Miruelle
Nagising ako sa matinis na tilaok ng manok at mga yabag ng mga paang nagtatakbuhan sa labas ng bahay. Yakap yakap ko lang naman ngayon ang stuffed toys ko na si Phineas at Ferb. Iiwan ko nalang sana si Ferb sa Manila kaso baka malungkot siya kung wala si Phineas kaya dinala ko nalang silang pareho. Ika nga nila the more, the merrier.
Pangatlong araw ko na dito at masasabing kong habang tumatagal ay nagugustuhan ko ang pamumuhay nila. Simple ngunit puno ng saya at pagmamahal.
Agad akong bumangon sa kama na yari sa kawayan at itiniklop ang kumot. Ang totoo niyan noong unang gabi ay medyo nagdadalawang isip pa akong humiga sa kamang ito dahil yari ito sa kawayan at tanging banig lang ang sapin, ni walang kutson. As what I expected kinaumagahan ay ang sakit ng buong katawan ko. Pero ngayon ay nakasanayan ko na siya and I'm loving it. Sobrang presko lang kase talaga. Di kalaingan ng aircon, yun nga lang marami talagang lamok kaya nakakulambo kami.
Tulad ng nakagawian ko tuwing umaga, pagkabangon ay pumupunta agad ako sa sa bintana upang mag-unat at batiin ng magandang umaga si tiya Mona ang best friend ng mama ni beshy. Nasa katabing bahay lamang kase ito nakatira at tuwing umaga ay nasa bakuran ito dahil nagwawalis ng bakuran.
"Maayong buntag tiya Mon--- Ahhhhhhh!!!!"
Kasabay ng malakas na sigaw ko ay isang malakas na pagbagsak ang narinig ko galing sa bintana. Nakarinig naman ako ng mga yabag ng paa na patakbong pumasok dito sa kwarto. Se beshy napabalikwas naman ng bangon.
"Hija ano iyon?" tarantang tanong sa akin ni Tiya Ema mama ni beshy ng makapasok ito sa kwarto.
"Beshy? Huy? Okay ka lang? Anong nangyari?" si beshy man ay hinihingal dahil sa pagtakbo ay agad itong lumapit sa akin para kamustahin ako.
"Unsay nahitabo?" (Anong nangyari?) alalang tanong ni lola. Halos lahat ng pamilya ni beshy ay nandito sa loob ng kwaro habang kinukumusta ako. Nang mahimasmahan ay tinuro ko ang bintana.
"M-may a-akyat bahay." Nauutal kong sambit. Agad naman itong tiningnan ng papa ni beshy pati ng mama nito.
"Naku Diyos ko." Gulat na sambit ng mama ni beshy at tila ba ay naubusan ng dugo sa nakita.
"Bakit ma? Ano yun?" nacurious naman si beshy sa nakita ng mama niya kaya lumapit ito sa bintana upang tingnan kung ano iyon.
"What the!" reaksyon ni beshy.
----
Nandito kami ngayon sa bahay kubo nila beshy kaharap yung lalaking napagkamalan kong akyat bahay.
"A-ah aray lola. D-dahan-dahan lang po masakit." Komento nung lalaki habang ginagamot siya ni Lola Mareng.
"Pfffft. Ahahaha. Dapat lang yan sayo. Yan ang napapala mo sa kakulitan mo." Komento naman ni beshy habang patuloy na pinagtatawanan yung lalaking pinagkamalan kong akyat bahay. Hindi pala ito akyat bahay, kababata pala ito ni Beshy at anak ni Tiya Mona.
"Ang aga-aga bakit mo kase naisipan umakyat ng bintana bata ka. Buti at yan lang natamo mo. Paano kung nabalian ka ng buto. Naku bata ka talaga." Pagsesermon sa kanya ng mama niya na si Tiya Mona.
"Mama, first of all hindi napo ako bata and second gusto ko lang naman isupresa si Garet eh." Sabi nito habang nagkakamot sa ulo.
"Tsk ako pa pala masusupresa." Dagdag nito sabay tingin sa akin.
Napaiwas naman ako ng tingin at inabala ang sarili sa pag-inom ng buko juice. Kakatapos lang pala namin mag-almusal kaya nandito kami sa kubo nila upang magpahangin.
"Ah oo Matmat kini diay si inday Elle. Amiga ni inday Garet. Kaupod niya sa pag-uli diri katong Lunes pa."(Ah oo Matt, ito pala si Elle. Kaibigan ni Garet. Kasama niyang umuwi dito noong Lunes pa.) pagpapakilala ni Lola sa akin kay Matt.
"Inday Elle ito si Matt anak ng tiya Mona mo at kababata rin ni Garet." Pagpapakilala naman ni lola kay Matt sa akin.
"Uh, hi? Nice meeting you." awkward na sabi ko sabay lapat ng kamay ngunit hindi niya ito kinamayan kaya binawi ko nalang ulit ang kamay ko. Tsk. Suplado.
"Tss. Yeah." Komento nito sabay irap. Aba-aba iniirapan ako? Bakla lang.
"Anyways, kumusta Matt? Kanus-a paka nibalik diri?" (Anyways, kumusta Matt? Kelan ka pa bumalik dito?) pag-iiba ng topic ni beshy ng mahalatang nanlilisik ang tingin sa akin ni Matt. Tsk problema ng lalaking ito sa akin?
"Ito gwapo parin kahit nasugatan ang gwapo kong mukha." Mayabang na sabi nito sabay titig ng masama sa akin. Okay aakuin ko na ang kasalanan. Kung hindi dahil sa akin, edi hindi siya mahuhulog sa bintana at masusugatan.
Pero teka lang, ang taas naman yata ng tingin niya sa sarili. Gwapo? Saan banda?
"Tsk, kasalanan mo kung bakit ka kase nasa loob ng kwarto ng babae at nakaupo sa bintana."pabulong ko na komento sabay irap ng patago.
"Anong sabi mo?!" bulyaw sa akin ni Matt na ngayon ay nakatayo na sa harap ko.
"What? Did I say something?" painosente kong sabi.
"Eh bumubulong bulong ka diyan eh." Giit naman nito.
"So what if I'm whispering?" mataray ko naman na sagot sa kanya.
"Aba-aba sumasagot kang babae ka ah."
"Of course, may bibig po kase ako." Bwelta ko naman.
"Hep-hep-hep. Tama na. Kakakilala niyo nga lang nag-aaway na kayo."komento ni lola Mareng. Kala ko galit ito ngunit mukhang nawiwili pa ito sa nasasaksihang bangayan namin ng self proclaimed gwapong nilalang na nasa harap ko.
"Alam niyo bang jan nagsimula ang love story namin ng lolo ni Garet. Ika-nga nila eh the more you hate, the more you love." Kinikilig na sabi ni Lola Mareng dahilan para mapangiti ang mama't papa ni Garet at sila tiya Mona-mama ni Matt at iba pang mga tiyo't tiya ni beshy na nandito.
"Aba, bakit naman hindi? Binata itong si Matt at dalaga si Elle. Ano sa tingin mo palangga?"malambing na komento ni tiya Mona at tinanong ang kanyang kabiyak na si Tiyo Lando.
"Oo naman palangga. Botong-boto ako dito kay Elle." Pagsang-ayon naman ni tiyo Lando. And I was like, seriously kung pag-usapan kami parang wala kami dito ah. Hello nandito po kami nakikinig.
"Ano sa tingin mo apo Matt? Elle?" naaaliw na tanong ni lola Mareng.
"NO WAY!" sabay na sagot namin ni Matt dahilan upang maghagalpakan sila ng tawa.
"Bakit naman hindi Matt? Ang ganda kaya nitong besh-I mean ni Elle." Komento ni beshy. Pero muntikan na niya akong matawag na beshy. Kung sakaling napagpatuloy niya iyon ay mabubuko kami.
"May girlfriend na ako at sobrang ganda." pagmamayabang ni Matt sa amin. Tsk.
So ano sa tingin niya sa akin? Panget ganun? Aba, hindi naman sa gusto ko siya, pero parang pinamumukha niya kaseng panget ako. Gosh.
"Weeh tinuod? Nus-a ka pa nakahibaw manguyab 'nong? Sa ugaling mong yan." (Weeh totoo? Kelan pa natutong manligaw kuya?) natatawang komento ng kapatid ni Matt na si Renzo.
Isang 18 years old na binata. Katulad ng kuya niya ay may napaka-ganda itong ngiti. Di nako magtataka kung marami ng pinaiyak ang batang ito.
So Miruelle, are you saying that Matt is handsome too?
Naku! Kahit na siya nalang ang matirang lalaki sa mundo, I would rather marry my stuffed toys Phineas and Ferb kesa dito sa self proclaimed na gwapo daw na nilalang. Mukha namang ermitanyong laging nakakunot ang kilay.
"Ah b-basta. May girlfriend na ako!"
Tss. Edi WOW!
Tyler Coler - Love at first fight
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.