ANG BOYFRIEND
KONG ARTISTA.
[C] Ellaine Larena aka Ella/ella.ella.ella/modernongmariaclara
All Rights Reserved. 2010-2011. None of this should be redistributed without my consent.
Plagiarism is for losers.
Tanga daw ako.
Nagpaloko daw kasi ako sa !@#$ kong EX. Tapos trinaydor pa ako ng isa sa bestfriend ko.
Hindi ko man lang daw nahalata.
Tanga daw ako.
Kinamuhian ko ang isang lalaking, hindi ko naman kilala.
Nagpahalik pa ako sa kanya.
Okay. Anong point ko?
Tanga na nga ako. Uto-uto pa.
TAPOS, MALAMAN-LAMAN KO.
Magkakaroon ako ng Boyfriend na isang Artista?
Naguguluhan ka na ba?
EDI BASAHIN MO.
PS: Sana lang hindi mabasa ni Bryan Lim 'to. Baka mamaya, pahirapan niya ako. Lagot na.
1.
Eya's POV
Alam niyo ba yung salitang, "Tadhana?"
Natural alam niyo yun e halos lahat ng love stories nagaganap dahil sa Tadhana. Kumbaga, talagang si Kupido na ang
gumawa ng paraan para magtagpo ang landas niyo.
Pero, hindi naman lahat ng tinadhana e magkakatuluyan. Tignan mo ako. Sabi nila, tinadhana daw kami.
Pero bakit ganun, Iniwan niya pa rin ako? Iniwan pa rin ako ng gag*ng Roderick na yun. Pinagpalit ako sa
kaaway ko. Saklap noh?
Naalala ko tuloy nung nakaraang linggo, Tinext ako ni Roderick na magkita daw kami sa Starbucks malapit samin.
Alam niyo bang 6 months na kami nung araw na yun? So yun, nag-ayos pa talaga ako nun. Dala ko pa yung regalo ko
sa kanya which is yung gusto niyang cap. Nung papunta na ko dun, alam niyo kung anong nadatnan ko?
Si Erick at si Allison. Magkaholding-hands.
Hindi ko kaya alam yung gagawin ko nung time na yun. Nabitawan ko yung regalo ko sa kanya pati rin yung cellphone
ko. Syempre na-shock ako e. Sino bang hindi? Nakita nila ako at binitawan nila yung kamay nila. Ano kayang feeling
kung, Malaman mong mas malandi pa sayo yung boyfriend mo?
Ayokong umiyak. Ayokong ipakita sa kanyang naapektuhan ako. Gusto ko siyang sigawan, awayin, paluin. Pero
mapride akong tao e. Kaya nilakasan ko ang loob ko at sinabi sa kanya, "Uy, Ano 'to? HAHA. Joke ba 'to?
Tatawa na ba ako?" Medyo mang-iyak-iyak nako nun, pero alam niyo ba nakatungo lang siya. Hindi ako
pinapansin. Sakit sa ego. Sakit sa puso. Para matapos na 'to, Sinabi ko,"Anong palabas 'to? Kayo na ba? Kung
kayo na, Congrats. Naghanap ka na ng pamalit ko. Mas maganda at sexy. Enjoy mo yan. Ay, Oo nga
pala. BREAK NA TAYO. Sige, aalis nako. May gagawin pa ako e. Bye."