Chapter 9:
Third Person's POV:
Sa nasaksihang pangyayari ay parang nawalan ng kulay ang dalagang si Allysha. Sa katulong na ngayo'y walang buhay at nakahandusay sa marmol na semento ay isa lamang ang kanyang nasa isip.
Siya ang dahilan kung bakit ito pinatay ng demonyo.
Kung sana'y hindi niya ito kinausap. Kung sana ay pinaalis niya nalang ito. Siguro'y hanggang ngayo'y buhay pa sana ito.
Nang dahil sa kanya ay may pinatay ang demonyo.
Dahil sa pagsuway niya ay may buhay na nasayang.
Lihim na napaiyak ang dalaga habang na nakatingin ito sa kaawa awang katulong.
Ngunit naging alerto siya ng lumingon sa gawi niya si King. Agad na nagtago siya sa gilid ng isang mamahaling malaking vase.
Dahan dahan siyang bumalik sa kwarto ng walang ginagawang ingay.
Pagpasok ay agad na humiga upang magkunwaring tulog at walang alam sa nangyari.
Si King nama'y pagkatapos ng ginawang pagpaslang sa katulong ay nahagip niya ang isang pigura.
Bumaling siya doon ngunit wala rin siyang nakita.
Ngunit alam niyang nakita ng dalaga ang nangyari. Nasaksihan ng dalaga ang pagpaslang ng demonyo.
Ngunit wala siyang pakialam. Kung kailangan makita iyon ng kanyang reyna ay gagawin niya upang malaman ang nais niyang iparating dito.
Pinagligpit niya ang walang buhay na katulong sa mga tauhan. Ang ibang katulong ay tahimik naring bumalik sa kanilang mga silid na parang walang nangyaring pagkitil ng buhay.
Pagkatapos ay pumunta na si King sa kwarto niya kung saan doo'y nakahiga ang kanyang mahal na reyna. Alam niyang gising ito at pilit na nagkukunwaring nasa mahimbing natulog.
Agad na humiga ito sa tabi ng dalaga. Dahil nga nakatalikod ito sa kanya ay niyakap nalamang niya ito patalikod. Ramdam niya ang panginginig ng dalaga ng maglapat ang kanilang mga balat.
Alam niyang natatakot ang dalaga sa kanya. Sa ginawa niya ay alam niyang may konklusyon na ito sa maaaring gawin nito sa dalaga.
Nilapit niya ang kaniyang bibig sa tenga at bumulong na nakapagpahindik balahibo sa dalaga't pagdagdag sa takot na nadarama nito.
"I know you're awake,My Queen. I know you see everything that I did to that woman. So, Don't you dare to try to escape,My Queen. You'll see what I will gonna do to you if you do that"
Sa isinatinig ng binata ay mas lalong kinabahan ang dalaga. Nawalan ng pag-asang makaalis pa sa puder ng walang pusong demonyo.
Sa kabilang banda,sa isang mansyon ay may binatang nakamutawid sa veranda ng kanyang opisina sa sariling mansyon ay may pumasok na katiwalang may hawak na isang kahon.
"Young Master, May nagpadala po nito sa inyo. Para daw po sa inyo ang regalong ito" ani ng katulong habang nakayuko.
Walang ekspresyong tumingin ang binata sa katulong at pumunta sa upuan niya. Agad na nilapag sa lamesa ng katulong ang kahon at agarang umalis.
Nang buksan ng binata ang laman nito ay galit agad ang kanyang naramdaman ng makita ang loob nito.
Abo at litrato ng isang matandang pinahihirapan. Binabalatan ng buhay at sinusunog.
Napakuyom ang kamao ng binata at nanlilisik ang itim na mata.
"I will fucking kill whoever kill my Father!"
BINABASA MO ANG
The Demon's Possession (Complete)
RomanceHe's a Heartless. A demon. He can kill anyone. He can control anyone. No one can tame him. No one know his true identity. His secrets. His Darkest Secrets that no one knows. Pero paano kung isang gabi ay makilala niya. Ang babaeng kanyang kahuh...