Di ko alam kung san uumpisahan,
Di ko alam kung paano ang katapusan,
Di ko alam kung anong kalalabasan,
Di ko alam kung ang tulang itoy magugustuhan.
Sa pag bibitiw ng bawat letra,
Di ko alam kung saan mapupunta,
Sa pag susulat ng mga salita,
Natatakot ako na baka maubos ang mga tinta.
Gusto kong sabihin ang aking nararamdaman,
Ang kaso ay di ako alam kung sa panong paraan,
Ayokong ipahalata na may pinagdadaanan,
Kaya naman idaan na nalang sa pag hahalintulad ng pag gawa ng tula at ng aking nararamdaman.
Umpisahan natin sa di alam kung paano mag uumpisa,
Parang sa relasyon na matatamis ang pag uumpisa,
Na para bang ang gusto ay di matapos ang umpisa dahil dito naman laging masaya diba?,
At pag natapos na ang umpisa darating na ang katapusan ng inyong relasyon at ikay kailangan ng ulit mag umpisa at magiging mag isa....
Pangalawa,di alam kung paano ang katapusan,
Ang katapusan na dapat mong pag handaan,
Ngunit wala namang nakakapag handa sa bawat katapusan na dumaraan,
Dahil kahit may buhay rin natiy may katapusan dahil diyos lang ang may karapatan na mabuhay ng walang hanggan.....
Pangatlo,di ko alam kung anong kalalabasan,
Dahil sa pagsulat ay gusto ko lang naman ilabas ang nararamdaman,
Bawat sakit at pait nanararanasan,
Ngunit sa bawat pinagdadaanan tayo may nagiging luhaan tayo parin ay may matututunan.
Pang apat,di alam kung magugustuhan,
Para bang pag amin ng damdamin sa iyong nagugustuhan,
At sa pagtibok ng iyong dibdib di na maipaliwanag ang nararamdaman,
Na tanging dahilan ay ang iyong minamahal lang naman.
Pang lima,teka wala naman atang pang lima diba?!,
Ngunit aking dadagdagan pa ,
Dahil gustong gusto ko ilabas na ang nadarama kanina pa!,
Gustong gusto kong sabihin sa iyo na "mahal parin kita".
Kahit na bumitaw ka na para bang ikaw lang ang nakakapit sa ating dalawa,
Kahit na sa pagtakbo natin ako ay naiiwan na,
Kahit na akoy iniwan , pinaluha, at sinaktan mo pa,
Kahit na iniwan mo ako habang hawak hawak ang pangako natin sa isat isa ng mag isa.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry (TAGALOG)
PoetryPara sa mga wasak, nadudurog at nasasaktan pero patuloy pa rin na nagmamahal.