Chapter 24: Like Strangers

286 9 1
                                    

Feeling ko magiging filler chapter lang 'to kaya sorry guys kung mabobore kayo :> Malapit na ang ending. I think 2-3 chapters away na lang </3

P.S. Yung pic sa side ay cover ng bago kong story. Under construction pa sya kaya di ko pa napa-publish :) Pero abangan nyo!

-----------------------------------------

(Daniel's POV)

Tatlong araw na ang nakakalipas mula nung incident sa Prom at pagkatapos ng 30+ missed calls, 45+ texts, at dalawang beses na pagpunta sa kanilang bahay, hindi pa rin ako kinakausap ni Julia.

"Pagpasensyahan mo na si Julia, DJ. Di ko nga alam kung bakit ang tigas ng ulo ng batang yun... Siguro bigyan mo na lang muna sya ng panahon para makapag-isip," sabi sa akin ni Mommy nung kwinento ko sa kanya ang nangyari.

Monday na at magkikita na ulit kami ni Julia. Sigurado hindi nya ako papansinin pero titiisin ko na lang. Kinuha ko ang aking bag at bumaba. Nagpaalam ako kay Mommy at dumiretso sa bahay nina Julia. "Hi, Mommy!" bati ko sa nanay ni Julia na nakita kong nagdidilig sa harap. Tumingala sya at ngumiti nang malungkot. Yinakap nya ako, "Nako, DJ. Nagpahatid si Julia sa pinsan nya ngayon eh. Pasensya ka na."

Bumagsak ang puso ko sa disappointment. Tiis lang, DJ. Tiis. Napakamot na lang ako sa ulo ko at tumango, "Ah. Ganun po ba? Sige po." Nagpaalam kami sa isa't isa at nagsimula na akong maglakad papunta sa school. Pagkatapos ng ilang minuto, naisipan kong i-text siya:

"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"

To: Bebe Juls ♥

Nauna ka na pala. Ingat ka.

"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"

Nagbuntong-hininga ako.

"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"

To: Bebe Juls ♥

I love you.

"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"

Okay lang 'to, DJ. Marami pang time para magka-ayos kayo. Wala na namang klase puro submission na lang ng mga project at papers. Pwedeng-pwede mo syang lapitan nang walang abala.

"DJ!"

Tumalikod ako at nakita si Neil na naglalakad papalapit sa akin. Nginitian ko sya at nag-manly hug kami. "Musta na, bro? Kinausap ka na ba ni Julia?" tanong nya. Pumasok kami sa gate at umiling ako, "Hindi pa nga eh. Hindi nya sinasagot ang mga tawag at texts ko tapos ayaw nya lumabas ng kwarto pag pumupunta ako sa kanila. Miss na miss ko na sya."

Linagay ni Neil ang kamay nya sa aking balikat at sinabi, "Maaayos din yan, DJ. Kayo pa." Napangiti ako sa sinabi nya at na-cheer up kahit papaano. "Salamat, bro." Tumango si Neil at sabay kaming pumunta sa aming lockers. Nakita namin sina Kiray at EJ na nakatayo na dun pero walang sign of Julia.

"Nakita nyo si Julia?" tanong ko kay Kiray. "Hindi eh. Sorry, Deej." Sumimangot ako at sumandal sa aking locker, "Guys, anong gagawin ko? Hindi ko kayang ganito kami." Nagtinginan silang tatlo, iniisip nang mabuti kung anong tamang sabihin. "Time lang kailangan nun, DJ. Ang tagal nya kasing inakala na hindi kayo maghihiwalay. I mean, bata pa kayo, kayo na ang magkasama lagi. Tapos biglang ganito. Natatakot lang siguro si Julia harapin ang reality na kailangan nyang i-face ang mundo habang nasa ibang parte ka ng mundo," sabi ni EJ.

We Belong Together (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon