HULING DAMPI

76 0 0
                                    

Kung susumahing tunay

Damdamin ko'y may aray

Hindi ko maibulas

Ang pag-ibig kong wagas

Pilit kong ipiniit

Mistulan mang may pait

Ang hawla ko ay ikaw

Sayo'y tunay na uhaw

Ika'y masisilayan

Sa kwadradong bukana

Nalaman ang damdamin

Na iyong tinatanggi

Mistulang dinudurog

Pighati aking irog

Ikaw ay nasasaktan

Huli na ng malaman

Isinatitik mo man

Lungkot puno ng laman

Kung sana'y makahanap

Buong pinapangarap

Ang s'yang halaw mo mahal

Punong-puno ng pagal

Pag-ibig na kay ilap

Hangin sa iyong balat

Kung dadamping labi

Sa iyong mga labi

Akin nang sasambitin

Aking huling pagtangis

Pagmamahal kong tunay

Marami mang pag-aray

Sa iyong mga palad

Aking huling idampi

Pagsintang walang bayad

Na aking ipiniit

Ako ma'y sa kawalan

sayo lang huling dampi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HULING DAMPITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon