang wala, AFP na agad ang katapat non. Tanga ka ba huh? Naisip mo bang imbes na makatapos ka ay ma-expell ka pa dahil lang sa kinidnap mo 'yang kasama mo? " Narinig ko ang mabigat niyang pagbuntong-hininga. Hindi ko maiwasang hindi maguluhan.
Kumunot ang noo ko nang magtama ang paningin namin ni Daniel. Tumigil siya sa harap ko at nagpameywang. Aba, ang kapal ng taong ito. Ang sarap lang hambalusin.
" Ano bang sinasabi mo? ..o-okay lang naman siya dito. Humihinga pa siya, huwag kang mag-alala. " Utas ko habang nakikipagmatigsan ng tingin kay Daniel. Mamaya, bibigyan ko siya ng isang uppercut at isang malakas na butterfly kick.
" Bahala ka.. pero sana naisip mong baka sumugod sa school 'yong mummy niya at ipahiya ang lahat ng nasa faculty pagkatapos niyang bantaan.. and that's exactly what happen earlier dahil sa paghahagilap niya sa anak niya. Think about it, Julia. " Banta niya. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong lumunok dahil sa mga nakakapanindig-balahibong ibinahagi niya.
Mariin kong tinitigan si Daniel bago ibinaba ang tawag ng pautay-utay. Kung ganoon, ano ng gagawin ko? Ganoon ba siya ka-importanteng nilalang? Magugulat na lang ba ako mamaya habang pinapanood ang sarili kong nasa telebisyon habang may sulat na wanted ang ibaba nito? Kidnapper na ba ako ngayon?
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Hayran Kurgu-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...