Chapter 17

12 2 0
                                    

Mabilis na nagdaan ang mga araw at tatlong buwan na naman ang nakalipas,

Nagkaroon kami ng Christmas Party at sobrang pogi ni Miller noong oras na iyon kahit na nakafaded jeans at stripe na polo lang siya noon.

Masaya naman ang party namin pero sa bigayan ng regalo ako nainis

Yung request ko ay yung paper na ginagawang origami tapos natanggap ko ay isang tuwalya?!!

Tuwalyang naglalagas! kaloka.

Pagkatapos ng Christmas Party ay Christmas vacation kaya umuwi kami sa Cavite kung saan nakatira ang isa sa mga kapatid ko. Para doon icelebrate ang pasko.

Noong pasko ay isa lang ang hiniling ko......

Na sana huwag dumating yung oras na wala na akong nararamdaman pa sa kanya at siya naman ang magkakagusto sa'kin at ako naman ang wala ng nararamdaman pa para sa kanya.

Pero tingin ko imposible yun e.

Imposible na gustuhin niya din ako.

Atag dumating yung oras na wala na akong nararamdaman pa sa kanya at siya naman ang magkakagusto sa'kin at ako naman ang wala ng nararamdaman pa para sa kanya.

Pero tingin ko imposible yun e.

Imposible na gustuhin niya din ako.

At isa lang ang kinakatakot ko.

I'm afraid that someday, he'll find someone that can love him more than the way i do.

Pero tingin ko hindi na mangyayari yun dahil pakiramdam ko sagad na sagad na ang nararamdaman ko para sa kanya.

Noong bagong taon naman ay simpleng kainan lang sa bahay namin dahil hindi naman nakapunta sila ate dahil sa trabaho nila.

Noong nagbalik naman ang klase ay ganun pa rin siya, walang nagbago.

Mabait sa iba, masungit pagdating sa'kin.

Umiiwas pa din siya.

Paminsan-minsan ay minumura niya ako. pasigaw pa nga ang pagkakasabi niya minsan kaya napapatingin ang lahat sa aming dalawa ay nakakahiya iyon.

At ngayon, ngayon ang ika one hundred and ninety six days na araw kung kailan ako nagsimulang gustuhin siya.

6 months to be exact dahil Pebrero na ngayon, nalalapit na ang araw ng mga puso at nalalapit na rin ang bakasyon. Dalawang buwan ko siyang hindi makikita kapag nagkataon.

"So Pebrero na ngayon at bukas ay Valentines na at dahil madaming pakulo ang ating Principal, Sa Valentines day ay may color coding tayo, Magsusuot kayo ng color ng t-shirt base on your relationship status"

"Red if you have a boyfriend or girlfriend, Pink kung may ka-MU, Black kung bitter, Violet if single but ready to Mingle, Brown kung one-sided love, Yellow kung moving on, Gray kung broken hearted, White if No Girlfriend or Boyfriend since birth, And Uniform if study first" Napabalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang sinasabi ni ma'am Zoe sa harapan.

Tsk dami nilang alam paganyan ganyan pa silang nalalaman.

"Kiara mag red daw kayo ni Miller haha" sabi ni James na nasa tabi ko.

"Psh. bakit mag rered? hindi naman kami" nakasimangot na sabi ko.

"Basta magred daw kayo haha" natatawang sagot niya.

"Miller! magrered kayo diba?" sigaw pa niya kay Miller kaya napalingon din naman ako sa lugar kung nasaan si No.

At tumango siya.

Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon