hate at second sight

38 0 0
                                    

Habang naghihintay kami sa loob ng university market hindi ko alam kung bakit para akong naiirita. Ang dami kasing tao, mga istudyante na bumibili ng iluluto for dinner pero karamihan mga pawisang basketball players. Bakit ba kasi eto pa ang sinuot ko!  akala ko naman okay lang pambahay, wala pa kasing klase numg first time ako sinama dito nila ate. Grrr! Gusto ko na lang magtago sa loob ng Ref ng Coca-cola sa tabi ko! Bulong ko sa isip.

"matagal ka pa ba dyan teh? pasador lang bibilhin mo 10 years ka ng namimili dyan". Inip na sabi ko kay ate jang.

"oh bat ganyan hitsira mo? Hiyang hiya lang bhe? abay kulang nalang pumasok ka na dyan sa vending machine. Ha-ha!". anito

"pano naman teh, tignan mo,  Tignan mooooo, lahat ng dumadaan nababali leeg sakin. makasalan ba ako?! ganito na ba kataas ang paaralang ito para akoy alipustahin ng ganito?!teh bakit!! Dyusko patawarin! isa akong makasalanang nilalang. Lordddd patawad!".

"abay sira ulo ata to. Gaga! unang una nakatingin sila yun ay hindi sayo, SAKEN, pangalawa, nagagandahan sila SAKEN. SAKEEEEN. tignan mo ung pogi dadaan tignan natin kung kanino tumingin, pag tumingin sakin libre mo ko ice cream, pag tumingin sayo libre kita pamasahe pabalik sa dorm ok?! hihi!".

"ogeh teh".

Papalapit na ang lalaki pero nakayuko ito at nag cecellphone,titig na titig kami sa bawat hakbang nya, impit na impit ang tili, gigil na gigil, malapit na malapit na!!!!!

Pagtapat sa amin, umangat unti unti ang muka ng lalaki,  dahan-dahan, mula sa paa,pataas ng baywang, hanggang sa muka ko.

"Miss sa'yo ba yang nalaglag na modess, yan oh sa paanan mo". anito at umalis na din.

Sabay kaming tumili ng ubod ng lakas saka humagalpak ng tawa.

"HAHAHA! the heck, ano nangyari bebegirl?".

"ewan ko teh, pahamak na pasador yan. anyway, libre moko pedicab, fully airconed ha". sagot ko at umalis na kami doon na hanggang sa dorm ay di mapigilan amg tawa.

Atleast in the end of the day naging okay at enjoy ang first day ko! :)

6am palang ay ready na akong pumasok, 7am ang class ko today. Dahil maaga pa ay pinili ko na lang mag-commute, mas enjoy kasi maglakad lalo pag umaga wala pang ganong pumapasok, parang ako pa nga unang istudyante na naglalakad e. Okay lang, i looove it!

"goodmorning manong!". bati ko sa janitor na nagwawalis.

"Ganyan sana, magandang umaga din magandang binibini".  tugon nito ng ngiting ngiti. 

"binabae po".

"ha?" npakamot na sagot nito.

"joke lang! hihi! bye manong!". paalam ko sabay takbo.

Pagdating ko sa classroom wala pang tao, masyado pala talaga akong maaga, ano ba yan! Naisip ko na 1 hour pa ko maghihintay kaya binasa ko na lang ang book na required sa subject na 'to. Chem 100, ang hate na hate kong subject. Ewan, nung hischool kasi lagi ako nagbabayad mg mga lab materials at equipment na nababasag ko. Naalala ko pa nung nasunog ko yung buhok ng muse namin dun sa tripod ba yun? na may gasa? , hihihi! kawawang muse umuwing panot. Syempre guidance office bagsak ko. "Pero kailngan maipasa mo 'to tin, tama, lalayo na lang ako sa mga nakakatakot at babasaging instrumento  patay tayo dyan."

Sa kalagitnaan ng aking pag iimagine sa'king hischool life ay narinig ko ang malakas na hampas sa pinto.

"Ay palakang kalbo!". ang nakagawian kong mga ekspresyon sa sobrang gulat.

"ikaw?! ikaw.... miss, CR! HAHAHA!". Anito na halos di na nakita ang mata akala mo alien na mongoloid kung tumawa. Chinitong hilaw!

"Lord, wag naman po sana ako malasin ngayon dahil sa lalaking to. plsssss po wag nyo pong hayaan na balutin ako ng kamalasan ng mukang panis na intsik na lalaking ito, baka di po ako makapg timpi e mapatay ko na".

Abangan ang clash ng dalawa natin bida! stay tuned! hehe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This means war(tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon