Wakas na Pag-ibig </3

118 1 0
                                    

Di alam kung ako'y may nagawa,

O sadya nga lang ba na ika'y nagsawa?

Bakit unti-unting lumalayo sa akin?,

Tila nagbago na ang iyong damdamin.

Dati rati ay lagi

tayong masaya,

Masayang nag-iibigan at 

Masayang mag kasama.

Nakita ko ngayon ang 

kalagayan mo,

Ibang-iba kapag siya 

ang kapiling mo.

Mga luha ay pilit 

kong pinigilan,

Dahil sa tuwing mag kasama kayo,

ako'y nasasaktan.

Ganun lang ba kadali sa'yo

para kalimutan ang lahat?,

May pag kukulang ba sa'yo,

pag-ibig ko ba'y di pa sapat?

Pilit kong kinalimutan,

ang mga nagdaan,

Ngunit bakit pati sa pag tulog,

ika'y napapaginipan?

Pilit ko mang pigilin,

na ikaw ay aking isipin,

Mukhang wala na yata

akong magagawa.

Nakatingin sa langit,

sa mga bituin nag tatanong

Bakit ang pag-ibig na wagas,

ay nagkaroon ng malungkot na wakas? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wakas na Pag-ibig &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon