2012
"'Te nakakiyak yang letter mo ah" sabay abot ni Jola ng letter na tinype ko kagabi.
"Jola? Anong nakakaiyak dun? Ikaw Rea ah, tigil tigilan mo na nga 'yan, niloko ka na nga ng tao, hahabulin mo pa! Tama na yan, maawa ka sa sarili mo. Noong isang linggo lang iniiyakan mo yang lalaki na 'yan, tapos ngayon bibigyan mo pa ng letter"
"Ate Jasmin last try ko na 'to, malay mo magkabalikan ulit kami. Malay mo nakapag isip na siya. Baka narealize na niya na mas mahal niya pala ako."
"Hoy! Pinaganak ka Rea na tao at hindi aso para humabol habol! Anong kamartiran yan? Wag ka nang maging martir, wala nang space ang luneta para sa rebulto mo" galit na sabat ni Camille habang nagluluto ng pagkain.
"Please, Isa na lang baka may chance pa eh, Last na 'to." sabay tupi sa letter, sigurado ako dahil sa letter na to magkakabalikan kami, korni pero eto na ang last chance ko. Kinalimutan ko na ang nangyari last week at kailangan ko na gumawa ng paraan.
"Bahala kayo!, Ikaw Jola ah, kunsintihin mo pa 'yan" sabay patay ng gasul ni Camille.
Di sumagot si Jola,at nakatingin lamang sa akin.Hinawakan ko si Jola sa kamay at nagpasya na tumayo sa kinakaupuan ko.
Nagsuot ako ng magandang damit, nagpabango at nag ayos. Handa na ulit ako sa mangyayari at sinabi ko na sa sarili ko "Last na to". Nakakainis talaga bakit kasi nag inarte ako sa birthday ng Lola ni Kio dapat pala pinilit ko na mag ayos kami, na magkabalikan.Oo may pagkatanga pero narealize ko na mahal ko pa rin si Kio sa kabila ng mga ginawa niya. Di ko kaya na mawala siya sa buhay ko.Sa tutuusin hindi ko pa rin tanggap na wala na siya. Gabi gabi ay naiisip ko ang mga salitang "what if?". Alam kong hindi pa tapos ang kwento naming dalawa at gagawa ako ng paraan.
Pumasok kami ni Jola sa eskinita at mga ilang hakbang lang ay ang boarding house ni Kio. Makitid lamang ang eskinita at dikit dikit ang tindahan ng sisig at mga silog. Sa labas ng boarding house niya ay ang mga tambay na tanghaling tapat nag iinuman. Ang ilan ay mga nakahubad at di alintana ang derektang sikat ng araw. Tubig ang chaser at yosi ang pulutan, yaan na ang pangkaraniwang eksena sa eskinita nila. Batang umiiyak sa harap ng tatay niya at humihingi ng limang piso at ambang sasapukin, ngunit mumurahin na lang dahil walang maibigay. Sa kabila naman ay ang babaeng nagdidiwara sa tambay niyang asawa dahil walang makain o panggastos. Ganyan ang araw araw na eksena sa eskinita nila Kio, di umusad di humahakbang.
Deretso ako pumasok sa boarding house ni Kio, dahil kilala na ko ng mga tao doon, lalo na ang kanilang landlady na si Tiya Sali. Lahat nakatingin sa akin, para akong artista kung sa positive side mo tititngnan, pero isang tanga pag sa negative side naman.
"Jola dyan ka lang ah,abang ka lang sa labas, This is it."
Kumatok ako sa pintuan, kinakabahan na naman hawak ang notebook kung san nakaipit ang letter. Bumukas ang pinto at lalo ako kinabahan.
At isang pamilyar na boses sa akin ang sumalubong
"Rea? Ano ginagawa mo dito?"
"Pwede ba pumasok, don't worry ako lang, maiiwan si Jola sa labas"
"Sure, pero sandali lang ah"
"Oo naman di naman ako magtatagal eh"
Dahan-dahan ako pumasok sa kwarto, nilalamig pa rin at dumeretso upo sa kama niya. Tiningnan ko muna ang paligid, nakakalat ang mga damit niya at mga sapatos. Tumingin ako sa kanya habang nag aayos ng mga gamit sa bag, di ko alam sasabihin ko, Pano kaya 'to? San ako mag sisimula?
"Dumi-Dumi nang kwarto mo ah? Wala na naglilinis."
"Oo nga eh, ganun talaga" sabay ayos ng buhok habang nakaharap sa salamin.
BINABASA MO ANG
MAKO
RomanceMahal na Mahal kita at hindi ko na kailangan ulit ulitin, nang paulit-ulit at araw-araw ang mga salitang ito . Nasasaktan ako kasi hindi na ko sa'yo, at hindi ka na akin. Parang unti-unti ako nag nagpapakamatay sa ilusyon. Nasasaktan sa bawat ginag...