7th Pain (Symptoms)

368 20 5
                                    


Tiffany's Pov

"Huh?"

Nagulat ako sa sinabi niya. T-tabi kaming matulog?

"Gusto mong magpanggap ako diba? So I'm doing my part." sabi niya ng wala paring tinag sa akin. Habang ako, mababali na ata ang leeg ko kakatitig sa kanya.


"Ah eh..." speechless pa din ako hanggang ngayon! Hihihi. Totoo ba talaga ang narinig ko? Talaga bang magppretend na lamang siya?



"Andito na tayo..." sabi niya at tinanggal ang seatbelt niya mula sa kanyang katawan. Ako din naman ay nagtanggal na at lumabas na ng kotse niya.



For the first time, nakasakay din ako sa kotse ni Luhan :)



Thank you po Lord.



Unang pumasok si Luhan sa bahay atsaka ako sumunod. Ayaw din kasi ni Luhan na may kasabay siyang umuuwi sa bahay nila. Kahit magpapanggap nalang kaming mahal namin ang isa't isa, o mahal niya ako, alam kong may mga ayaw parin siya na gawin ko sa kanya.



"Luhan, asan na si Tiffany? Kamusta na siya?" sabi ni Manang ng makita kong nakapasok na si Luhan.



"Parating na din yun." tipid na sabi ni Luhan. Atsaka naman ako pumasok sa pintuan.



"Hello po Manang." bati ko sa kanya at nagbless.



"Hija! Jusko po! Kamusta kana? May nararamdaman kaba?" sabi ni Yaya sa akin nang nag-aalala. Napatingin naman ako kay Luhan at si Luhan naman ay nakaupo lang habang nakatingin sa akin.



"A-ayos na po ako Manang. Salamat po sa pag-aalala." sabi ko.



"Kumain kana ba? Gusto mong ipaghain kita?" tanong ni Manang sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.


"Ako din Manang, pakipaghain niyo nalang ako." sabi ni Luhan. Nagulat kaming dalawa ni Manang sa sinabi ni Luhan. Hindi kasi sumasabay ng hapagkainan si Luhan kapag kasama ako. Pero ngayon? Talaga ngang tutuparin niya na yung gusto ko. Ang magpretend na mahalin niya ako.



"Ah eh... S-sige..." sabi na lamang ni Manang pero alam kung may halong saya ang kanyang itsura.


******************************


Kinabukasan...

Nagising ako mula sa sikat ng araw na tumama sa mga mata ko dito sa kwarto ni Luhan. Oo dito nga ako natulog sakwarto ni Luhan na matagal ko ng pinapangarap nung ikinasal kami.Pero alam kong napakaimposible nun dahil hindi niya naman ako mahal.

Killing Me Slowly:Pls Don't kill me like this.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon