PAGPAPAKILALA.... UNANG TAONG PAGHANGA...
Noon, di ko pa nakikila o nakikita ang babaeng ito.
Isang gabi, habang mahimbing ang tulog ko, ang babaeng ito ay biglang sumulpot sa panaginip ko.
Nakakatawang isipin, na hanggang ngayon ay naaalala ko pa ang mga pangyayaring nangyari sa panaginipip ko.
Ako si banban, hindi tunay na pangalan. Ako ay nasa isang banda. Banda rito banda roon. Noong hayskul. Saxophone ang instrumentong tinutogtog ko.
Ako ay nasa isang tinatawag nilang general section. General section ang tawag sa mga bobong katulad ko. 3rd year hayskul ako, doon ko unang nakilala si Meg.
Siya si Meg, hindi rin niya tunay na pangalan. Siya ay maganda. Mahinhin. Matalino. Masipag. Mapagmahal.
Babaeng may braces. Siya ay nasa SPA section. Special Program for the Arts, sila yung mga estudyanteng may mga iba't ibang talento...
Eksaktong sa labas ng campus, nakita ko yung babaeng nasa panaginip ko.
Hindi ko alam ang pangalan niya, paboritong kulay, likes or dislikes niya. Mabuti nalang at may mutual friends kami.
Friend: uy! Bakit ka nakatulala diyan? Crush mo siya noh?
Ako: *nakatulala parin*
Friend: huy! Pakilala ko sayo ha? Wait lang...
(Pinuntahan ang babaeng tinititigan ko lang)
Friend: Ay, Meg, si Banban pala, ka bandmate ko.
Ako: *nagsasalita sa isip* (bat ako kinakabahan? Ito ba yung tinatawag nilang, LOVE AT FIRST SIGHT?)
Siya: Hi.. (Tapos nagmamadaling umalis kasi hinahanap niya ang kaibigan niya.)
Ako: *abot tenga ang ngiti*
Friend: uyyyy! Haha. Bulol kaya yun..
Ako: weh? Di yun bulol!! Sapakin kita eh! Dahil lang yun sa braces niya. Ang ganda talaga niya!
Hindi ako mapakali. Nilibre ko ng pagkain ang kaibigan ko.
Lahat nilibre ko yata.
Lagi kong sinusubaybayan si Meg.
Alerto ako palagi pag andiyan siya sa paligid.
Ang lakas ng essence of aura niya sa akin.
Powers ba ito?
Or inlove lang talaga ako?
Makalipas ang isang taon..... PANGALAWANG TAONG PAGHANGA..
Yes! 4th year na ako. Senior na! Last year ko na to! Ang masaklap, di ko na makikita si crush.
Ayos lang, sisiguraduhin ko sa taong ito, sasabihin ko na ang tunay kong nararamdaman.
Susulitin ko ang taong ito!
Habang ako'y papunta sa skul, nakita ko si Meg... Palabas ng dorm niya.
Ako: *oh my god!* siya ba talaga to? (Nilapitan ko siya ng kaunti para masiguradong siya nga ba)
Meg: *sabay lingon* naka smile lang siya..
Ako: *act normal* ang sabi ko sa sarili ko. *dont panic*
Sinundan ko lang siya ng tinging at sinabayan ko narin siyang makarating sa classroom niya.
Hindi ko alam, hinatid ko na siya sa room niya at ako ay na late sa klase.
Masaya. Ako lang nakakaalam na hinatid ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1753834-288-k194582.jpg)
BINABASA MO ANG
"APAT NA TAONG PAGHANGA"
RomanceKwento nang isang binata na inlove na inlove sa kanyang crush. Kung paano siya nainlove at hanggang kailan ang pagmamahal niya. Ang crush ay ginagawang inspiration at hindi depression. HELLO CRUSH! :)) Salamat Readers!