Chapter 52: EYE FOR AN EYE
I guess this is just the worst wake up of my life. Napakasakit ng ulo ko, masakit ang lalamunan, at ang pait ng panlasa ko. Ang baho-baho ko pa! Puto, ano ba'ng ginawa ko habang tulog?! Bumangon ako ngunit mas lalo lamang sumakit ang ulo ko plus there was an uneasy feeling. Pakiramdam ko ay may mga nakatingin sa akin.
Tiningnan ko si Megan na nag-inat at gaya ko ay tila masama ang timpla paggising sa umaga. Bumangon siya sa kama at tila naiilang na napatingin sa akin. Then, she pouted and sat straight as she looked behind me.
Napatingin na rin ako sa likuran ko at may tatlong pares ng mga mata ang nakatingin sa akin.
"What?" I asked them. Bakit nasa kwarto namin sila? Bakit ganyan sila makatingin?
Sumulyap si Trench sa suot niyang wristwatch. "It's past 10 in the morning."
"Tinatanong ko ba ang oras?" wika ko kasabay ng ngiwi nang maramdaman ang sakit sa ulo. Tiningnan ko si Megan na minasahe rin ang kanyang ulo.
"We're supposed to go to the Research Lab para sa observation sa production," wika ni Tatsulok na tila hindi natutuwa. Pwes, hindi rin ako natutuwa sa kanya.
"We're sorry," wika ni Megan. She wriggled her brow at me like she's prompting me to apologize too.
Why would I? No way.
I looked away ngunit dumapo lamang ang tingin ko sa nakakadiring bagay na nasa palangga, sa ibaba ng kama ko. "Yuck!" bulalas ko. "Bakit may suka rito?"
"Ask yourself, Kitten," sagot ni Gon.
Biglang bumalik sa isipan ko ang ginawa namin ni Megan. Napatingin ako sa kanya at gaya ko ay yumuko-yuko lamang siya. Meron ding palanggana sa paanan niya.
"Heto na ang sabaw!" wika ng kapapasok lamang na si Coco. May dala siyang tray na naglalaman ng dalawang umuusok pa na mangkok.
Naamoy ko ang bango at bigla akong natakam.
"Buti gising na kayo." Inilapag niya ang unang mangkok sa bedside table ko at inilagay naman niya kay Megan ang isa.
"Bilisan n'yo diyan dahil hinihintay na kayo ng PoD sa kanyang opisina," wika ni Trench.
Napabuga ako sa hinigop kong sabaw samantalang nalaglag naman sa kama ang hawak ni Megan na kutsara. The spoon clanked on the bowl before it fell on the bed. Umabot sa PoD ang ginawa namin?! At puto! Bakit ang anghang ng sabaw na ito?!
"Coco?"
"Hmm?" ngisi ng kalbo.
"Ano'ng inilagay mo sa sabaw?"
Biglang nahintakutan ang mukha ni Coco. Hindi agad siya nakasagot at sa halip ay yumuko lang. Tumingin ako kay Megan.
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...