TSD: Chapter Three

1 0 0
                                    

NAGMAMADALI na hinahanap ni Maddie ang kapatid niya, "Kuya Madison!" tawag niya pero walang sumasagot. Balak lamang niya ito kausapin tungkol sa panaginip niya.

Napagod si Maddie sa paghahanap ay umupo siya sa sala. Kanina pang umaga inihatid ng Kuya niya ang asawa nitong si Dianna, isa itong Lawyer habang si Dylan naman ay natutulog sa kwarto.

"Halika at tumuloy." Bumukas ang main door, dumating na ang Kuya niya.

Lumingon si Maddie, "Kuya!" tawag niya at tumakbo palapit dito, "May kilala ka bang May?" tanong niya agad at hindi niya napansin na may kasama itong babae.

"Yes Maddie?" Sabi ng babae, maganda ang pagkamorena nito, "Sobrang na-miss kita!" Sigaw nito at niyakap siya ng mahigpit.

"Tinatanong mo sa'kin kung kilala ko si May?" Tanong ni Madison, "Iyan si May.. kayakap mo ngayon." Nakangiti lang ito ng lingunin niya,

Sa wakas ay pinakawalan na siya ni May sa pagkayakap, "Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw sa'yo, Maddie." Malumanay na ngumiti ito ng tignan siya sa mga mata.

"Ang best friend mo since high school hanggang college, si May Anne Lopez." Pakilala ni Madison,

"Kung ganon ay marami akong tanong!" Masaya na sabi niya. Sobrang excited siya at talagang natutuwa na meron pang iba na makakausap. Super protective na hindi maintindihan kasi ang Kuya niya.

Pang-anim si May sa contact and friend list ko, naaawang aniya sa sarili.

---

"DAHIL lagi ka namang pumupunta at nakikikain sa restaurant ko.. tumulong ka." Natatawang sabi ni Victor habang pinapanuod nito ang pagsuot ni Ivan sa uniform ng restaurant, "Habang nagbabakasyon ka rito sa Pinas eh magtrabaho ka muna sa'kin."

"Above minimum?" Tanong ni Ivan habang ngiting-ngiti,

"Pag-iisipan ko." Sagot niya at binato rito ang basahan na hawak, babalik na siya sa kitchen area.

Humabol si Ivan, "So.. waiter lang ako rito? Ayaw mo ba akong maging pangalawang assistant mo sa pagluluto?"

"Hindi mangyayari iyon. Ang lakas mo kayang kumain baka malugi ako niyan." Biro niya,

"Grabe ka!" Simangot ni Ivan saka sinuot ang apron, ngayon ay isa na siyang ganap na waiter.

PAGKATAPOS ng buong umagang pagtatrabaho ay nag-break time muna sila Victor at Ivan. Pumunta uli sila sa terrace, ang favorite spot.

Hinahain ni Ivan ang pagkain nila, "Pwede ba na sa bahay mo nalang kami tumuloy ni Claire?"

"Pwede naman pero sigurado ka?" Sagot niya, walang privacy silang mag-asawa kung titira ito sa kanya.

"Oo naman! Para may babysitter si Calvin." Laking ngiti na sabi nito, napagka-talaga naman ng kaibigan niya.

"Babysitter?!" Bulalas niya, "Ninong ako ni Calvin at hindi yaya." Reklamo niya.

"Pumayag ka na.. at least makaka-bonding mo ang inaanak mo." Umupo ito ng maayos, "Ganito nalang binabawi ko na ang sinabi kong above minimum."

"Pambihira ka." Sagot niya at napaisip saglit, "Siguro.. papayag ako kung sasagutin mo ang tanong ko." Aniya at binigyan ng naniniguradong ngiti,

"Hmm.. okay." Sangayon nito saka bahagyang tumingin sa smartphone saglit, "Ano ang itatanong mo?"

"May napanaginipan uli ako kagabi." Seryoso siya, "Nandoon ka.. kasama kita sa isang coffee shop." Tahimik lamang si Ivan kaya nagpatuloy siya, "Base sa pagkaintindi ko sa nangyari-- may nauupuan akong bagay tulad ng pencil or ballpen sa upuan na lagi nating tinatambayan at may nakalagay na pangalan, sigurado akong babae iyon dahil ikaw mismo nagsabi na "Siya na naman" at "Meant to be kayo" May ganon bang nangyari noong college?"

The Strange Dream (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon