UNA

2 1 2
                                    

Kahit anong gawin ko, hinding hinding parin magbabago ang lahat.

You and I, will never be meant for each other.

You and I, na hinding hindi magkakaroon ng salitang "tayo".

Dahil as long as i remember, we're just bestfriends.

Only bestfriends.

Hanggang doon nalang ba?

_______

"Gumising ka na nga diyang bata ka! male late ka sa pagpasok!" narinig kong sigaw ni mama habang patuloy parin sa pagyuyugyog sa katawan ko.

"Ma, 5 minutes nalang please" sabi ko at nagtalukbong ng kumot ngunit kahit anong gawin ko, niyuyugyog parin ako ni mama. "Ma, 5 minutes talaga" sabi ko ulit at lumayo layo sa kanya. Buti nalang medyo malaki itong kama ko.

"Anong 5 minutes ka diyan, 6:30 na mariel" pagkasabi palang ni mama ng oras ay kusa akong napabangon at tinignan ang alarm clock sa tabi ng kama ko. Shit? hindi ko ba narinig tong tumunog?

"Ma! bakit hindi mo ako ginising?" i said at medyo naiinis pa sa sarili ko.

"Kanina pa kita ginigising diyan pero ayaw mong bumangon, kumilos ka na" sabi niya at tuluyan ng umalis sa kwarto ko.

Hindi pwede to, first day of school pa naman ngayon. And mas worst, kaka lipat ko palang ng school.

Tumayo na ako sa kama. Kung dati ay inaayos ko pa ang kama ko, ngayon wala na akong oras para ayusin pa iyon.

Dali dali kong kinuha ang tuwalyang nakasabit sa likuran ng pinto at dumiretso na sa baba. Bakit ba kasi walang banyo sa kwarto ko?!

.

6:37

Wala na akong pake kahit 7 minutes lang ang paliligo ko. Hindi kasi pwedeng malate sa skwelahan na iyon, once na malate ka, hindi ka na papapasukin ng guard. And no choice ka kaya uuwi ka nalang sa bahay niyo. Nakakainis yon diba.

Patakbo akong umakyat sa kwarto ko. Muntikan pa akong madulas bwiset.

"Nakakabwiset talaga!" pasigaw kong sabi. Pero buti nalang hindi narinig ni mama, jusko malalagot pa ako neto eh.

Nagsuot na ako ng damit ko. Pati yung uniform ng school na papasukan ko.

Mamaya ko na kayo kwekwentuhan sa buhay ko, i'm really busy right now.

Kinuha ko ang bag ko at patakbo rin bumaba sa hagdanan. Nakita ko naman si mama na naghahanda ng kakainin ko.  I chech my wrist watch : 6:45

"Ma, sa school nalang po ako kakain ah?" kahit labag man sa kalooban ko, eh wala na talaga akong magagawa. Mukhang masarap pa naman yung niluto ni mama :(

Tumango na lamang si mama "Sige anak, mag-iingat ka ah".

"Opo"

Lumabas na ako sa bahay. May oras pa ba para mamasahe ako neto? nagdalawang isip muna ako kung mamamasahe ba ako o hindi. Dahil sa pagmamadali talaga, bumalik nalang ako sa bahay "Kuya nasan si papa?" i asked.

"Maagang umalis si papa" he said. Ang sarap ng buhay ng kuya ko ah! Paano ba naman kase, next week pa pasukan neto. Nakaka ingget.

"Hatid mo naman ako kuya, dali na. Gamitin mo yung motor please please please" ngumuso pa ako para mukhang nakaka awa talaga.

"Ma, hatid ko lang si mayel" isang malaking ngiti ang gumuhit sa bibig ko. Mahal na mahal talaga ako ni kuyaaa.

.

Life of being his bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon