Chapter 14

14 2 0
                                    

Matapos ang ilang linggo at okay na ulit siya, pumapasok na siya ulit gaya ng dati.

Pero isang bagay lang ang hindi nagbago dahil, hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin.

Ngayon ang ika-dalawamput walo ng Nobyembre, ikalimang buwan na hindi niya ko pinapansin. Limang buwan na patuloy pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya, na habang tumatagal ay lalong lumalalim pa.

"uy No! magpasa ka ng project natin sa Math yung mean, median, and mode ungrouped and grouped data kung ayaw mo maging repeater" napabalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang apelyido niya na sinabi ni sir, Daxx.

tsk. wala siyang gawaakala ko ba naman nagpasa na siya?

Paniguradong malalagot siya sa mama niya kapag nagkataon, mukang strikta kasi ang nanay niya ng nakita ko iyon nung ilang araw siyang absent dahil nagkasakit siya.

"Bibigyan ko kayo ng oras para makagawa ngayon, hanggang mamaya lang yan pwede ipasa" sabi ni sir na tinutukoy ang project na sinasabi niya.

Ako ang unang nagpasa at ako pa ang may pinakamataas na marka doon kaya wala na akong gagawin pa kung hindi tumungaga.

Tiningnan ko ang pwesto kubg nasaan si Miller, may hawak siyang folder na may bond papers sa loob, paniguradong para sa project niya iyon.

Halata sa muka niya ang iritasyon dahil siguro hindi niya makuha ang dapat gawin, pero para sa'kin madali lang iyon dahil sa lahat ng naging lesson sa math ay yun lang ang naintindihan ko.

Lumapit sa kanya si Shammy at nag usap sila saglit pagkatapos ay inabot niya ang papel dito.

tsk, ipapasa na naman niya ba sa iba ang gawain niya?

Pero mas lalong nadagdagan ang pagtataka ko ng nakita ko na papalapit sa'kin si Shammy habang dala ang folder ni Miller.

"Kiara!  gawan mo daw si Miller may data na daw yan" sabi niya pagkalapit.

Parang tumalon ang puso ko mula sa'king dibdib dahil sa sinabi niyang iyon.

Sinabi niya iyon? Ibig sabihin ba non ay ako ang unang pumasok sa isip niya ng sabihing wala siyang gawa at hindi niya maintindihan?

Baka nga? dahil nung araw na nagpapacheck ako ng project kay sir ay nandoon din siya at nakikitingin, umapila pa nga siya ng bigyan ako ni sir, Daxx Tho ng  96 na marka.

So, narealize niya din na kailangan niya ko? may tuwa sa puso ko dahil sa isiping iyon pero mabilis iyong napalitan ng kirot ng may pumasok sa isip ko.

Naalala niya ko dahil may kailangan siya.

Kapag may kailangan lang siya.

Maiisip niya lang ako kapag may kailangan siya.

Pero isinantabi ko muna ang isiping iyon at humarap kay Shammy, baka kasi nag bibiro lang siya.

"Weh? sabi niya talaga yun?" hindi naniniwalang sagot ko.

"Sabi niya nga iyon"
sagot naman niya

"Paano pagkakasabi niya?" hindi pa rin naniniwalang tanong ko.

"Sabi niya 'uy pagawa mo ko kay Kiara nahihiya ako e.' " sabi niya pa na bahagyang ginaya ang boses ni Miller.

"Gusto mo papuntahin ko pa dito?" nanghahamon na sabi niya.

Akmang tatawagin na niya si Miller ay pinigilan ko na siya at sumang ayon na lang dahil mukang totoo naman ang sinasabi niya.

Alam ko na tinetake advantage niya ang pagkakagusto ko sa kanya para dito.

Alam ko din kung anong tawag sa ginagawa ko ngayon.

Katangahan.

Pero okay lang dahil marami naman ang nagpatulong sa'kin na gawin ang project nila kanina kaya wala  na lang ito sa'kin at halos nakabisado ko na ang formula ng Mean, Median, Mode, Variance, at S.D

Pagkatapos ang ilang minuto ay natapos ko na rin ang project niya pero nakaalis na si sir kanina pa pero pinayagan niya naman na nagpasa yung iba mamayang uwian.

Nandito pa rin ako sa upuan sa harapan kung saan halos katabi ko na si Miller kung hindi pa ko lilipat, dahil sa isang upuan lang ang pagitan sa aming dalawa.

"Uy andyan na si ma'am" sabi ni Miller pero hindi naman ako sigurado kung ako ang kinakausap niya e.
Pinagpatuloy ko lang ang paggamit ng calculator sa cellphone ko dahil malapit na akong matapos.

"Uy andyan na nga si ma'am!!" pasigaw na sabi ni Miller mula sa likod ko at kinalabit ako ng malakas pero hindi naman masakit.

Hinawakan niya ko? Este yung uniform ko? is this really happeeeeeening? ipapaframe ko uniform ko ngayonnnnn owemmmmjii!

Dali dali ko nang tinago ang cellphone ko sa bag ng padabog para kunyari galit ako.

Hahahaha emeee

Akmang babalik na ako sa upuan ko sa likod pero hindi na natuloy dahil nasa harap na si ma'am at talagang malalagot ako pag nagpatayo tayo ako dito

Kaya wala akong choice kundi dumito na lang muna hanggang matapos ang project niya.

"so class bring out 2 pesos and we'll have a long test about asian countries" sabi ni ma'am kaya dumukot ako ng pera mula sa bulsa ko at inantay ang nagpapasa sa likod saka binigay kay ma'am.

Mabilis kong natapos ang ang test dahil kabisado ko naman ang bansa sa asya kaya hindi na ako nahirapan pa.

Maya-maya pa ay pinagcheck na din kami.

Per row ang palitan ng papel kaya pinapasa muna ang lahat ng papel saka pinagpalit para mabilis.

Sakto naman na papel ni Miller ang napunta sa'kin kay chineck ko iyon.

Tsk, 54 out of 80 lang siya.

Pinabalik sa may ari ang papel kaya inabot ko yun sa kanya ng hindi siya nilingon, sinabay ko na din doon ang project niya dahil wala akong maisip na paraan kung paano ibibigay yun sa kanya.

Dumating na din yung sa'kin at 69 out of 80 ako. Pwede na

Nung una ay parang nagtataka pa siya kung ano ang inabot ko pero ng buksan niya iyon ay napatango-tango siya.

Tango lang ganern?

Wala man llang bang 'uy thank you'

Pwede rin 'Uy thank you ah? i love you naa *insert krissy's voice*

Pero baka ganto 'Thank you but i can't love you back'

Habang binubuklat niya iyon ay kinakabahan ako baka kasi mali ang ginawa ko, Pero hindi naman biya malalaman iyon dahil hindi niya alam kung paano isolve.

Tinignan niya naman ang test paper niya, kunot noo niyang tinignan ang bawat numero para siguro tignan kung may mali sa pagkakacheck ko.

"Halaaaa tama ako sa dito eh, saka dito pa." biglang sabi niya habang may kung anong tinuturo sa papel niya.

Kahit hindi niya ako lingunin alam kong ako ang pinaparinggan niya dun.

"Edi itama mo!" pagpaparinig ko kahit alam ko na tama naman ang pagkakacheck ko doon.

Naiinis pa rin ako sa kanya! Hindi man lang siya magpapasalamat?!

Baka gusto niyang bawiin ko feelings ko para sa kanya.

Ops, di ko pala kaya. Dahil ang pagmamahal ko sa kanya ay habang tumatagal lumalalim at kapag malalim na mahirap na makaahon

Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon