Chapter 26
"Mag-iingat kayo, lalo kana little champ" sabi ni papa kay Chasty. I kissed him and tita goodbye bago kami tumulak ni Chasty sa airport here in San Francisco. Pumasok kami sa kotse at inayos ang aming seatbelt. Sinulyapan ko si Chasty habang yakap niya ang isang stuff toy. Hindi ko alam kung ready ba akong ipakilala ko sakanya si Carlos.
Nakarating kami sa airport sa tamang oras. Bumaba kami ni Chasty habang dala ko ang isang malaking luggage at sakanya naman ay isang cute luggage at isang maliit na backpack. Hinintay namin ang oras kung kailan kami magbo-board sa eroplano.
"Mommy? Excited na po akong sumakay sa erplain po" sabi niya hirap na bigkasin ang word na 'airplane'. Kinurot ko ang pisngi niya and I muttered na ang cute niya. Ngumiti siya at lumapit sa akin para umupo sa lap ko.
"Excited na din po akong makita shi daddy" bulong niya sa akin. Parang may kumurot sa puso ko. Naging tama ba noon ang desisyon kong huwag ipakita kay Chasty si C? I think I'm regreting it right now.
Sumakay na kami sa eroplano. Pinaupo ko si Chasty malapit sa bintana. Kaagad naman siyang nakatulog bago kami mag take off. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko. I think I need to ready myself for the consequences.
Nagising ako nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Chasty na nagising habang nakakunot ang noo.
"Mommy? Gutom na po ako" sabi niya. Naramdaman ko rin ang pagtunog ng tiyan ko. Sabay pa kaming natawa. Lumingon ako sa likod at sakto, nag seserve ang mga attendant ng lunch namin.
Lumapag ang eroplano kinabukasan. Hawak ko ang kamay ni Chasty habang pababa na kami sa eroplano. Sumalubong sa amin ang pang umagang araw at ihip ng hangin. Napangiti ako, it's good to be back.
Binuhat ko si Chasty habang pababa na kami sa hagdanan papasok sa airport. Hinintay lang naming mag scan ang mga luggage namin ay lumabas na kami agad sa airport. Lumingon-lingon ako hanggang sa nakita ko ang hinahanap ko. Nakangiti akong kumaway sakanya at patakbo naman itong tumungo sa amin para mayakap ako.
Nang makalapit siya sa akin ay handa ko na siyang yakapin siya pero dumiretso ang yakap niya kay Chasteon.
"Hi Chasty! Namiss ka ni tita Wendy" sabi ni Wendy sabay halik sa pisngi ng anak ko. Tumingala siya sa akin at tinaasan ko siya ng kilay. Narinig ko ang hagikhik ng dalawa.
"Nagtatampo ang mommy mo kasi hindi ko siya niyakap" bulong niya pero dinig ko naman. Umirap ako at inaya nalang siya papunta sa sasakyan niya. Habang papunta kami doon sa kabilang banda ay nakita ko ang isang black suv. Ito ba ang sasakyan namin?
At hindi naman ako nagkamali, dumiretso kami doon at natanaw ko ang isang lalaking nakasandal doon habang may hawak na sigarilyo. Lumiwanag ang mukha ko nang makilala ko siya.
"Diba ang sabi ko ayoko niyan? Umuwi ka ng mag-isa mo, magtataxi nalang kami" malamig na tugon ni Wendy. Napanguso ko, so may namumuong lovers quarrel sa harapan namin ng anak ko, between Quiroz and Wendy dahil, sa sigarilyo? Nakita ko namang tinapon ni Quiroz ang sigarilyo niya sabay hawak sa baywang ni Wendy.
"Maya na tayo mag-usap sa bahay. Ihahatid muna natin sila, tignan mo oh. Inaantok pa ata si Chasteon" paglilihis niya sa usapan sabay halik sa pisngi ni Wendy. Lumapit si Quiroz sa amin at binuhat niya si Chasty.
"Namiss mo si ninong, baby?" sabi niya sa malambing na boses. Tumango naman ng sunod-sunod at parang nawala ang antok niya. Quiroz and Chasty are partners pagdating sa kalokohan at sa paglalaro ng mga kung ano-ano, actually siya ang nagturo sa anak kong bulilit kung papaano ako kukumbinsihing ibili sila ng ps4.
Sumakay na kaming lahat sa suv na dala ni Quiroz. Kusang bumalik ang antok ni Chasty at nakahiga siya ngayon sa lap ko. Yung couple naman ay may L.Q at hindi pa nag-uusap hanggang ngayon. Napanguso ako, tila naninibago pa ako sakanila and for Wendy of course. She changed a lot from a hopeless romantic to a moody wife. You heard me right, they're married for two years now.
Nakarating kami sa dati naming condo. Sinulyapan ko si Chasty na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nakasiksik ang ulo niya sa pagitan ng braso at tiyan ko. Nagulo ang kaninang maayos na pagkakasuklay na buhok. Naka pout siya ng kaunti that made him look even cuter.
"Nakatulog na pala si baby. Hoy, Quiroz! Buhatin mo si Chasty, kapag nagising iyan, huwag kang tatabi sa akin mamayang gabi" pagsusungit ni Wendy kay Quiroz. Natawa na lamang ako ng mahinanang makita kong nanlaki ang mga mata niya.
Binuksan niya ang passenger seat ay maingat na binuhat si Chasty, carefully not to wake him up. Habang ako naman ay bumaba na para kuhanin ang mga gamit namin sa pinakalikod ng suv niya.
Sumakay kaming lahat sa loob ng elevator. Tahimik parin ang dalawa dahil sa nangyari kanina. Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog na ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Sabay-sabay kaming lumabas.
Binuksan ni Wendy ang condo unit. Bumungad sa akin ang madilim na sala. Pinasok ni Wendy ang card na naging sanhi ng pagbukas ng ilaw at air conditioner. Pagod akong sumalampak sa sofa sa living room at pumikit ng kaunti.
"Dito muna kami magpapalipas ng gabi ni Quiroz. Bukas nalang kami uuwi" sabi ni Wendy sa akin pagkalabas ng ng kuwarto namin pagkatapos kong maligo.
Sad to say, hindi na namin makakasama sa condo si Wendy dahil may asawa na siya. Um-oo ako sakanya. Nagkwentuhan pa kami ng kaunti sa sala bago kami nagtungo sa kusina para makakain na ng tanghalian.
Sumalubong sa aming paningin ang naka apron na kulay pink na si Quiroz habang hawak ang isang spatula. He actually cooks like a pro. Nice!
"Bilisan mo, gutom na kami" natawa ako. Ang sungit-sungit talaga nito. Hindi kaya? Well, mag asawa naman sila and they necer had a child sa dalawang taon nilang pagsasama and baka ito na.
Sabay-sabay kaming kumain ng tanghalian. Hindi ko na nagising si Chasty dahil sa malamang ay pagod na pagod ang baby ko. Ako na ang nag presinta na maghugas ng plato matapos naming kumain. Bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko dahil sa sobrang pagod at antok.
"Janelle! Magtago ka!" nagising ang inaantok kong diwa sa biglaang pagsulpot ni Wendy sa kusina.
"Hah? Bakit naman?" taka kong sagot sakanya.
"Basta! Sundin mo na lang ako" pamimilit niya kaya nagmamadali din akong nagtago sa kwarto ko atsaka ni lock iyon. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto para marinig ko ang nangyayari sa labas.
Ilang minuto lang ay naririnig ko na ang pagtataboy ni Wendy sa kung sino man iyon.
"I told you a hundred times, Carlos! Wala sila dito" sigaw niya. My heart skipped a bit. C-carlos?
Shit!
I almost forgot na nakasunod siya sa akin sa San Francisco and sa malamang ay alam niya kung umalis na kami doon!
"I really need to talk to her. Is that a bad thing?" he lazily growled.
"Just... get out!" matinis na sigaw ni Wendy. Narinig ko ang pag awat sakanya ni Quiroz. Narinig ko ang iilang mga mabibigat na yabag, at ang masasabi ko ay papalapit siya sa kwarto ko!
Gumalaw ang knob at nakahinga ako ng maluwag dahil na lock ko iyon kaagad. Pero....
Unti-unting umikot ulit iyon at nakita kong nabukas ang pinto! How? Fuck!
"Hi. You think you can get away with me?"
BINABASA MO ANG
Marked by Prince C | Royal Series #1
Ficción GeneralMikayla Janelle, the lowkey girl of the City. Living a low profile and peaceful life. A nursing student from a Royal University. Tahimik ang buhay niya ngunit hindi masayang tumira sa isang bahay na walang kinalakihang magulang. She's the unwanted...