MAHAL KO...
“Magandang umaga! Nandito na ako!” Napalingon naman ako sa sumigaw. Gumuhit ang ngiti sa aking labi ng makita kita. Agad agad na nagsitakbuhan ang mga batang malapit sa kanya.
“Musta kayo? Oh! Kumain ba kayo ng gulay?” Tanong nito habang nakangiti. “OPO!!!” Sigaw ng mga bata.
“Kung ganun, ito ang para sa inyo!!” Sabi nito't ipinakita ang isang plastic na sa pagkakaalam ko ay naglalaman ng mga tsokolate.
“Yehey!!! Thank you po kuya Hiren.” Sigawan ng mga bata't nagpunta sa mga halamanan sa labas.
Lumapit ako sa kanya. “Napapadalas na ang pagdala mo ng tsokolate dito kuya..” Sabi ko. Napatingin naman ito't ibinahagi saakin ang ngiting inaasam kong makita ng malapitan.
“Eh sa nagsahod ako eh. Saka, diba ang sabi ko ay wag mo kong matawag tawag na kuya? Dalawang taon lang naman ang agwat ng ating edad.” Sabi nito.
Napatawa ako ng mahina. “Ganun pa rin naman, mas matanda ka parin..” Nakangiti kong sabi sayo habang inaayos ang tumpok ng bulaklak na pinitas ko kani-kanina lang.
“Iba ka rin kung mag isip Irene..” Sabi mo't kinamot pa ang ulo habang tinitignan mo akong inaarkong parang korona ang mga bulaklak.
“Ayan! Tapos na! O diba? Ang ganda!” Galak kong tugon at tumingin sa kanya ng may ngiti. Kinuha naman niya ito sa akin.
“Mas maganda—” putol niya habang naglalakad papunta sa akin. “—Kung sa isang tulad mo ito ilalagay..” Sabi mo't ipinatong ang kumpol ng bulaklak sa aking ulo. Inayos mo din ang buhok kong nagsisitambayan sa mukha ko.
Ini-angat ko ang ulo ko't sinalubong ang mga mata mong ka'y sarap pagmasdan. Di ko maiwasang humanga sayo ng lubos. Di ko na rin kayang umakyat pa sa lalim nitong pag-ibig ko sayo. Di ko maligtas ang sarili bagkus ay kailangan na lang magpatianod sa nararamdaman ko..
“Irene, sa ganda mong yan. Di na ako magtataka kung magkaroon ng napakaraming manliligaw..” Sabi mo pa na dahilan ng kagunawan ng pusong pilit kong binubuo.
“Salamat sa papuri kuya... Sana... Sana maging masaya kayo ng asawa mo...”
THE END