piso :))

56 2 2
                                    

-- haha pagtyagaan nyo po muna to, project ko lang to eh. at naisipan kong ilagay dito. actually hindi pa nga sya maayos. bawi nalang po ako sa mga susunod kong gagawin :))

“PISO”

Sa bayan ng San Ildefonso sa lalawigan ng Bulacan ay may nakatirang isang mayaman at masayang pamilya na walang ibang ninais kundi ang manirahan ng payapa at matiwasay. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon simula ng mamatay ang kanilang ilaw ng tahanan sa panganganak sa bunsong si Crisiel kaya’t ganun na lamang kalaki ang galit ng kambal na si Faulene at Pauline sa kanilang bunso. Pero ang daddy nilang si Jaime ay hindi sumuko na ibalik muli ang dating masaya at puno ng pagmamahalang pamilya na kanyang binuo.

Isang simpleng pamilya na binubuo ng dalawang ate, bunso, at tatay ang meron na ngayon sa pamilyang Antonio. Si Faulene at si Pauline ang kambal na panganay ng mag asawang Mr/Mrs. Antonio na meron na ng lahat ng katangian na hahanapin mo sa isang magandang dilag ngunit kung ang ugali nila ang pagbabasihan ng kagandahan ay walang wala sila sa bunso nilang si Crisiel. Si Crisiel ay siyam na taong gulang na, siya ang pinakamabait at masunuring anak ng mga Antonio, maganda rin siya kung tutuusin ay mas maganda pa siya sa mga nakakatanda niyang ate sapagkat kuhang kuha niya ang kagandahang tinataglay ng kanilang ina na kamukha naman ng 2005 Miss International ng bansa na si Precious Lara Quigaman. Ngunit kahit anong gawin niya para magustuhan siya ng kanyang mga ate ay patuloy pa rin ang mga ito sa pagtaboy sa kanya. Siya kasi ang sinisisi ng mga ito sa pagkamatay ng kanilang ina, na namatay nung pinanganak siya. Pero ang kanilang daddy na si Jaime ay palaging sinasabi sa kanya na wag na lang niyang pansinin ang mga ate niya sapagkat hindi naman talaga niya kasalanan ang nangyari sa kanilang ina. Ang daddy Jaime lang niya ang kakampi niya sa bahay na iyon. Kaya pag siya ay nakikitang malungkot ni Jaime ay lalapitan siya nito at sabay magpapatunog ng mga piso sa kamay nito at yayayain siyang bumili ng chocolates sa tindahan malapit sa kanila. Siya naman tatawa na at sasama sa ama upang bumili ng paborito niyang tsokolate.

“Ikaw talagang bata ka, makarinig ka lang ng tunog ng piso yang mga labi mo abot na sa tenga ang ngiti.” Natatawang sabi sa kanya ng kanyang ama.

“Eh dad, alam niyo naman pong piso lang eh makakapagpangiti na saken diba?” Patampong sabi niya sa kanyang ama.

“Hahaha! Alam ko, kaya nga nagpapatunog na ko ng tig pipiso pag nakita kong nakasibangot ka na naman sa isang sulok eh.” Natatawang pang aasar sa kanya.

“Nako si dad talaga oh, lagi na lang akong binibiro.” Maktol naman niya.

“Anak paraan ko lang yun para pasayahin ka. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nakikitang nalulungkot ka diba? Kaya buti na lang at may piso, hindi na ko nahihirapang pangitiin ka.” Mahabang paliwanag ng kanyang ama.

Napangiti siya sa sinabi ng kanyang ama. Tama ang kanyang ama, ayaw na ayaw nitong nakikita siyang nalulungkot kaya lahat ng paraan ay ginagawa nito mapangiti lamng siya. Naisip tuloy niyang hindi talaga niya kakayanin kung mawala ang kaisa isahang taong nagpapasaya sa kanya ng ganto.

Habang pauwi na ang mag ama galing sa tindahan ay hinahags hagis ni Crisiel ang pisong natira sa pagbili niya kanina, pero hindi niya nasalo kaya’t gumulong ito sa may kalsada. Nilapitan niya ito upang kunin ngunit hindi niya napansin na may  papalapit na palang sasakyan, napapikit siya at napasigaw “ AAAAAAHHHHHHHHHH.”

Pag gising niya ay hindi niya malaman kung nasan na siya naroroon, maputi ang paligid at walang katao tao. Bigla niya tuloy naisip ang nangyari sa kanya kanina sa kalsada “Kanina muntik na kong masagasaan pero napapikit ako kaya hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari tapos ngayon nagising ako sa isang maputing kuwarto na ito. Teka teka nasa langit na ba ko?! Oh my God! Hindi maaari to! AAAAHHHHHHHHHH! ” Pero bigla siyang napatigil sa pagsigaw ng may marinig siyang yapak ng paa. Pag bukas ng pinto ay nakita niya ang ate Faulene niya na umiiyak at masama ang pagkakatitig sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

piso :))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon