17

3.9K 61 0
                                    

"My girlfriend." nakangisi ng sagot ni Dave.

Humalakhak naman si Marc ng napakalakas. Manager ba talaga sya ni Dave? Mukhang sa inaasta kasi nila ay magkaibigan lang silang dalawa.

"Talagang umiikot ang mundo ha? Dati hindi ka naghahabol pero ngayon mukhang ikaw na?" sabay baling nito ng tingin sa akin.

Binato naman sya ng tissue ni Dave sa mukha at saka tumawa na rin kasabay ni Marc. Hinigpitan nya pa lalo ang paghahawakan ng kamay naming dalawa. Naiilang ako dahil may iba ng nakakakita ng pagiging malapit naming dalawa ngunit ito iyon, parte ito ng pagpapanggap.

May kinuha si Marc na maliit na kampana at saka pintunog. Bumukas naman ang pintuan at pumasok ang waiter na naggiya sa amin rito.

"I want roasted beef and water please. Hmm and a avocado shake for dessert."

"Kung yan din naman ang kakainin mo sana sa hindi class na restaurant tayo kumain diba?" natatawang sabi ni Dave kay Marc.

Tumawa naman si Marc at binato din ng tissue si Dave. "Oh sige. Dun tayo para dumugin ka talaga." tumawa naman si Dave at saka binalingan ako ng tingin.

"What's yours baby?" tanong nito sa akin.

"Ew dude! Under de saya ka?" natatawang tanong ni Marc sa kanya. Hindi nalang sya tinignan ni Dave at nagakapokus parin ang tingin sa akin.

Hindi ko naman alam ang mga pagkain na meron sila. At mukha talagang mamahalin ang mga ito.

"Kung ano nalang ang sa iyo." nahihiya kong sabi sa kanya. Ngumiti naman ito at saka sinenyasan ang waiter.

Nang makuha na lahat ng order ay umalis na ang waiter at katahimikan na naman ang bumalot sa aming tatlo.

"Anyway, you have a big project coming Dave. Movie with Lianne. Big project since may season 2 itong movie na 'to." panimula ni Marc. Tumango tango naman si Dave at nilikot ang kamay ko.

"Send me the files and contract para mapag-aralan ko. Yun lang ba?"

"You have a shoot in Batanes for BIG magazine and a fan meeting in Ilo-ilo. May charity event ka ring pupuntahan. Ikaw ang face ng network kaya kailangan mo talagang puntahan yun. You also have two commercial shoot. Since nakaleave ka minove namin ang dates next month. So expect hectic schedules next month."

"Okay. Send me all the files for that. Last na ikaw ang magaaccept ng offer. Papatayin mo ako sa schedules e. My baby will approve or decline those projects from now on. Alright?" tumingin naman sa akin si Marc at ngumiti nalang.

"I'm so curious. The last time we had talked wala kang nababanggit sa akin. What happened?" nagtataka ang mukha nito. Kinabahan naman ako kaagad. Mabubuking na ba kami?

Hinigpitan pa lalo ni Dave ang kamay ko. Binalingan nya ako at ngumiti. "Hmm. Let just say, cupid already target me."

Natawa naman si Marc at tumango tango. " Alright, alright. Hindi na ako mang-iintriga. Pero, are you going to introduce her in your world? Mukhang shy type itong girlfriend mo but definitely a beauty. Pwedeng pwede sya mag-artista if she wants." tumingin naman sa akin si Dave ng ilang saglit at saka ibinalik ang tingin kay Marc.

"No, she will not. She will stay beside me everytime." tumawa naman si Marc ng nakakaloko at itinaas ang dalawang kamay sa ere na parang sumusuko.

"Okay. Cupid really hit the right spot huh?" tumawa nalang si Dave sa tabi ko. Kahit naman gusto kong magsalita ay kadalasang english ang lenggwaheng gamit nila kaya hindi ako nakakasabay. Ayaw ko namang hindi magsalita dahil kahit papaano ay nakakahiya.

Dumating na ang waiter at may dala ng pagkain. Inihain na ito sa harap namin at inayos. Nang mailapag na lahat ay kinuha ni Dave ang isang kutsilyo at tinidor at hiniwa ang karne sa maliliit na piraso. Sinulyapan ko naman si Marc at nakitang nakangangang nakatitig 'to sa amin. Nahiya naman ako bigla.

"Okay okay." sabi ni Marc habang sinisimulan ang paghihiwa ng sariling karne. "This is not very unusual and hindi ako sanay na makita kang ganyan Dave. Nakakapanibago lang." umiiling iling pa ito habang natatawa.

Tinapos ni Dave ang paghiwa sa karne ko at saka itinusok ang isang piraso at pinakain sa akin. Kinain ko naman ito. Hmm. Masarap nga. Malambot pa.

Bumaling naman ng tingin si Dave kay Marc at ngumiti. "I told you, she's my girlfriend." tumawa ang dalawa at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"Anyway, better guard your girl Dave. Maganda at mahinhin yan, alam mo naman sa industriya natin." seryosong sabi ni Marc. Uminom naman ng tubig si Dave at saka tinugnan si Marc.

"I know. That's why I want her beside me all the time. Ginawa ko syang p.a para walang nakakaaligid sa kanya kung hindi ako lang."

"Ano palang balak mo kay Lianne? She pursue the movie because she wants to be with you pero kapag nalaman nya ito. Tsk tsk." umiling iling ito. "She will freak out."

"And yet you accept the offer?" naiinis na sabi ni Dave. Tumawa naman si Marc at uminom sa shake nya.

"I am not yet accepting that offer because I want to consider you. I told them na kapag pumayag ka ay saka ko lang tatanggapin. Pero mukhang hindi na ngayon." sabay tingin nito sa akin.

"Pero this is a big break if you want to leave this industry. Parang farewell movie na din para sa mga fans mo since aalis ka na din naman to handle the company of your family." dagdag nito.

Napatuwid naman ako ng upo. Hindi ko masundan ang pinag-uusapan nila pero may ideya naman ako. Aalis si Dave sa pag-aartista at sya na ang hahawak ng kumpanya nila. Akala ko ba ay ayaw nya pa? Bakit napapayag sya agad? At si Lianne Ramos? Yung super model na nakikita ko sa mga magazine na binibili ni Betty? Sya ang magiging katambal ni Dave? Aba'y napakaswerte naman nito. Pero mukhang ayaw nya din naman. Halata kasi sa mukha nito ang pagkadisgusto. Kung ganun nga ba ang makakatapat nyang napakaganda sa isang movie ay talagang maiinggit sya rito hahaha. Natawa nalang ako sa isip ko.

"Why are you laughing?" nagtatakang tanong ni Dave sa akin. Napansin ko ding nakatingin sa akin si Marc ng may sinusupil na ngiti. Uminit naman kaagad ang pisngi ko. Tumatawa na pala ako? Nakakahiya naman.

"Wala naman. May naisip lang ako." tumango lang si Dave ngunit balik isang linya na naman ang kilay nito at nakakunot na naman ang noo.

"We should go. May dinner pa kami with Mom and Dad." naghugis 'O' naman ang bibig ni Marc ngunit kalaunan ay tumango na din.

"Really serious this time ha?" seryosong sabi ni Marc.

Tumayo na si Dave at inalalayan na ako tumayo. Tumayo na din si Marc at nakipagkamayan kay Dave.

"Yeah. Really serious this time." seryoso ding sagot ni Dave.

"I hope so." bumaling naman ng tingin si Marc sa akin at agad na ngumiti. Ngumiti din ako pabalik sa kanya.

"It's really nice to meet you, Laila." inilahad nito ang kamay sa akin at tinaggap ko naman.

Ipinulupot na ni Dave ang kamay nya sa bewang ko at hinila na ako paalis.

"Take care." tumingin naman ako pabalik kay Marc. "Ingat ka din."

Nakalabas na kami sa restawrant at nagtuloy sa kotse nya. Binuksan ni Dave ang inupuan ko kanina at inalalayan akong makaupo. Hindi sya muna umalis kaya tinignan ko sya. Madilim ang mukha nito ngunit imbes na matakot ay nakakadagdag pa ito sa kagwapuhang tagalay nya.

"Do you like Marc?" galit na tanong nya.

HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon