Ng mag uwian ay inantay ko na si Kylle Christel para sabay na kami umuwi.
Pero cleaners pala siya kaya hindi na kami makakapagsabay dahil matagal sila maglinis kaya nauna na ako at sumabay na lang kila Jomiah.
Habang naglalakad ay nagdadaldalan kami at kung ano-anong tanong ang tinatanong niya, karamihan ay tungkol lang sa kung paano ko ginagawa yung mga design ko sa portfolio at mga projects.
"Kiara crush mo ba talaga si Miller?" biglang tanong niya, Paano umabot yung topic dito aber?
"Hindi ba halata?" sagot ko.
"Hala crush mo talaga siya? Paano mo siya nagustuhan? saka hindi naman sobrang gwapo yun ah?" sunod sunod na tanong niya na nagpapantig sa tenga ko.
"Ah ganon? kapag magkakaroon ng crush dapat sobrang gwapo? ganun ba? Hindi hamak na mas gwapo si Miller sa mga naging jowa mo uy! At least ako kapag nagkagusto parang MOTOLITE" sabi ko sabay tawa dahil parang nainis siya sa unang sinabi ko kahit totoo naman.
"Motolite?" takang tanong niya.
"Oo! Motolite, Pangmatagalan" sabi ko sabay tawa ng malakas.
Hindi na namin napansin na malapit na pala kami sa bahay namin kaya sumakay na din siya ng jeep dahil medyo malayo pa ang bahay nila.
Pagkauwi ko ay hinanap ko agad si mama para magtanong. Nakita ko naman agad siya sa sala na nagbabubble shooter, Take note: level 3,000 na siya.
"Ma! may red ba ako na t-shirt? ay brown pala!" putek! anong red Kiara?! anong red!? brown dapat! tanga!
"Para saan?" tanong niya ng hindi ako nililingon.
"Bukas! may color coding e. Valentines bukas diba?" sagot ko.
"Puro may tatak t-shirt mo, plain white lang ata meron jan" sagot niya kaya tumango na lang ako at nagpunta sa damitan ko.
Hindi bale! mag uuniform na lang ako bukas. Hinanap ko na ang uniform na sosootin ko bukas pero wala na akong malinis na blouse! Friday na nga pala bukas at apat lang yung blouse ko dahil nakap.e kami pag friday.
Mag t-t-shirt na lang ako na white saka palda bukas para NBSB.
Pagkatapos ko maghanap ng sosootin ay lumabas na ako ng kwarto at nakita ko dun si ate kristine, ang pang anim sa aming magkakapatid. May sarili na siyang bahay kaya minsan na lang siya umuwi dito.
"ano ulam niyo ma?" sabi ni ate kay mama kaya tinigil muna ni mama ang paglalaro saka ito hinarap.
"Hindi pa ako bumibili mamaya na lang" sagot ni mama.
"Ako na lang magluluto ma. bili ka pang adobo" sabi ni ate.
"Yan! buti ka pa yan si Kiara? puro cellphone lang yan, Walang kwenta! Kaya pag tumanda ako hindi ako magpapaampon jan e. Baka itulak na lang ako sa hagdan" Biglang sabi ni mama na nagpasikip ng dibdib ko pero hindi ko ininda yun.
Sanay na ako dahil lagi naman niyang sinasabi yan araw-araw, hindi na lang niya diretsahin na piangsisihan nilang ipinanganak pa ko.
Ipinutok na lang dapat nila ako sa kumot.
Kahit gusto ko kumain ng luto ni ate ay huwag na lang. nakakawala ng gana.
Bumalik na lang ako sa kwarto at nagbasa ng wattpad hanggang gumabi. Nang gumabi ay natulog na ako.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok para makita kung nag-red ba talaga si Miller, pero nakita ko na naka-uniform siya.
Pucha study first daw? e, hindi naman siya nag iistudy.
BINABASA MO ANG
Catch Me
RomanceMeet Kiara Reafor ang babaeng palaging sawi sa pag ibig kahit hindi pa nagkakajowa, Paano ba naman takot umamin dahil takot mareject kaya ayun! hanggang kaibigan lang sila ng mga naging crush niya. Pero ng makilala niya si Miller, ang lalaking nagpa...