Chapter 51
Third Person's POV
Lumabas si Rochelle ng kwarto ng binata at pumunta ito sa salas. Lumuluha ang dalaga at dala biya ang chest papunta sa salas. Nakakunot naman ang noo ng tatlong babae na nasa salas.
"Oh Elle? Ano yan?" Tanong ni Ellyza kay Rochelle at tinuro ang chest na hawak niya.
Kinuha ng dalaga ang picture sa chest at pinakita ito sa kanila. Kumunot lalo ang noo ni Shanaia at Arriane kasi wala silang naiintindihan. Si Ellyza naman ay nanlaki ang mata dahil sa picture. Alam niyang ang Kuya niya lang ang nakakabukas ng chest na iyon at ang picture doon ay ang kababata nito.
"Ikaw? I-Ikaw yung first love ni Kuya? Ikaw siya? Akala ko si Allysa yun" Takang tanong ni Ellyza at gulat na gulat pa rin ito.
"Alexa yun. See, nasa akin yung isang pares ng bracelet." Sambit ng dalaga at kinuha sa bulsa niya ang bracelet niyang laging dala.
Kinuha niya din sa chest ang isa pang bracelet at pinakita niya itong parehas kay Yza. Hindi pa rin ito makapaniwala sa nalaman niya.
"So matagal na kayong magkakilala ni Chris?!" Gulat na tanong ni Shanaia. Ngayon palang nagsink in sa utak nila ang nangyayari.
"Oh my god! Eh di meant to be talaga kayo?!" Sabat ni Arriane at napatakip sa bibig niya.
"So, all along, he's inlove with the wrong person." Sambit ni Ellyza.
"What do you mean?" Takang tanong ni Rochelle.
"Kaya niya minahal si Allysa kasi buong akala ni Kuya na siya ang kababata niya." Paliwanag ni Ellyza na kinagulat ng lahat. "Puntahan mo si Kuya." Dugtong niya.
"Paano? Di ko alam kung nasaan siya?" Malungkot na sabi ni Rochelle. Kinuha niya ang isang card sa may flower fase sa salas.
"Diyan ang convo ni Kuya. Baka pagnalaman niya ang totoo magkaayos na kayo." Sambit ni Ellyza at ngumiti ng matamis.
Nginitian din siya ni Rochelle at agad itong sinunggaban ng yakap. Nagyakapan ang dalawang magbestfriend nang may biglang sumama sa yakapan nila.
"Kami din!" Sabay na sabi nila.
Kumalas na ang apat sa yakapan at nagtawanan sila. Nagsuklay na si Rochelle at nagpuyod. Yeah, trip niya daw magpuyod ngayon.
"Bye! Goodluck!" Paalam ng tatlo sa kaniya.
Sinuklian niya lang naman ito ng ngiti. Ngiting mapait. Masakit pa rin kase para sa kaniya. Dalawang araw pa lang kase ang nakalilipas simula nung mangyare yung 'break up' incident. Sumakay na ang dalaga sa kaniyang kotse at nagdrive na papunta sa condo ng lalake.
Ang mahal ngayon ng lalake ay isang kasinungalingan. Si Allysa ay nagsinungaling siya ang kababata nito. Matagal ng pinlano ng dalaga ang paikutin ang lalake pero nahulog ito sa kaniya. Dapat si Rochelle ang mahal niya. Kasi siya ang tunay na kababata nito. Siya ang first love niya. Siya ang nakatadhana sa kaniya. Siya nga ba?
Nakadating na ang dalaga sa sinabi ni Ellyza na condo at bumaba na siya sa kotse niya. Pumasok na si Rochelle sa elevator at pinindot kung saang floor nandun ang unit ng binata. Sinabi na sa kaniya ni Ellyza kung nasaan at kung anong room number ng Kuya niya. Ang dalawang magkapatid lamang ang nakakaalam kung saanbang condo unit nito, kahit si Allysa. Never binanggit ni Chris kay Allysa ang condo unit niya kaya malaki ang tyansa na wala doon si Allysa pero di ito alam ng dalaga. Ang nasa isio niya ay baka magkasama ang dalawa sa loob ng condo unit at kung ano ano ang pinag gagawa.
BINABASA MO ANG
The Campus Badboy is my Fiance?
Novela Juvenil(COMPLETED) [HIGHEST RANK: #1 IN CAMPUSCRUSH] Ang hirap maging anak ng mayaman noh? Mapapa arrange marriage ka pa -__- Pero ano ang gagawin mo kapag ang fiance mo ay isang campus hearthrob at certified bad boy pa?? Kakainisan mo ba ito o mamahalin...