Chapter 71: Apprehension

61 9 2
                                    

Gaya pa rin ng dati, sa fast food chain kung saan madalas silang kumakain ang napag-usapan nilang tagpuan. Natutuwa si Carys dahil nagkaayos na sila ni Don. Iyon nga lang, may namumuong ilang na sa pagitan nila. Madalas na natatahimik na lang sila bigla hindi kagaya noon na marami silang napag-uusapan, magkaroon man ng katahimikan, it was a comfortable silence.

She cleared her throat. "Sa Sabado na ang wedding ni Ate Eva, baka nakakalimutan mo ha?"

"Yes, hindi ko nakakalimutan. Uhm by the way, hindi naman ba mag-iisip ng kung ano 'yun porque nasa malayo siya?"

Umiling siya. "Pinaalam ko naman sa kanya. Okay lang sa kanya 'yun. Saka kahit naman sabihin niyang ayaw niya, hindi ibig sabihin na masusunod siya. Alam niya ang pinagsamahan natin."

Ngumiti ito pero iyong ngiti na halatang pilit. "Pero may mga nagbabago pa rin. Hindi na tayo palaging magkikita tulad ng dati."

"Para namang may umalis sa 'tin? Nandito pa rin naman tayo ah?"

Yumuko ito at sumubo. "Hindi mo na naman ako naiintindihan eh. Pero I'm just a call away 'pag kailangan mo ako ah? Iyon ang hindi magbabago."

Napangiti siya sa sinabi nito. Sa hindi niya malamang dahilan, naluluha siya sa sayang marinig iyon.

Nag-angat ito ng tingin at tila ba nataranta nang makita ang hitsura niya. "Oh bakit ka naiiyak?" Akmang tatayo pa sana ito.

"Wala." natatawa kong pinahid ang mga namamasa kong mata, "Natutuwa lang ako."

Bumuntong-hininga ito pagkuwa'y pinanipis ang labi. "Akala ko naman may problema kayo ni Zion kaya bigla kang nagkaganyan."

"Akala ko kasi, tuluyan ka na ring mawawala. Isa ka sa pinakamalapit kong kaibigan, alam mo 'yan."

"Sounds like bini-bestfriend zoned mo ako." biro nito.

Saglit siyang natigilan. "Magagalit ka ba kung sabihin kong parang gan'on na nga?"

Tinutop nito ang dibdib. "Ouch!" Saka tumawa. "At least ako lang ang nag-iisa mong lalaking bestfriend."

Alam kong nasasaktan siya. Selfish na kung selfish pero mahalaga siya sa 'kin kaya ayokong mawala siya.

-

"Don, hindi mo naman kasi kailangang ihatid pa ako." reklamo ni Carys nang sumama ito sa pagsakay niya sa jeep. Hindi siya pinansin nito kundi kinuha agad nito ang coin purse sa bulsa ng bag. Dahil doon nagmadali rin siyang kumuha ng pambayad.

"Manong, bayad po. Dalawa." sigaw ni Don. Nagpasalamat din ito sa aleng umabot sa bayad tapos ay bumaling na sa kanya. "Ibalik mo na 'yan."

"Bakit ba inuunahan mo ako?" pabulong niyang reklamo.

"Ang dami mo namang angal. Hayaan mo na. Maliit na bagay." saka pinisil ang ilong niya.

......

Hello Zi! Start na ng break
namin kaya it's okay to
sleep late. I hope you're
doin' good. 😊


Habang hinihintay niyang mag-online si Zion ay nakaka-chat niya rin si Loreleigh. Hindi muna sila nag-vi-video chat dahil alam ng kaibigan na hinihintay nga niya ang boyfriend. Matagal itong mag-reply hanggang sa bigla na lang itong nawala.

Ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin nag-o-online si Zion hanggang inabot na siya ng ala-una ng madaling araw. Napabuntong-hininga siya.

Okay. Siguro maraming pinagkakaabalahan dahil malamang kasama na niya ang pamilya niya.


I know you're busy. Sleep
na ako, Zi. Good day
there! I love you! 😘💕


Iyan na muna ang huling mensahe niya saka siya nagpasyang matulog na.

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon