Yumi's Pov
Nagising ako sa ingay ng cellphone ko na kanina pa tumutunog na parang may nagwawalang tao sa loob neto
Kinusot-kusot ko yung mga mata ko at kinuha yung cellphone ko na nasa mesa ko
25 messages from : Charles
Good morning Ms. Manager
Tulog kapa ba?
Gising na
Nag breakfast na ako kaya wag ka nang mag alala hahaha
Ang panget mong matulog
Tulog kapa din ba?
Aish sabi mo itext kita pero di ka naman nagrereply
Baboyyyyy
.....
Puro ganyangang mga txt nya sakin
Anong problema nun? Oo sabi ko magtxt sya pero hindi nya naman kailangang ireport sakin yung bawat galaw nya
O. A na yun nohPinindot ko yung number nya at tinawagan
Medyo matagal na nag ring pero sinagot nya naman"Kagigising mo lang?"
Agad na tanong nya sakin
"Hmm"
Sagot ko
"Uuwi na ako mamaya kaya magluto ka ng masarap ok?"
Tsk kita mo yan umutos pa
"Sige sige"
Bored kong sagot
"Umm teka, a..ano nga palang gusto mong pasalubong?"
"Pasalubong?"
Bakit? Ibibili nya ba ako?
"Ku..kung ayaw mo edi wag"
Sagot nya at........ Call ended
Aish tingnan mo yan! Napaka rude talaga
Hindi pa nga ako sumasagot tsaka wala akong sinabeng ayaw ko nohTo: Charles
Noodles wag yung instant ah
Sent
Tinext ko nalang at baka pag tinawagan ko ay kung ano-ano nanaman ang sabihin nun
*ding dong*
*ding dong*Oh? Sino naman kaya yun?
Lumabas muna ako ng bahay para tingnan kung sino yun
"Oh? Renzo? Ba..bakit ka nandito?"
"Hm? Bakit? Bawal na ba ako dito?"
Napangiti nalang ako sa sagot nyang yun
"Psh pasok na"
Binuksan ko na yung gate para makapasok na sya
At nung nakapasok na sya ay agad nya namang ginulo yung buhok ko"Miss me?"
Tanong nya at agad na huniga sa sofa ko
"Bat naman kita mamimiss? Tsk bat ka nga nandito?"
"Hm birthday mo kahapon kaya pumunta ako dito pero wala ka naman kaya pumunta ulit ako ngayon"
Ah so pumunta pala sya
"May pinuntahan kaba kahapon kaya wala ka? Nag celebrate kabang mag isa?"
Hindi ako mag isa noh kasama ko si Charles
"Oo"
Tipid kong sagot
"Kaya pala......"
"Gusto mo ba ng inumin?"
BINABASA MO ANG
Im Inlove With Mr. Celebrity [ COMPLETED]
Teen FictionMayumi is a simple girl who always finds positivity in her negative life. What if makilala nya si Mr. Celebrity na full naman ng negativity sa life? They say that when a positive and negative charge touches each other, it creates a short circuit, a...