The Secret Coven Book 2: My Devil On The Bed

8K 123 17
                                    

"Love doesn't need to be heard from the lips nor spoken from the mouth to be proven true. Minsan, kahit nga ang galaw ng katawan ay hindi rin kinakailangan. Sapat na ang malaman mo mula dito," turo niya sa kinaroroonan ng puso ni Rows,"na mahal mo ang isang tao at willing kang isugal ang lahat lahat para sa kanya. Iyon ang pagmamahal na alam ko."


Chapter 1

"I expect all five groups to give their reports this coming Monday evening. Work on your project for three days but make sure to rest. That's all, you're dismissed."

Kei pushed his bangs away from his face at ang lampas balikat niyang buhok ay nakapusod sa likod. His rimless eyewear glinted nang matamaan iyon ng sikat ng buwan. His white long sleeved polo shirt is adorned with a black tie that added more effect to his professional aura. It was the end of another night for his students and a start for his.

He is a geography professor sa isang sikat na unibersidad na nagke-cater sa mga taong hindi magawang mag-aral sa umaga dahil sa trabaho. He is teaching two classes every night. Maraming nagtatanong kung anong ginagawa niya sa umaga at kung bakit mas pinili niyang magturo sa gabi, his reaction is to always give his brightest smile and tell them na preferred niya na magturo sa gabi dahil mas malamig and he would add that he hates the sun. Some people think it is a joke but to him it’s not. Others would ask what else he does in the morning that makes him preoccupied, he'd just admit that he sleeps like the dead and nothing else. Iyon naman kasi ang totoo. He is a Georgraphy teacher at this point in his  life dahil sa dinami-dami na ng beses siyang naka-graduate ay hindi na niya mabilang ang kanyang degree. He's a renowned brain surgeon, a certified dentist, a professional chef, a Mixologist who also knows bartending, a licensed Pilot and a lot more pero lahat ng mga propesiyong iyon ay kinakailangang sa umaga niya gampanan. Ang pinakahuli niyang ginawa ay ang mag-aral ng iba't ibang lugar sa mundo sa pamamagitan ng pagtatravel, kahit ang pamosong Bermuda Triangle ay ilang beses na niyang napuntahan. Hence, he is presently a geography professor o mas tamang sabihing geographist. He prefers the moon than the sun and hates traffic so much kaya kahit anong mangyari ay hindi niya ipagpapalit ang propesyon niya sa kahit na ano. Maligaya na siya doon.

"Sir Kei! Sandali lang ho," he was near the parking lot nang isa niyang estudyante ang tumawag sa kanya. Hindi na niya kinakailangan na lumingon para mapagsino ang tumatawag, this particular student of his was Marja.

"Hmm? Did you forget something?" tumigil siya sa paglalakad at lumingon. He smiled at one of his hardworking night class students.

"Sir, can we invite you out for a small get together? Birthday po kasi noong anak ni Katrina, magvi-videoke lang po sana sa kanila tutal maaga pa naman."

Ngumiti siya bago umiling. "I have to be somewhere else in fifteen minutes, next time nalang. Huwag kayong magpapagabi sa daan at madaming masasamang loob ang nagkalat," aniyang kumaway bago tumalikod at magtungo sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan. Iniwanan na niya ang estudyante niyang alam niyang nakasimangot. Ilang beses na kasi siyang niyaya ng mga ito na lumabas at ilang beses na rin siyang tumanggi.

He went inside his new 2013 LEXUS LS 460 and drove home. Makaraan ang ilang minuto ay narating ni Kei ang penthouse suite niya.  Isa iyon sa mga eksklusibong high rise na pag-aari noon ni Blue Montaña na matalik na kaibigan niya. He bought one dahil na rin sa malaya siyang makakapagparenovate making his whole house sound proof. It has 24/7 security na nababagay sa tulad niyang tulog sa umaga at gising o wala sa gabi. Isa pang rason ay ang layo ng lugar sa mataong bahagi ng Maynila, he likes the distance between his place and the buzz of life na nililikha ng mga tao sa siyudad. His house has dim lighting, sinadya niyang hindi gawing maliwanag ang paligid niya dahil hindi naman niya kailangan ng liwanag para makakita. He removed his tie and threw it on top of his center table at nagtungo sa kanyang personal refrigerator para kumuha ng kanyang bagged food. He slapped it on his mouth. It's his favorite drink kaya iyon kaagad ang kinuha niya, he needs to feed after all. Once he finished draining the contents of the bag ay pumasok siya sa sariling silid at umupo sa harap ng kanyang drum set at nagpapawis. He took his Beats earphones and hooked it on one of his amplifiers para mapakinggan ang ginagawa. Hindi lang siya lumilikha ng ingay kundi nagcocompose ng kanta on his mind. State of the art ang acoustic drumset niya at kusa itong nagrerecord ng kahit na anong tugtugin niya.  He's not just a professor, he also plays the drums pero ilan lang ang nakakaalam noon. Isa sa madami niyang sikreto ay ang pagtugtog. Dahil na rin sa hindi niya magawang matulog sa gabi ay sinubukan niyang aralin ang ilang instrumento tulad ng piano, gitara at flute at lahat ay nagawa naman niyang i-master.

The Secret Coven Book 2: My Devil On The BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon