Narating namin ang magubat na bahagi ng bayan kung saan nakakubli ang kampo ng mga Loro.
Kasama ko sa sasakyan si Jaimee, Cristal, pati si Ken.
"Mauna na kayo. Susunod ako," saad ni Cristal at tinanguhan ko lamang siya.
Una akong bumaba, at agad sumunod sa akin si Jaimee. Tinahak namin ang matarik na bahagi ng gubat.
Sa kalagitnaan ng parteng iyon, nagkalat na ang mga sutil na myembro ng Loro. Agad silang pinaputukan ni Jaimee, at agad kong sinundan.
Nabalot ng tunog ng baril ang paligid, at tila, nagising ang mga natutulog na bantay dahil bigla na lamang silang dumami. Pero, who cares, marami ata akong bala dito.
Hindi ko na kilala ang sarili ko ng mga oras na 'yon. From a typical high school student, naging isa akong babaeng walang awa sa pagpatay.
Natahimik ang diwa ko ng mga oras na iyon. Nagbalik lahat ng alaala. Alaala ng isang Melissah na normal pang nabubuhay. Naglalakad kasama ang mga kaibigan niya. Melissah na mahilig sa mga street childrens. Melissah--
"Melissah!"
Nagbalik ang diwa ko ng makaramdam ako ng hapdi sa braso ko. Sh*t, may tama.
Agad kong inundayan ng saksak ang lalaking nakalapit sa akin at balak ata akong barilin sa sintido.
Narinig ko ang pagmumura ni Jaimee dahil sa katangahan ko. Imagine, magde-daydream sa gitna ng laban?
Pumunit ako ng kaprasong tela sa damit ko at itinali iyon sa sugat dulot ng tama ng baril sa akin.
Ipinagpatuloy ko ang pakikipaglaban, hanggang sa nalinis ko na ang lugar patungo sa pinto.
Walang sabi sabi, ay agad kong pinasok ang malaking building na iyon, without waiting for any back up.
Bumulaga sa akin ang mga pintong secured na secured ng mga codes. Like eww, hindi ako para mag-solve pa ng codes dito oh.
Napansin ko ang isang box malapit sa pinto na parang slidan ng card. Gotcha!
Nakarinig ako ng takbuhan kaya't agad akong nagtago sa malaking container at nang maramdaman kong may tumigil sa likod ko ay agad ko itong pinukpok ng baril.
Nang bumulagta siya ay agad kong hinanap kung mayroon ba siyang card na pang-access sa pintuang yon, na agad ko namang natagpuan.
Agad ko itong ginamit at agad naman akong nakapasok.
Sinalubong ako ng mga nasa benteng armadong men in purple. Aba, may taste of fashion pala sila.
Agad akong umiwas ng muntik na akong matamaan ng rifle na hawak nung isa, at dahil mas mabilis ako sa kanila ay agad ko silang naunahan at napagbababaril sila. Pero, dahil marami sila at isa lamang ako, imposibleng hindi ako mapuruhan.
Natamaan ako ng purple dagger sa tagiliran at may tama naman ako ng baril sa braso. Hirap na akong gumalaw, feeling ko mamamatay na ako.
Babarilin na sana ako nung isang Lororians, pero agad itong inunahan ng isang lalaki. Nag-angat ako ng tingin and then I saw....... Xander?
Eeeeeeh? Si Xander?
"Bumangon ka na diyan, Bangs. Dalian mo baka magising pa 'yung iba," at tumigil ang mundo, nang ako'y tawagin mong bangs.
Kahit hirap, ay agad akong bumangon, at sumunod sa kaniya.
Tamang tama ako na si Xander ay miyembro ng Loro, pero bakit tinutulungan niya ako?
"I'll explain everything to you later, pero ngayon, kailangan niyo nang umalis dahil wala kayong mapapala dito," my eyes darkened. How can he say that? Hindi ba siya aware na pinaghirapan ko ang lahat ng ito para isave ang isang kaibigan?
"I need to save Duanne. That's why andito ako, pero para kontrahin mo 'yun, no thanks," I saw him smirk.
"She doesn't deserve to be save," ako naman ang nagdilim ang paningin.
"How can you say that? You don't even know her, you do---" natigil ako sa pagsasalita ng marinig ang sunod sunod na putok ng baril.
"Lisa, nasa Third floor si Duanne. Tara na!" Agad kong sinundan si Jaimee pero bigla na lang ako bumagsak.
"Ang hina mo naman. Oh, eto," binato ako ni Jaimee ng isang capsule which I immediately eat.
Nagmanhid ang katawan ko, at bigla na lamang naghilom ang nga sugat.
"Isa iyan sa mga naimbento nung kaibigan mo. Akalain mo, malaki pala maitutulong nun."
Agad akong bumangon at tumakbo kasunod ni Jaimee.
"Sugatan na si Ken, at naka-antabay naman si Cristal para sa mga sugatan. Marami pa tayo pero mas marami ang mga Loro," alalang paalala ni Jaimee at lalo akong kinabahan.
"Don't worry, nagpadala pa ng mga tauhan si Napoleon," tumango na lamang ako bilang sagot.
Maraming Lendro ang nakasunod sa amin kaya kahit papaano ay may laban kami.
Sa mga pinto ay naglabasan ang mga myembro ng Loro at agad naman naming nilabanan. Tinignan ko si Jaimeee at tumango lamang siya, bilang signal na pumapayag siya.
Agad akong tumakbo patungo sa maliit na pinto na may mahabanh hagdan, patungo sa secret place na pinagtataguan ng pinuno ng Loro.
I don't know him or her but I have this feeling na kilala ko siya.
Nang matagpuan ko ang isang glass door ay agad ko itong tinulak, kasunod ang mahinang palakpak, mula sa lalaking nakaupo sa dulo.
"I'm amazed, Lisa my dear," napakurap ako ng ilang beses bago sumagi sa isip ko kung sino ang kaharap ko ngayon.
"Mr. Tenorio, ikaw ang pinuno ng Loro?" takang taka ako at tila binuhusan ako ng malamig na tubig.
Jireh Tenorio is Duanne's father. How can he kidnapped his own daughter?
"How can you do this to your own daughter?" Galit na sigaw ko rito at agad naman siyang tumawa.
Sasagot pa lamang ay bigla na lamang bumulagta si Mr. Tenorio sa sahig.
Wait what?
"Nasaktan ka ba?" I saw Jaimee's worried face.
"What did you do to him?" Napatingin ako kay Mr. Tenorio at laking taka ko nang hindi dumugo ang kahit anong parte ng katawan nito.
Si Jaimee na ang lumapit rito at inis na sumagot.
"F*ckin' robot." What?
"This mess is just a robot. A cheap one, pero the humanoid one." Pangmamaliit ni Jaimee sa kaharap niyang robot.
Nagulat ako nang bigla na ring bumulagta si Jaimee at biglang nawalan ng malay, kasunod nito ang paglabas ng maraming men in purples.
Dahil gulat ay di agad ako nakagalaw, kaya't wala na akong nagawa ng hawakan nila at pilit ipinasok sa maliit na pinto.
BINABASA MO ANG
PAYBACK
ActionLisa Endrada. A typical high school girl who hates to do something illegal. She's been living alone for a long time and learn to be independent. She doesn't have any clue about his father, and she's been bugging by her dream. Sebastian Eastern Aca...