I feel excited and medyo worried at the same time habang buma-byahe ako pauwi sa amin. Last time I visited nung pasko, usually umuuwi lang ako pag may bonggang okasyon gaya ng silver wedding anniversary ng lolo't lola ko.
Bakit nga ba ako hindi madalas umuwi? Dahil gusto ko yung feeling na independent ako at malayo sa pamilya. Nagpapadala naman ako kina mama at papa at kinakausap ko naman sila lagi, yun lang syempre para hindi sila mag-alala hindi na lang ako nagkkwento ng mga nangyayari sa akin sa Manila. Pero ngayon? Hindi na pwedeng umiwas sa mga tanong nila, malamang pag nakita nila ang mukha ko malaman agad nila na may problema ako kaya ako umuwi.
Napabuntong hininga na lang ako habang tinitingnan ang mga bayan na dinadaanan ng bus na sinakyan ko.
Ka-chat ko si Jem at Cherrie habang nasa bus at nagchi-chismisan na sila sa nagaganap sa office. Bilang Lunes ngayon nag-uupdate sila sa akin ng mga pinag-uusapan dun sa office, ang bali-balita daw ay nagbakasyon si Ms. Claire para makaiwas sa intriga at sinuspinde daw ako dahil sa ginawa ko nung Teambuilding. Mga adik lang, bakit naman ako isususpide e hindi naman ako nag-violate ng policy sa kumpanya.
Mga tanga talaga, nakaka-bad vibes.
Sinabihan ko muna sila Jem at Cherrie na bawal akong chismisan habang malayo ako, wheter good or bad news para hindi maapektuhan ang bakasyon ko. Itinago ko na ang cellphone ko at tumingin sa labas ng bintana.
Nang malapit na ako sa babaan malapit sa bahay namin, medyo nakaramdam ako ng comfort na malapit na ako sa mga taong talagang maaasahan ko na hindi ako iju-judge at paghihinalaan.
"San Jose!" Sumigaw yung kundoktor at tumayo ako bitbit ang backpack ko at isang plastic na puro pasalubong.
Pagbaba ko ng bus nandun na ang pinsan kong si Dan nakasandal sya sa motor nya sabay sabing, "Ay pagkatagal mo ga."
At iyan ang isa pang dahilan kung bakit hindi ako masyado umuuwi dito, pagbalik ko kasi ng Manila batanguena na ulet ang accent ko.
Inirapan ko lang ang pinsan ko, "Nag-text ako kanina ah, bakit kasi ang aga mo ako sunduin?"
Nag-pretend syang hindi ako naintindihan, "Ano? Ano gang sabi mo? Kainaman karibok e."
I roll my eyes and put my hands on my hips, "Ako'y nag-text sa iyo kanina, bakit kaaga mo akong kaunin?"
Natawa sya at kinuha ang bag ko at inangkas sa motor nya, "Ayan, inari na!"
Napailing na lang ako at umangkas ng motor nya.
***
"Anak!" Sumigaw ang mama habang bumababa ako sa motor ng pinsan ko.
Napangiti ako ng malaki at binitbit ng pinsan ko ang bag ko habang yumayapos ako sa mama ko. Tinulak ako ng very light ni mama palayo habang iniinspeksyon ang katawan ko, "Kinang impis mo wala ka ga malamon duon?" (translation: Ang payat mo na, wala ka bang makain dun?)
Hindi ko alam kung matatawa o maiiyak ako sa pag-aalala ng mama eh at dahil ang lalim na ng tagalog sa bahay kailangan ng translation.
"Baka me pina pa seksihan na duon, ay sya iyong ipakilala sa amin!" Sumagot naman ang papa habang lumalabas ng bahay.
Napangiti na lang ako at binitiwan si mama para mag-bless kay papa.
"Wala akong boyfriend papa, wala magkagusto sa akin." Yapos ko pa ang papa ko nang sumagot ang pinsan kong si Dan, "Kagaganda naman ng lahi natin, e kaynaman na taga Maynila yaan, mga bulag ata?"
Bago pa ako makasabat sumagot naman ang tiya kong nakatambay sa tapat ng bahay namin, "Gusto na namin ng bata dito sa bahay, kayoy magsipag asawa na. Ano pa inaantay e natanda?" Sumagot naman ang pinsan ng mama, "Anong gang mahirap? Sa aten nun pag nagdalaga na kerengkeng na kaya un maaga nagsibuntis"
Sinutsutan sila ni mama, "Kaya nde mag uwe ng boyfriend e inuukit nyo." (translation: Kaya hindi magpakilala ng boyfriend ito sa atin nito e ini-istress nyo.)Tinutulak ni mama ang likod ko papasok ng bahay, "Baka ikaw e gutom na sya pasok na at nakahayin na."
And just like that I'm home.
***
Pagka-kain namin nakinig ako sa kwentuhan ng mga tiyahin ko sa labas, hindi ko maintindihan dito sa mga ito kung paano sila araw araw nag-ku-kwentuhan pero hindi nauubusan ng pag-uusapan.
Nandyan ang namatay na malayong kamag-anak, ang nabuntis na kapitbahay pero wala namang boyfriend at kung ano ano pang useless information pero parang big deal pag pinag-usapan nila.
Nang gumabi na, nakasilip ako sa bintana nang pumasok ang pinsan kong si Honey, "Insan! Kamusta ka na? Tagal na natin hindi nagkikita ah."
Napangiti ako nang naupo sa tabi ko ang pinsan kong kasabayan ko nang lumaki, isa sya sa mga taong pinag-kakatiwalaan ko dito na hindi ikkwento sa mga tiyahin namin ang buhay ko sa Maynila. At sya rin sa Manila na nakatira ngayon, so at least may kausap ako ditong hindi naman sobrang batanguena.
"Musta na ang lovelife?" Tanong ni Honey.
Bigla akong napasimangot at sumagot naman si Honey, "Ayan, ganyan tayo e kaya ka pumunta dito no? Heartbroken ka na naman?"
Nagkunwari akong offended sa accusation nya, "Ako? Insan? Ako ang nang-iiwan no, hindi ako yung iniiwan."
Sabay bulong ako ng, "Charot."
"Kayo nga'y magpulong dalawa, baka sa iyo magsasabi at iyan e may problema sigurado" (translation: Ayan, kausapin mo nga yang pinsan mo, ayaw mag-kwento sa amin e, alam naman naming may problema sya.) Sabat ni mama habang nag-aayos ng hapunan.
"Wala nga po akong problema, ma. Napag-bakasyon lang ng boss ko." Syempre mas mahabang paliwanagan kung mag-kkwento pa ako sa nanay ko.
Namewang si mama at humarap sa akin, "Kaw ga e lulusot pa sa ken, kilala kita kahit wala ka dito lagi. Kaw e galing sa ken" Ang mama ko nga naman napaka-sensitive. Tumayo ako at niyapos ang mama ko, "So lam nyo rin dapat ma na hindi nyo ako pinalaking mahina ang loob. Kaya wala lang to, may pinag-dadaanan lang po."
Sumabat naman si Honey, "Hmm. Daanan mo lang ha, yung huli tinambayan mo eh."
Inambahan ko ng suntok ang pinsan ko.
"Asan na ang pamangkin ko!" Sigaw naman ng Tita Lilly na malayong pinsan na ng mama ko. Sa probinsya kahit sobrang layo nang kamag-anak e kamag-anak pa rin. Kaya dapat ingat ka sa mga magiging crush mo, alamin mo muna ang ancestry para siguradong walang incest na magaganap.
Binitiwan ko ang mama at humarap kay Tita, "Eto maganda pa rin po."
Niyapos ako ng mahigpit ng Tita Lily at lumingon lingon sa paligid bago sinabing, "Ay asan na iyong nobyo? Ipakilala mo na, ano gang tagal!"
Huminga ako ng malalim at nagtimpi dahil hindi ko sila pwedeng sagutin kahit anong banas ko, "Ala wala ho, ako'y bakasyon lamang."
"Ay paano ga makakapag-asawa kung gay-an?" Sabi ng Tita Lily na parang awing awa sa kalagayan ko.
"Baka naman mapili ka laang malamang marami naaligid diyan." Sabat naman ng isa ko pang tita na nakatambay sa labas ng bahay.
"Wag laang papatol sa me sabit na, tulad ng anak ni ka Nene, ayun nabuntisan lamang." Sabat naman ng isa naming kapitbahay.
At nag-tuloy tuloy na naman ang chismisan sa labas tungkol sa buhay ng may buhay. Baka ang nangyari sa akin sa office e karma na sa akin tumama dahil sa mga chismosa kong kamag-anak at kapitbahay.
Umupo na ulit ako sa tabi ni Honey at bago lumabas ng bahay si Tita Lily hinaplos nya ang ulo ko, "Ika'y wag mag alala, yae nang matandang dalaga. Ang iyong Tita Vicky diga'y wala asawa e ayos din naman."
At yan ang isa sa mga top reasons kung bakit hindi ako madalas umuwi dito. Dahil sa mga tanong ng mga taklesa kong kamag-anak na walang ginawa kundi ipamukha sa akin na single ako at most likely magiging single na lang for life dahil advance sila mag-isip.

BINABASA MO ANG
She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅
Romantizm"Pagdating sa pag-ibig ayaw ko ng sakto lang, ang gusto ko yung pag-ibig na nakakawasak ng pagkatao. Mas gugustuhin ko nang magmahal ng tunay, magmahal ng EXTRA kaysa sa nagmahal ka nga hindi mo naman tinodo 'di ba? Para saan pa?" - Olga Andrea Mart...