"Tama na po!"
Ngumisi lang ako sa harap niya. "Come on! Fight me!" sabi ko at pinapatayo siya.
"Hindi ko na po kaya Miss Kyline." umiiyak na siya sa harap ko.
Nagpapaawa... "Tsk." tinulak ko siya. Dumaing siya.
Wala pa nga yan kumpara sa ginawa niya sa akin e. Tsk paawa effect pa siya para siya ang kampihan.
"Edi ikaw na ang best actress. Punyeta ka." sabi ko at iniwan siya.
Wala na akong pake kung pingtitinginan ako ng tao. Mga judgemental hindi nila inaalam kung ano at kung saan nagsimula yung gulo tsk.
Ako na naman ang masama.
Hindi ko nalang pinansin yung nga tao.
Inis akong umupo sa bench ng campus.
Fvck! Ang sakit ng ulo ko...
Napapikit pikit ako. Nanlalabo ang mga mata ko...
"Kyky!" dinig kong tawag ni Ayu sa akin.
Napahawak ako sa ulo ko. Nahihilo ako.
***
Dahan dahan kong minulat yung mata ko.
Kulay puti yung pader... lahat.
"Where am I?" mahina kong sambit.
"Hospital." napatingin ako kay Hannah.
Naguguluhan ako... Bakit? Paano?
"Bakit kasi hindi mo sinabi na nalalabo na pala mga mata mo." inis na sabi ni Aj sa akin.
Oo ilang years ko ng tinatago yung tungkol sa mata ko kasi ayokong magsalamin.
"Bakit mo tinago?" tanong ni Hannah.
"Wala." sagot ko.
"Kanina nakita namin ni Hannah yung nangyari..."
Pinaalala pa... tsk.
"Ok then its my fault again? Sige last na 'yon ako na ang mag adjust kahit mahirap." sabi ko.
Oo nga naman? Its better na magbago na ako no? Di na ako lalaban kung palagi naman na ako ang nagmumukhang masama sa harap nila.
Tsk. Judgemental people.
"Hindi naman yun ang sinsabi namin ni Aj..."
"Then what?"
"Sumobra ka na kasi sa kaniya." sabi ni Aj.
See.
Ako ang mali.
"Fine i'll change for the sake of my family's name." sabi ko.
Yung babaeng nakaharap ko kasi ay anak ng gobernador. Siya ang nauna hindi ako.
***
Nang makalabas ako sa hospital ay binago ko ang sarili ko at nging mailap na ako sa kaibigan ko pero hindi rin naman nagtagal ay bumabalik na kami sa dati.
Kaso hindi na ako katulad ng dati. My decision is final. I'll change for the better.
I'm Kyline Hernandez the normal girl. Pero syempre ang tingin ng iba sa akin ay Nerd.
Hindi na ako nakikipag away.
Hindi na ako pumapatol sa iba.
Wala ng gulo.
Simple nalang ang buhay ko.
Boring at walang thrill.
That's my life now.
Pero yung mga kaibigan ko naman ay sila na ang nagtatanggol sa akin. Hindi na kasi talaga ako lumaban.
Pero hindi lang dahil doon kung bakit ako nagbago.
May iba pang dahilan.
BINABASA MO ANG
That's My Nerd (C O M P L E T E D)
Novela JuvenilKyline wants to live a normal life. No mess or anything bad. He wanted to be normal but it didn't seem like a good decision. She's trying to be one good girl, friend and also a daughter. Mananatili na lang nga ba siya sa ganoon o babalik rin siya sa...