Pawis na pawis siya habang sumisipa bilang atake sa kanyang coach. Malalim ang kanyang iniisip at talagang binibigay niya ang lahat lahat ng pwersa sa bawat suntok at sipa.
Maraming tao sa building kung saan siya nagjujudo classes. Bata pa lang, nahiligan na niyang mag-aral ng self defense para na rin sa seguridad nila.
Katatapos lang niyang patumbahin ang kanyang trainer ng dumaang ang isang grupo na kararating lang. Nakasakbat pa ang gym bag ng mga ito.
Huminga siya ng malalim bago kinuha ang kamay ng kanyang trainer para tulungan itong bumangon.
"Pagaling ka na ng pagaling, ah? You wanna train for MMA?" Tanong nang kanyang trainer.
"No. This is just a hobby for me. I have no plans to make a career." Aniya at tumungo na sa labas ng mat para uminom sa tubig.
Maingay ang grupo ng lalaki noong dumaan ang mga ito sa kanyang gilid. Kilala niya ang ilan sa mga iyon pero hindi siya nag-abala pang bumati.
"Good shape." Puna sa kanya ng nasa unahan ng mga ito.
Tumaas ang kilay niya at binaba ang hawak na tubig. Napakapamilyar ng lalaking ito at ng tindig niya.
Ngumiwi siya at binato ang tubig sa gym bag bago pumihit para bumalik sa mat. Narinig niya ang ilang kantyaw ng mga lalaki sa hindi niya pagpansin rito.
"Wala ka pala, bro!" Tawa noong isa.
"You just got cock-blocked! Can you expect that?" Tanong ng isa pa.
Umirap siya at nagpatuloy sa pag stretch ulit. She's not the type of girl na papatol sa lalaking iyon. Kilala na niya ang reputasyon nito.
They're attending the same school for a year now. Alam niya na hindi lang pagwowork out ang pakay ng lalaki rito sa gym lalo na at hindi naman ito regular dito.
She's tired of hearing how he picked up girls from gym and dating them. At wala siyang balak maging isa sa mga iyon.
She has a clear goal of what will happen to her life after high-school. Enter the PNPA and graduate with flying colors.
Ayaw niya maging judge gaya ng ama. Naputol ang pagstretching niya ng tumunog ang cellphone niya kaya pumunta siya ulit.
Nawala na ang mga lalaki. Ngayon ay napansin niya na ang mga ito sa heavy equipments at nag-uumpisa na.
Sinagot niya ang tawag ng kanyang kaibigan.
"Hello, Phoebe?" Tanong niya at tinagtag ang kanyang ponytail.
Nagsalita ito pero mukhang mahina ang signal. Putol ang bawat salita ni Phoebe kaya naman naglakad siya para makahanap ng signal.
"Wait, I cannot hear you." Aniya at mukhang bumuti na ang signal ng matapat siya sa tapat ng glass room kung saan naroon ang heavy equipments.
"Tori, you should come with us! Pupunta kami sa birthday celebration ni Theo. Club Tilt."
Umiling siya at nag-angat ng tingin. Halos mapamura siya ng makita muli ang lalaki na nakatingin sa kanya. Tanging ang glass wall ang nakaharang sa kanila.
Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.
White muscle shirt, black training shorts and a pair of black and white gym shoes from an expensive brand.
Nag-taas ako ng kilay. Typical rich kid.
"No. I would stay home. Do not expect me to me there." Ani Tori.
Naglakad siya papalayo doon. Hinagip niya ang gym bag niya at pumunta sa locker room.
Theo, her senior, is asking her to be his girlfriend. At ang pagpunta niya roon ay isa sa mga bagay na maaaring makapaglagay ng kulay doon.
BINABASA MO ANG
Camouflage (Querio Series #3)
General FictionMaria Victoria de la Vega was a woman of ambition. She already set her whole life in a strategic manner from finishing her degree to her career. But only thing was missing: her plan for love. She always believed that she'll never have it. As it wi...