hindi na makatagpo ng isang taksil

120 1 0
                                    


Ako ulit ngayo'y nagsususlat,

Kaharap ang aking laptop,

Laptop na naging sandalan

Simula nung ako'y iyong iniwan.

Gabi-gabing kay hirap matulog,

Gabi-gabing umiiyak, sing dami ng tubig sa ilog,

Gabi-gabing ikaw lang sa isip ang laman,

Kung bakit ba kasi ako'y iyong iniwan.

Giliw, para sayo butas ng karayom susuungin,

Magbalik ka lang sa aking piling,

Kahit iyo pang gawing alipin,

Hindi tatahol sayo aking giliw.

Hindi ka pa rin mawala wala sa isip,

Hindi ko na mawari ano ang gagawin,

Napakahirap dahil marami na ang pinagdaan natin,

Pero gaya ng iba, pag iibiga'y mahirap panatilihin,

Lalo na kung pinipilit ka na lang mahalin.

Ako'y nagsusulat para magbawas,

Magbawas, ng lahat ng kinikimkim,

Kinikimkimkim, na poot at pighati,

Pighati, na dulot ng isang tulad mo,

Tulad mo, na minahal ko ng todo.

Pagmahal mo, kahit bugbog na ang puso,

Hindi pa rin maiisipang lumayo,

Oo sabihin na nating tanga ako,

Tanga ako kasi naniniwala pa rin ako pwede pa tayo,

Na baling araw magbabago ka sa piling ko.

Ngunit masakit pala pag sarili mo lang ang yong niloloko,

Na balang araw siya ay magbabago,

Na balang araw mamahalin ka niya pabalik,

Pero yun lang ang sa utak mo'y iyong isinisiksik,

Dahil para sa kanya, wala na kahit iyong ipilit.

Paano kaya kung hindi kita nakilala?

Paano kaya kung hindi nalang kita pinansin nng una tayong nagkita?

Edi sana hindi ako nagdurusa.

Bakit parang lahat nalang kayo iniiwan ako?

Sabi nila ang taong iniwan makakppulot ng aral,

Pero bakit ngayon wala pa rin akong alam?

Kaya ba kaligayahan ay di ko pa nakakamtan?

Kasi hindi ko pa napuupulot ang aral?

Kapag pinulot ko ba?

Ako ay pagpapalain na?

At sa akin ay mayroong magmahal na?

Yung tipong hindi na luluha pa,

Pagkat siya ay magiging karamay na?

Sana sa oras na iyon ay dumating,

Ako'y sasaya na sa iyong piling

Dahil iyon lamang ang aking hiling,

Ang hindi na makatagpo ng isang taksil.

hindi na makatagpo ng isang taksilWhere stories live. Discover now