Chapter 2 - Grounded

15.4K 290 52
                                    

AUBREY POV

                Nakakainis talaga yung lalaki na yon. Grounded  tuloy ako for one week. Kaya eto ako ngayon nasa loob lang ng kwarto ko. Lagot talaga siya sakin after this punishment. Saka yung ginawa niya sakin last night. Naku lagot ka talaga sakin crazy old man. Bakit ba ako nagrounded for one week. Eto kasi yon. Tatakas nga diba ako nung isang gabi eh ang kaso nahuli ako ni Daddy.

                Flashback

                Tatalon na sana ako ng my tumawag sa pangalan ko.

                 "AUBREY??"

                 Tumingin ako sa baba at nakita ko si Daddy kasama niya si crazy old man.

                   Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko alam kung anong susunod na hakbang ang gagawin ko. Tatalon ba ako o magpapaliwanag kay daddy.

                  "Akala ko ba masama ang pakiramdam mo? At anong kalokohan yang ginagawa mo Aubrey? Matagal mo na bang ginagawa to? Ano pang ginagawa mo diyan bumaba ka na nga diyan. Sumunod ka sa kwarto ko ngayon din."

               Naku po patay na ko nito.

              "Tsk.Tsk.Tsk." at umiling-iling si kurt habang nakatingin sa akin. Bago siya makaalis hinila ko ung kwelyo ng damit niya sa likuran kahit na sobrang tangkad niya. 

              "Hoy ikaw. Sinadya mong mangyari to no?" sabay duro ko sakanya.

               Wala siyang binigay na sagot. Hinawakan niya ang kamay ko at  hinawakan ako sa bewang at hinila ako palapit sakanya at dinikit ang noo niya sa noo ko. Tinitigan niya ang mga mata ko Sabay sabing...

               "You're too clumsy my girl. Next time be careful." 

               Hindi ako halos makahinga hanggang sa matapos siyang magsalita dahil sobrang lapit ng mukha niya. Itinulak ko siya palayo sakin.

              "Hindi ka lang pala baliw manyak ka pa." sabi ko

             "Hahaha" halakhak niya habang hawak hawak ang tiyan niya.

              "Alam mo ang cute mo. Bata ka pa ngang talaga." sabay gulo niya ng buhok ko. At naglakad na siya papasok sa loob ng bahay.

                Nasa harap na ako ng pintuan ng kwarto ni Daddy ng bigla itong bumukas. Nakita ko si crazy old man palabas. Paalis na sana siya ng bigla akong nagsalita.

                       "Oh anong ginagawa mo sa kwarto ni daddy. Siniraan mo na naman ako no. Lagot ka talaga sakin." gumanti lang siya ng ngiti sa akin. Sabay alis. Hsssh ang lakas talagang mang asar.

                        Nakaupo si dad sa upuan sa harap ng work table niya. 

                        "You'll be grounded for one week Aubrey."

                       "But Daddy let me explain. Hindi niyo man lang ba papakinggan ang explanations ko." mahinahon kung sagot.

                        "No need. Pinaliwanag na ni Kurt sakin. And you need to be thankful to him. Instead of one month ginawa ko na lang one week ang punishment mo." 

I married an old Man [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon