Isang araw sa Brgy. Madahon may isang batang nagngangalang Christopher. Siya ay isang makulit at mahilig manira ng pananim. Sa tuwing may nakikita siyang magagandang halaman sa paligid ay kanyang pinuputol at sinisira. Isang maiinit na araw ay napadaan siya sa bahay ng isang magandang binibini. Nakita niya na puro bulaklak ang tanim nito. Kaya naman pinitas niya ang mga ito. Nakita siya ngayon ng magandang binibini. Kina-usap siya ng binibini at sinabi sa kanya.
Magandang binibini: Iho, bakit mo pinuputol ang aking pananim?
Christopher: Gusto ko po eh.
Magandang binibini: Iho, hindi maganda ang iyong ginagawa.
Christopher: Pasensya na ho.
Ngunit pagkalagpas niya doon sa bahay na iyon patuloy parin siya sa pagputol ng mga halaman. Ang hindi niya alam ay isang diwata ang kanyang nakausap. Noong nakita siyang nagpitas ulit ng halaman ay ginawa na siyang isang bulaklak. Isang magandang bulaklak. Nagulat ngayon si Christopher ng naging bulaklak siya. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Marami ang nakakakita sa kanya. Isa siyang nakakapang-akit na bulaklak kaya marami rin ang nagtangkang pumitas sa kanya. May isang bata na napadaan din. Parehas sila ng ugali. Itong batang ito ay mahilig din pumitas ng halaman. Noong sinusubukan na ng batang pitasin siya una siya ay napikon tapos nainis at nagalit na siya. Nagpigil siya ng damdamin, upang hindi mahalata na siya ay isang tao na naging bulaklak. Si Christopher ay nagsisi sa mga kasalan nanginawa niya sa kalikasan. Nagpakita sa kanya ang magandang binibini. Kinausap niya ito at sinabi niya.
Christopher: Hindi ba ikaw ang magandang binibini na sumaway sakin sa pagpitas ng bulaklak.
Magandang binibini: Oo, iho ako nga. Isa akong diwata. Ako ang gumawa sa iyo niyan.
Christopher: Bakit niyo ito ginawa sa akin?
Magandang binibini: Ginawa ko yan sa iyo dahil lagi mo na lang sinisira ang mga bulaklak. Lubos akong nasasaktan kapag nakikita kong ginagawa mo iyon.
Christopher: Pasensya na ho talaga kayo. Patawarin niyo na ako. Hindi na po ako uulit muli.
Magandang binibini: Ipangako momsa akin na kapag ibinalik kita s dati ay magbabago ka na.
Christopher: Pangako po!
Ibinalik namsiya ng diwata sa dati. Pagkagising niya ay tao na muli siya. Nagtanim na siya ng mga bulaklak at iba pang halaman. Nakita siya ngayon ng kanyang ina sinabi sa kanya, "Christopher, anak bakit ang saya-saya mo ngayon?" Sumagot naman si Christopher "Ina, masaya ako ngayon dahil sa ganda ng ating pananim!" Nagulat ang kanyang ina sa sinabi niya at ito ay lubos na nagalak. Nakikita niya nag kanyang mga kaibigan na pinipitas ang mga halaman sinabi niya ito "Kaibigan, masama yang ginagawa mo sa halaman. Nasasaktan mo ang kanyang damdamin. Hindi mo man sila nakikitang magsalita pero may damdamin sila." Sumagot naman ang kaibigan niya "Pasensya ka na Christopher. Pangako hindi na ako muli magpipitas ng halaman. Sa halip tutulungan na lang kita magtanim."
Ang buong Brgy. Madahon ay napuno ng saya, ganda at kalinisan ng kalikasan. Lahat ngayon ng tao dito ay nagtatanim na ng halaman. Ngunit isang araw ay biglang nagkaroon ng matinding lagnat si Christopher. Siya ay dinala sa ospital. Makalipas ang isang linggo si Christopher ay pumanaw na. Sa nangyari na iyon nagpulong ang mga taga- Brgy. Madahon. Nagsalita ang kapitan sinabi niya.
Kapitan: Sa ginawa ni Christopher ay naging maayos ang ating barangay. Kaya naman dapat lang natin siyang bigyan ng karangalan. Hindi niya man ito mahawakan alam naman niya sa sarili niya nakamit niya na ito. Bibigyan namin siya ng medalya.
Ina ni Christopher: Marami pong salamat! Pumanaw man ang aking anak lagi ko naman siyang maalala sa mga bulaklak sa aming bakuran.
Aral sa istorya: Huwag kang maninira ng kalikasan dahil hindi mo alam ang kapalit nito. Maaring hindi mangayri sayo pero sa pamilya mo. At habang maaga gawin na natin ang lahat para gumanda ang kailisan dahil hindi natin alam ang pwedeng mangyari sa atin. Mawala man tayo sa mundo, may nagawa naman tayong maganda sa ating kalikasan
Ipinasa ni
Alliah Vivien D. Calingasan
Grade 6- St. Luke