matagal ko na siyang gusto matagal ko na siyang lihim na minamahal kaya lang hindi ko masabisabi sa kaniya lagi na lang akong natotorpe at natatakot,natatakot akong baka mawala yung pagkakaibigan namin kilala niya ako bilang isang playboy.she always help me kapag ayaw ko na sa present Gf ko.Lagi siyang nagpapanggap na girlfriend ko o di kaya fiance ko at dahil doon di ko namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kaniya lagi ko siyang gustong makita at gustong makasama ayaw kong malayo siya sa paningin ko marinig ko lang ang tawa niya gumagaan ang pakiramdam ko.Gusto ko na talagang magtapat,gusto kong ipagsigawan na mahal ko siya kaso natatakot ako na baka hindi niya ako paniwalaan,natatakot akong malaman na hindi pala kami parehas ng nararamdaman,natatakot ako na baka masaktan ko lang siya.Isang araw napagdesisyunan ko na sabihin sa kaniya dahil di ko na kayang itago pa.
"Abby i love you matagal na kitang iniibig di ko na kayang itago pa"sobrang saya ko ng malaman kong parehas pala kami ng nararamdaman.Naging masaya ako sa piling niya hindi ko aakalain na ganto pala kasaya ang magmahal ng totoo.Ngunit hindi lahat ng istorya ay may happy ending tutol pala ang mga magulang niya sa relasyon namin gagawin nila ang lahat upang paghiwalayin kami.Naging palaban kami ni Anne gusto naming patunayan na hindi kami magpapaapekto sa kanila napag-isipan naming magtanan gabi nun umuulan ng sunduin ko siya sa bahay nila.tumaggi siyang sumama sa akin dahil delikado daw madulas ang kalsada baka maaksidente pa kami.nagalit ako ang akala ko mahal niya ako sinumbatan ko siya.
"akala ko ba mahal mo ako?akala ko ba handa kang sumama sa akin?hindi pala!" pagsabi ko nun ay agad kong pinaandar ang motor na dala ko na sana gagamitin namin sa pagtakas.dahil sa pangyayaring yun dalawang araw akong hindi umuwi sa bahay upang magpalamig ng ulo at pagaanin ang pakiramdam ko.At nang pag uwi ko sa bahay ay isang nakakagimbal na balita ang aking natanggap si Abby ang babaeng bestfriend ko na girlfriend ko ay patay na.namatay siya dahil sa isang aksidente nung gabing iniwan ko siya ay hindi ko alam na sumunod siya sa akin at dahil sa dulas ng kalsada ay nadisgrasya ang sinasakyan niyang taxi.Kasalanan ko to kung nakinig lang sana ako sa kaniya di sana hindi to nangyari di sana nasa piling ko parin siya di sana masaya pa rin kami ngayon kung maibabalik ko lang ang lahat hindi na sana ako nagtapat pa para kahit papaano nasisilayan ko siya naririnig ko ang tawa niya pero hindi gago ako mas pinairal ko ang galit ko.Isa akong napakalaking tanga kung maiibabalik ko lang sana
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------BY : Queen