Chapter 21
MIA
Nagising ako kinabukasan na magaan ang pakiramdam ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko pero wala na akong nakitang Chester sa tabi ko.
I finished my report late so I decided to just spend my night here. Kawawa naman kasi ito kung ihahatid pa niya ako.
Bumukas ang pinto ng kwarto niya at dumungaw ito. "You're awake?" He smiled. "Breakfast is ready." Dagdag nito at mas ibinuka ang pinto kaya naamoy ko ang bacon.
Agad naman akong bumangon at nakangiting lumabas ng kwarto. Tumawa pa ito ng mahina at sumunod din. Chester's not a good cook. Nag-aaral pa lang itong magluto kaya mas naaappreciate ko itong mga effort nito. May kape na din siyang inihanda para saaming dalawa.
"You cooked?" I asked as I happily sat on the chair. He just shrugged, then smiled back. "Woah, thank you."
"You should eat a lot." Komento nito at naglakad palapit sa lamesa. Linagyan niya ng kanin ang plato ko saka ako tinignan. "Kailangan mo ng lakas para sa klase ng trabaho mo. You don't need to be sexy in front of my eyes 'cause I already know I've got the best woman in the universe." He winked at me.
Tumawa ako at umiling. "Umagang-umaga ha. Ilan na ba kaming nasabihan mo ng ganyan?" Pasimple kong tanong.
Saglit itong nag-isip pero huminga din ng malalim. Kumunot ang noo ko nang hindi siya sumagot pero bago pa bumuka ang labi ko, "Ikaw pa lang." Sagot niya at ngumisi. "You're not just someone Mia, you're my love, my person. Always remember that." He said with sincerity in his eyes.
I can't help but to smile again. "Can I hold onto that?" I asked, letting my heart speak over my head.
He nods his head. "Of course."
"I love you." I told him. He stopped for a moment, letting my words sinked into his head. Then a curve slowly formed into his lips.
"I love you more." He answered. He leaned closer and gave me a kiss on the forehead then to my lips. "Let's eat, we still need to work later."
------
Nasa office na ako ngayon pero hindi pa ako nagsisimula sa trabaho. Kanina pa ako iniintriga ng dalawa at mukhang wala silang balak pumunta sa kani-kanilang opisina.
"Will you both quit glaring? We're at work and in case you forgot, we still have a lot of paper works to do." I reminded them and tried to focus to what I'm doing.
"Hindi nga ako makapaniwala, Mia." Sabi ni Jenny na nasa couch. Nakahalukipkip ito at parang nanay lang kung makatitig. "Sa tino mong 'yan, isang kalbit lang bumigay ka na?" Agad kong dinampot ang maliit na scotch tape at ibinato sa braso niya.
Natamaan naman siya pero itinuro ko lang ito. "Iyang bunganga mo ha. Nasa trabaho tayo." Paalala ko. "I don't know why you're bothered. Natulog lang naman kami sa condo niya. Nagpaalam ako kay Ate kaya tigilan niyo na ako." Huminga ako ng malalim.
"Tulog lang?" Usisa naman ni Nadie at tinignan na naman akong mabuti. "Si Chester, tulog lang? Are you fucking kidding me?" Naiinis niyang sabi.
Hindi ko mapigilan ang hindi mainis sa kanila kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Edi huwag kayong maniwala." Inismira ko sila. "Tsaka ano ba. Hindi na tayo bata. So what? So what if we did more than you could imagine? So what if I let him own me? You both did that too." I rolled my eyes and dropped my pen.
Hindi sila nagsalita at nagtinginan lang.
"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyo." Hindi ko maitago ang inis ko. "I told you, he's a good guy. Nagbago na siya at mahal ko siya. Hindi niyo ba ako kayang suportahan, ha? Can't you wish us some happiness? Or just be happy for me? Kahit inis kayo sa kanya, pwede bang maging masaya kayo para sa'akin? Kahit ngayong araw lang. Try niyo, hindi naman nakakamatay ang pagsuporta." Mahabang linya ko at kinuha ang ilang folders na binabasa ko kanina.
BINABASA MO ANG
Mesmerized with Desire(#7)
General FictionDesire Series #7 Jamia Arabelle William's and Ace Stefan Herminihildo Estrella's story. "Sa bawat tao na nagsabi na iiwan mo ako, iniisip ko na may tiwala akong ibinigay sa'yo. I don't wanna conclude things that's not came directly from your mouth."...