2 letra na nagtapos sa Tatlo

9 0 0
                                    

2 Letra isang salita
Na Hi kung saan tayo nagsimula

Naalala ko noong unang usap nating dalawa.
Hindi pa tayo masyadong magkakilala pero parang napakahalaga mo na
Hindi ko naisip na mahuhulog ako sayong bigla
Na hindi ko naman ginusto baka kasi mamaya mawawala ka nalang bigla

Kumusta? Kumain kana ba?
Ayan ang mga tanong mo na nagtatanong sa aking isipan
Nahuhulog ako sa bawat tanong mo saakin na kung ako ba'y okay lang.
Ngunit napapaisip ako kung
Mahalaga ba talaga ako sayo o ako' y sadyang umaasa lang?
Araw-araw tayong magkausap halos wala na ngang oras tayong pinapalipas
Sa bawat minutong nakalog-out ka, iniestalk kita baka kasi mamaya mag status ka nanaman para sating dalawa

Dumating tayo sa puntong nagkaaminan na
Sinabi ko sayo na gusto kita ngunit sinabi mo saakin na may Girlfriend kana
Nasaktan ako kasi akala ko ako na
Yun pala meron pang iba.

Lumipas ang araw at hindi kana nagparamdam at ako naghihintay parin at umaasa na ika'y nagpaparamdam
Ngunit mali ako.
Mali ako dahil Ang tanga ko. Umaasa parin ako sa taong Hindi ako gusto

Kaya isang araw nagulat ako may mensahe ka saakin na tila bang nagmadali ako para buksan Ang messenger ko at mabasa Ang message mo

"BYE" Ayan Ang huling mensahe mo na sa luha ko'y biglang nagpatulo

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now