PANGALAWA

7 3 2
                                    

Grabe first day palang, may pinapagawa na. Just like today, Pinapagawa agad kami ng essay about ourselves.

"I would describe myself as a trustworthy and kind hearted human being...."

.

Minuto ang nakalipas at buti nalang natapos na ako. Madugo ang pag eenglish don guys ah. I don't usually uhm ano. Basta hindi ako masyadong gumagamit ng english. Pwera nalang kung may kaaway ako, para nganga ang kalaban.

"You may now have your recess" sabi ni sir. Yung iba sa amin ay nagsisilabasan na, pero dahil tamad ako. Dito nalang muna ako sa room. May lunch naman mamaya eh.

"Hi" bati sa akin ng babaeng mukhang friendly. "Diba ikaw si Marielisthic sa youtube?" she asked.

Napatango naman ako.

"Omg—i'm a fan of yours mariel" sabi niya with matching tawa and ngiti.

"Really? thank you" i said. "what's your name nga pala?" habang nagpapakilala kasi yung iba kanina, busy ako kakatingin sa katabi ko.

Si Martin Santos.

Buti nalang talaga hindi niya ako napapansin non. Pasulyap sulyap ako non eh. Pogi kasi, ang tangos ng ilong tas basta ang pogi. Tapos :)

"I'm Bella, Bella Tuazon" she said at inilahad ang kanyang kamay.

Agad ko naman itong kinamayan. She's really friendly talaga, parang siya pa yung magiging kaibigan ko here ah.

"Ang ganda ng name mo. By the way, kakalipat ko lang ng school hahaha" i said to her.

"Ah oo, tara libutin natin yung school para di ka maligaw if ever mang gusto mong maglakad lakad" sabi niya. Inayos ko muna ang mga gamit ko at lumabas na kami sa room.

Ang lawak ng paaralan na ito unlike sa dati kong pinapasukan.

Nandito kami ngayon sa library ng school, sa bawat building pala dito. May kanya kanyang library which is great rin. I'm starting to like this school na.

"This is the library, dito ko gustong tumambay kasi tahimik tsaka may wattpad books dito" pabulong niyang sabi habang naghahanap kami ng mga libro na pwede naming basahin.

"Seryoso? may wattpad books?" tumango siya at hinila ako papunta sa mga librong tinutukoy niya.

"Ayan oh. Kaso tuwing friday lang yan pwedeng basahin di tulad dati, kasi maraming estudyante na nagpupunta dito para magbasa lang niyan. Hindi na sila nag-aaral kaya every friday nalang yan pinapahiram" pagpapaliwanag niya. Sayang naman, monday palang ngayon eh :(

Kumuha ako ng isang libro tungkol sa history. Ewan ko, pero trip kong magbasa ngayon about sa history eventhough nakakatamad kapag iyong subject nayan.

Nagpunta kami ni bella sa bakanteng upuan doon at kanya kanya na ng pagbabasa.

Buti nalang at 40 minutes ang recess dito. Kaso 20 minutes nalang para mamaya sa lunch.

Habang nakatutok ang mga mata ko sa libro ay may napansin akong lalaki sa likuran ni bella.

"Bella" pabulong kong sabi. We all know naman na bawal mag-ingay dito.

Binigyan naman niya ako ng 'what?' look.
"Kilala mo ba yung lalaking katabi ko sa room?" tanong ko sa kanya.

"Si Martin?" she asked.

Tumango ako "wag kang ma-ingay, nasa likuran mo lang siya" sabi ko at tumingin sa kanyang likuran upang makasiguro na hindi niya naririnig ang pinag- uusapan namin. "He look's weird kasi kanina. Parang buong klase nagsusulat lang siya sa notebook" sabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Life of being his bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon