Miruelle
“Anak mag-iingat kayo doon ha?” wika ni mommy sa akin habang mahigpit ang pagkahawak sa aking mga kamay.
Nandito na nga pala kami sa pier kung saan kami sasakay ng barko patungong Negros Occidental. Well actually pwede naman mag-eroplano pero mas pinili ko ang barko sa kadahilang gusto ko malaman kung ano ang pakiramdam sumakay ng barko.
“Yes Mom. Don’t worry okay. Kaya ko na po ang sarili ko.” sabi ko naman kay mommy at nginitian siya to assure her that I will be fine.
“Anak sigurado ka na ba talagang pupunta ko doon ha?” si daddy naman ngayon ang nagsalita.
“Yes po dad. I told you, para na rin po makalanghap ako ng sariwang hangin. Malay niyo po makakabuti po iyon sa kalagayan ko.”sagot ko kay daddy and he then gave me a smile saka tumango.
I know they are just worried about my situation. But I made my decision, alam kong its now or never.
“Tsaka po as what I always said, gusto ko naman po maka-experience ng iba pang mga bagay. Gusto ko rin po maranasan kung papaano mamuhay ang ibang tao. I want to live my life to the fullest bago pa po mahuli ang lahat.” Nakangiti kong sabi sa kanila na siya namang ikinahikbi ni mommy. Dad is hugging her right now.
"My baby is really grown up now." Sambit ni mommy.
“I understand anak. And I’m so proud of you.” Sabi ni daddy na maluha-luha ang mga mata.
“Marga, please take care of our daughter. Ikaw na ang bahala sa kanya doon.” habilin ni dad kay beshy na nasa gilid ko lang bitbit ang neck pillow niya.
“Yes Tito Martin. Don’t worry po, I’ll take care of her.” Magalang naman na sagot ni beshy kay dad.
“Oh my baby. Be back soon okay.” sambit ni mommy at niyakap ako ng napakahigpit. Aw, I will miss them.
“Yes mom. I will be back. Alive and kicking.” Pagbibiro ko sa kanya ngunit imbes na matawa sila ay mas lalo lang naiyak si mommy. I can’t blame her. She must be so worried about me.
“O sige na, mauuna na kaming umalis sa inyo. Baka mamaya magwala pa ang mommy mo dito at hindi ka pa matuloy sa pag-alis.” pagbibiro ni daddy kung kaya ay nagtawan kaming apat.
“Mahal!” sambit ni mommy na tila nagtatampo pa sa panunukso ni daddy.
“Joke lang mahal. Pinapatawa lang kita.” panunuyo naman ni dad at hinalikan si mommy sa pisngi. Ugh. They are just too sweet to watch.
“Ugh. Get a room mom and dad.” Ako naman ang nagbiro sa kanila na siya naman ikinapula ng mga pisngi ni mom. Aww. Si mommy mukhang teenager pa rin kung kiligin.
“Sige na. Aalis na talaga kami. I still have appointment to catch. Kailangan ko pang kitain ang bagong supplier natin na si Mr. Cordova.”
“Okay dad. Ingat po kayo. Bye.” Pagpaalam ko sabay halik sa pisngi nila.
“Good bye tito, tita. Ingat po kayo.” Pagpaalam naman ni beshy.
Kumakaway lang kami sa kanila hanggang makaalis na ang kotseng sinasakyan nila.
“Tara na beshy. Pumasok na rin tayo.”Pag-aya sa akin ni beshy at sabay na naglakad papasok ng boarding area.
-------
Isang araw at isang gabi ang byahe namin sa barko. Pagkababa namin ay kailangan pa namin sumakay ulit ng bus papunta sa City nila which will take 2 hours and a half bago makarating. Kilala ang Negros sa tubo. Kaya naman sagana sa kulay berde ang makikita mo dito sa lugar nila. Dahil lahat ng nadadaanan namin ay pulos katubuhan.
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.