"KAMUSTA NA PO KAYO ate?" Nakangiti si Shiro nang lumapit siya kay Lilia para makipagkamay.
Nakipagkamay rin si Lilia dito at ngumiti rin "medyo nahihilo pa, sa sobrang tulog ata hahaha, by the way, anong ginagawa niyo dito?" Tumingin si Lilia kila Samielle at Shiro habang tinatanong yun.
"Ahmm" hindi makapagsalita si Samielle, wala pa yatang naiisip na palusot.
"Li-lilia, sa totoo lang-"
"-sa totoo lang po ate Lilia, bagong recruit po ako ng student council at kailangan ko magpainterview sainyo kung makakasama po talaga ako o hindi" pagputol ni Shiro sa sasabihin ni Samielle para makagawa ng palusot.
"Talaga?" Napatayo sa kama si Lilia at kinuha yung kamay ni Shiro at nagpatalon-talon "kailangan natin magcelebrate Shiro, siyempre pasok ka na agad si Samielle mismo ang nagdala sayo dito, malapit na ang campus week kaso kulang parin ang officers ko. Medyo weird no? Mas mabuti na magkita tayo bukas ng lunch, sabay sabay tayo ng mga officers ko para makilala ka rin.
"Salamat po ate Lilia"
NAKATINGIN LANG SI SAMIELLE kay Shiro habang kinukulit ni Lilia, tawa lang ito ng tawa pero alam niyang malungkot ito sa loob.
"Miss Lilia, ready na po ang hapunan" kumatok si Sebby at pumasok ito.
"Aah, Salamat Sebby, tara Samielle, Shiro, kain muna tayo bago kayo umuwi" sabay hila kay Shiro papunta sa dining room. "Aah, ate Lilia, baka mabinat kayo" paalala ni Shiro kay Lilia. "Okay lang yan, wala naman akong sakit"
Napangiti si Samielle "Kahit nawalan ng memorya si Lilia gustong gusto niya parin si Shiro" naisip nito. May halong lungkot, tuwa at inggit nang inisip iyon ni Samielle.
"SO FIRST YEAR KA PALANG Shiro? Wow! Magiging isa kang officer ng student council kahit first year ka palang? Bihira ang may first year sa council ah, wow Samielle tatlo na ang 1st year nating officer!" Laking bilib nito kay Shiro habang sumisipsip ng sabaw.
Tatlong 1st years? Si Janicha at si Shiro lang ang first year naming officer ah. Pagtataka ni Samielle.
"Wala na po ata silang mapili hahaha" tawa lang ni Shiro.
Naguluhan din si Shiro sa sinabi ni Lilia pero hindi niya ito pinansin muna.
Walang imik si Samielle na kumakain habang sila Shiro at Lilia ay nagtatawanan nang biglang...
"May girlfriend ka na Shiro?" Tanong ni Lilia para sa bagong topic. Tumahimik ang paligid, si Sebby na nakatayo ay nakatingin lang sa sahig na parang may luhang lalabas sa mga mata nito. Si Shiro na nagiisip kung anong sasabihin "Ikaw yung girlfriend ko" lang ang nasaisip nito. Hindi na makaya ni Samielle kaya hinila na niya si Shiro palabas "Lilia, saglit lang kay sasabihin lang ako kay Shiro" sabay alis.
"Hindi niyo pa tapos yung kinakain niyo ah?" Pigil ni Lilia dito.
"Saglit lang to" sigaw ni Samielle.
Mabilis na naglakad si Samielle na hila si Shiro. Nang nakahanap na siya ng lugar na pwede silang magusap ay huminto ito.
"May problema ba ate Samielle?" Nairita dito si Samielle.
"Marami! Paano mo nakakayang makihalubilo kay Lilia na alam mong nasasaktan ka na?" Bulyaw nito dito.
Hindi kayang makita ni Samielle na nasasaktan si Shiro dahil sa nawalan ng memorya si Lilia, dahil doon ay nagkaroon siya ng kaunting pagkairita kay Lilia at awa kay Shiro.
"Kailangan ko eh, kahit wala na ako sa memorya niya alam kong kailangan niya parin ako, kahit na hindi niya ako matandaan susuportahan at proprotektahan ko siya sa likod" nang marinig iyon ni Samielle ay nasaktan ito.
Tumagal ang katahimikan sa kanilang dalawa ng biglang dumating si Sebby.
"Master Shiro, hinihintay na po kayo ni Lilia, medyo nagtatampo na siya" may halong iyak sa boses nito.
Nilapitan ito ni Shiro at niyakap, hugulgol naman si Sebby nang ginawa niya iyon tapos *POOF napunta siya sa *beast form nito at umiiyak parin sa matinis na boses "Seb, sa ngayon huwag mo muna akong tawaging Master at baka marinig ni Lilia, taha na, dito ka lang at samahan mo si Lilia, huwag kang magalala nandito lang ako sa paligid.
Bumalik na sila sa bahay ni Lilia at nakita si Lilia na nakakunot ang noo "nandito na pala kayo" yakap-yakap nito ang isang dyaryo na pinupokpok sa lamesa.
"Bakit ate? May problema po ba kayo?" Nakangiting tinanong ito ni Shiro, napansin ni Samielle na hindi ito isang pilit na ngiti na kanina pa niya ginagamit.
"Iniwan niyo ako dito, pinatawag ko kayo kay Sebby kaso pati si Sebby matagal dumating" nakakunot parin ito parang bata.
Napatawa si Shiro "siya parin ang dating Lilia" naisip nito.
Tumabi ito sakaniya at tinapik ang ulo "sorry po ate" napatingin nalang dito si Lilia at nakatitig lang.
"Sige na nga" uminit nalang ang pisngi nito at tumingin sa iba.
UMUWI NA SILA SILA Shiro at Samielle, hinatid ni Shiro si Samielle sa kanila, katahimikan nanaman ang nanaig habang naglalakad sila. Wala ng sasakyan na dumaraan papunta kila Samielle kaya sinamahan nalang ito ni Shiro, hindi kasi pumayag si Samielle na matulog kila Lilia nang alukin ito na duon na sila matulog kaya sinamahan na ni Shiro si Samielle.
"Bakit iba ang ngiti mo kanina? Tanggap mo na?" Basag ni Samielle sa katahimikan.
"Tanggap? Syempre hindi ko tatanggapin na kalimutan na ako ni Lilia, naisip ko lang na kahit wala na siyang memorya, siya parin ang nakilala kong Lilia, wala lang ako" sabay tawa.
"Bakit? Bakit mo lang tinatawa ang problema mo?" Lalong lumala ang pagkainggit nito kay Lilia, "sana may makilala akong lalakeng katulad mo" paghahangad nito sa isip niya.
"Ate Samielle? Nandito na po tayo sa bahay niyo" tinapik ito ni Shiro "ito yung bahay niyo diba?"
"Paano mo alam?"
"Inaalam ko lahat kung sino ang mga taong nasa paligid ni Lilia, kinikilala ko sila"
"Ahh"Lilia nanaman. "Tanggalin mo na kaya yung "ate" sa pangalan ko, tinatawag mo ako niyan kasi kailangan diba?"
"Oo, kailangan tawagin kang ate kasinyun yung sinabi ni Lilia, pero kahit nawala yung memorya ni Lilia tatawagin parin kitang "ate Samielle" kasi 1st year palang ako at ikaw 3rd year"
Hindi nakaimik si Samielle dito at nagpaalam nalang kay Shiro.
"Matutulog na ako Shiro, saan ka pala magsstay?" Pagaalala nito.
"Sa bahay parin ni Lilia, madali lang magtago duon" sabay paalam kay Samielle at umalis na ito.
BINABASA MO ANG
My Lover is a Vampire Prince
RomantizmA Love story about a Vampire and his lover; the President. Everyone calls him: Nerd, Dork, Pathetic, Not deserving but they don't know that he have something that they might want it. A lover. Moreover the President's lover. Beautiful, Rich, Cool, la...