Saving It

3 1 0
                                    

Habang bitbit ang dalawang bote ng tubig, nakaguhit sa mga labi Kand ang mala-Colgate na ngiti. 'Di nya napansin ang pasimpleng pagkagat-labi ng babaeng nadaanan nya nung nakita sya nito. May gusto ito kay Kand.

Dahil sa pagmamadali parang wala nang napapansin si Kand makarating lang agad sa paroroonan.

Ilang minuto lang, nakita nya na ang babaeng kanina nya pa hinahanap. Mas lumawak ang ngiti nya kaya parang naging mala-clown na ito. Nakakatakot na ang mukha nito pag umaabot na sa ganong ngiti kaya hanggang Colgate lang talaga ang madalas nyang pinapakita. Pero pagdating sa babaeng gusto nya, wala na syang pakialam. Ang alam nya lang pag nakikita nya ito, ngingiti at ngingiti sya hanggang kaya nya. Mapa clown man o Colgate.

Nung nakarating na sya sa tabi ng babae, hinihingal syang napayuko sa mga tuhod nya habang nakahawak rito bilang alalay. Humihinga sya sa bibig nya kaya 'di nya hinarap ang kanyang ulo sa babae.

Mahirap na! Kakatapos ko pa lang namang kumain! Wooh! Sabi nya sa isip.

"Oh Kander! Mabuti naman at andito ka na! Kanina pa kaya ako andito. Ang sakit na ng binti ko kakatayo!" Bungad ng babae. Nakapamewang na ito habang nakataas ang isang kilay.

"Sorry na Ign. Ang haba kasi ng pila sa cafeteria eh. Hehe. Waterr por you" sabay abot ng isa sa mga bote ng tubig kay Ign.

"Ikaw talaga. Tenkyu phowzs. HAHAHA!" Sabay kurot ni Ign sa mga pisngi ng binata.

"Ign naman eh. Itigil mo na nga kasi yang kajejehan mo. Please don't bring your text message to life." Kunwaring nanlulumo nitong pakiusap.

"Wag ka ngang gumaganyan! Para kang bakla!" Nagsimula nang maglakad si Ign. Agad namang sumunod si Kand.

Si Kander Bush at si Igna Lest ay magbesfriend na simula nung mga bata pa sila. Kilalang-kilala na nila ang isa't isa. Pag may sikreto ang isa, hindi umaabot ng ilang oras malalaman agad iyon ng isa pa. Walang taguan kumbaga.

Pero isang araw, habang nasa library sila, si Kand ay nagbabasa ng libro, si Ign naman ay nagbibilang ng pera.

Napansin ni Kand na parang malungkot si Ign. Kaya agad nyang itinigil ang pagbabasa at tinanong agad si Ign kung anong problema.

"Kulang pa kasi yung pera ko. May pinagiipunan kasi ako. Alam mo na.  Hahaha poor lang si me." Sabi ni Ign.

"Ha?  Ano  ba   yang  pinagiipunan   mo?" Pang uusisa ni Kand.

"SECRET" tumaas baba yung mga kilay ni Ign.

"Oi! Walang taguan dapat! Anong sikret sikret! Magbespren ba talaga tayo?" Kunwaring tumayo si Kand para umalis. Agad namang pinigilan ito ni Ign, nakikisakay sa trip. "Wala naman ganyanan Kanderz! Huhu. Nahihiya kasi akong sabihin yung secret ko." Nagpunas kunwari ng luha si Ign. Tsaka humagalpak ng tawa.

Umupo na lang ulit si Kand habang tumatawa ng konti.

Tumigil na rin sa pagtawa si Ign. "Sorry na Kand. Promise sasabihin ko. Pero di muna ngayon. Siga na, Kandz ko." Pakiusap ni Ign habang nagpapacute kay Kand. Di rin nakatiis si Kand. Mahal nya eh.

"Okay, pero magkano pa ba yung kulang?"

Nagisip-isip si Ign. "Siguro mga wantawsan."

Agad na dinukot ni Kand ang wallet nya at kumuha ng isang libo.

"Eto na." Sabay abot kay Ign.

"No, no. Sorry pero di ko tatanggapin yan. Gusto kong pagipunan yon. Sariling sikap kumbaga." Sabay balik ng pera kay Kand. Ilang segundo pa muna silang nagsukatan ng tingin. Pero sa huli napabuntong hininga na lang si Kand at binalik ang pera sa wallet. Kailanman ay di sya nanalo kay Ign.

"Sige, pero babaunan kita araw-araw at yang allowance mo, ipunin mo na yan."

"TALAGA?! TENKYU-- este thank you, Kandz!!!!" Masayang sigaw ni Ign.

"MR. BUSH AND MS. LEST! EXIT THE LIBRARY NOW!" sigaw sa kanila ng librarian. Muntik pang sumigaw si Ign

Agad-agad nilang kinuha ang mga gamit nila. Nung nasa labas na sila sabay silang tumawa.

Nangyari nga ang sinabi ni Kand. Araw-araw nyang ipinagbaon si Ign. Unti-unti nang nakapagipon si Ign hanggang sa dumating na ang araw na sakto na ang ipon nya.

Nung araw rin na yon napagdesisyonan ni Kand na umamin na kay Ign. Matagal nya nang gustong umamin rito ngunit pinipigilan sya ng utak nya. Ngayon susundin nya na ang puso nya.

Tulad ng araw-araw nyang ginagawa, nagmamadali syang naglalakad habang may hawak na lunch bag at dalawang bote ng tubig. Ang kaibahan nga lang ay may dala na syang isang bungkos ng pulang rosas. Hinahanap nya si Ign. Nang mahagilap nya ito agad syang lumapit pero bago pa man sya makita ng dalaga agad na lumapit si Ign sa isang lalaking may hawak na gitara habang nakasandal sa pader. Napahinto si Kand nawala ang malaclown nyang ngiti.

"Uhm. Hello Marc. Uhh.. Matagal ko na tong gustong sabihin pero err.." Napalingon si Marc kay Ign. Bumilis ang tibok ng puso ni Kand. Unti-unting may namumuong luha sa kanyang mga mata. Nakukutuban nya na ang posibleng mangyari. "-- Gusto kita, Marc. Sana ganon rin ying nararamdaman mo. Uhh.. Heto pala! " nabitawan ni Kand ang mga bulaklak. May kinuhang kahon si Ign mula sa bag nya. "Para sayo pala!

-- PINAGIPUNAN KO YAN!"

THE END.

HEARTEU.

daraelle ∞

Saving ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon