Miruelle
“Okay ka lang Elle?” nag-aalalang tanong sa akin ng mama ni beshy habang hinihimas ang likod ko. Kaya tinanguhan ko ito bilang sagot.
Dahil yata sa buhok ko kung kaya hindi nila ako nakilala? Syempre sa tagal naming magkasama ni beshy hindi malabong nakikita nila ang mga pictures namin sa Facebook.
Kaso, halos tatlong taon na nung huling nagpost kami ng pictures. At mahaba pa ang buhok ko nun. Hindi kagaya ngayon na sobrang ikli na, parang gupit panlalaki.
“Ang tinuod la si Mir--------“ (Ang totoo la si Mir----)
“Ah nagkaroon po kase ng emergency si Ma’am Miruelle kung kaya hindi siya nakasama. Since para hindi po masayang ang ticket ay binigay nalang po ito ni Ma’am Miruelle sa akin. Bakasyon ko na rin po.” Pagpapaliwanag ko sa kanila.
Medyo pinag-papawisan ako dahil ilang segundo din silang natahimik na tila ba ay pinoproseso lahat ng sinabi ko.
“Ah ma’am Miruelle? Sakto ba kong pagkadungog gitawag nimong ma’am si Miruelle?” (Ah ma’am Miruelle? Tama ba pagkarinig ko tinawag mong ma’am si Miruelle?)
Nagtatakang tanong sa akin ni lola. Sa totoo lang ay hindi ko naiintindihan ang sinabi ni lola kaya siniko ko si beshy para itranslate sa akin ang sinabi nito. Nung naiintidihan ko ay agad akong humarap sa kanila.
“Ah. Haha.” Natatawa kong komento kahit ang totoo niyan ay kinakabahan ako.
“Opo lola. Ako po pala ay naninilbihan sa pamilya Adaya.” pagpapaliwanag ko. Pero yung kaba ko hindi ko mapigilan. Nagsisinungaling ako sa mga elder.
“Ah kasambahay ba?” tanong naman ng papa ni beshy.
“Ah parang ganun na nga po pa. Pero pumapasok din po siya sa school namin katulad ko po scholar din siya.” Si beshy na ang nagpaliwanag ng mapansing pinagpapawisan na ako ng sobra sa kaba.
Pagkatapos magpaliwanag ni beshy ay samu’t saring reaksyon ang naririnig ko sa kanila. Di ko man naiintindihan lahat pero ang alam ko ay natutuwa sila sa pamilya ko dahil sa kabaitan nito.
“Kung ganun ay masipag kang bata dahil nagustuhan ka ng mga Adaya, Elle?” komento ni tiya Mona bff ng mama ni beshy kaya agad akong napatingin dito.
“Ah haha oo naman po. Sobrang sipag ko po. Kung gusto niyo po ay ako napo ang maghugas ng mga pinagkain natin.” Pagbibiro ko sa kanila dahilan upang matawa sila.
Ngunit biglang napawi ang pagtawa ko ng marinig kong magsalita ang lola ni beshy.
“Aba kung ganun ay magligpit na tayo upang makapaghugas na si Elle. Subukan natin ang kasipagan ni Elle.” Tuwang tuwang anunsyo ni Lola Mareng na sinang-ayunan naman ng lahat. Masayang masaya sila habang nagliligpit samantalang ako ay naka-upo parin sa pwesto ko at hindi inakala ang nangyayari.
“Oh hija dito ang lababo.”pagtawag sa akin ni tiya Ema ng makitang hindi ako gumagalaw sa pagka-upo ko.
“Ah hahaha. Sige po tiya susunod na ako. Mag-e-stretching lang po ako.” Pagbibiro ko kasabay ng pag-stretch ng mga kamay.
Oh my God! What to do? I don’t know how to do dishwashing. Huhuhu. Help me God.
****
Kakatapos lang namin maghugas. Tama, namin, kase tinulungan ako ni beshy. Pinupunasan na namin ang mga kubyertos at mga baso samantalang ang mga elders ay nasa kanya-kanya ng mga kwarto. Mabuti nalang at tinulungan ako ni Beshy maghugas kung hindi baka abutin ako ng kinabukasan dito ay hindi pa rin ako tapos maghugas.
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.