Chapter 46

47 5 1
                                    

Halos buong linggo akong nagpahinga sa bahay, tambay sa labas ng bahay namin at kausap ng mga pinsan ko at kamag-anak. This is the kind of life na dapat meron ang tao pag may problema, kailangan may pamilya kang mababalikan kapag may mga pinag-dadaanan. And I promised myself na mas dadalasan ko ang uwi dito.

During my last day, bumyahe kami ni Honey papunta sa beach malapit sa bayan namin. Black/gray sand sya pero eto ang pinakamagandang beach para sa akin. Hindi dahil sa itsura kundi dahil sa dami ng magagandang memories naming pamilya dito.

Nakaupo lang ako sa basang buhangin habang nakatingin sa tubig.

Naalala ko pa ang mga pinsanan kong kasabay kong lumaki na dito kami naglalaro nun, nagiging ulikba na kami sa sobrang pag-babad sa araw at paglangoy sa tubig. Sobrang simpleng buhay ng mga bata na walang problema. Ang problema ko lang nuon ay kung paano ako makakabalik ng bahay nang hindi napapalo ni mama dahil sa madumi kong damit.

Ngayon parang sobrang kumplikado na ng buhay, #adulting na talaga ang peg ko ngayon. Gone are the days when all you need is your mom's hug and a band aid to make the bad feelings go away.

May band aid bang nakakagamot ng sugat sa puso? Band aid na nakakabuo ng pagkatao mong in bits and pieces na?

Kapag naiisip ko ang pagbalik ko sa trabaho para harapin ang mga problema dun parang ayoko na. Parang napapagod ako kapag naaalala ko ang mga kailangan kong ayusin na problema.

Pero yan naman ang buhay eh, wala kang magagawa kundi harapin yan araw araw. Mauubos rin naman yang problema, hindi naman yan forever – wala kasing forever.

Napabuntong hininga na lang ako kasi narealize kong hindi lang sya sa lovelife totoo kundi sa buhay totoo rin.

Nakakalungkot isipin na dati sobrang hopeful ako na may forever, na makakahanap ako ng taong magmamahal sa akin kung paano mahalin ng mga lalaki ang bidang babae sa pelikula. Pero ngayon? Parang naniniwala akong too good to be true talaga lahat ng mga pinag-papapanuod ko.

Si Chuck na yata ang pinaka-malapit sa lalaking mga napapanuod ko lang dati sa pelikula. Pang leading man talaga ang dating, pero ako? Ako si Toni Gonzaga at sya si Piolo Pascual. Ako ang tangang babaeng di naman kagandahan pero ipinagpalit ang dream guy nya because of her selfishness.

And that's exactly what I am – selfish, because I wanted everything for myself. I wanted the guy and I wanted a friend – at dapat narealize kong sa buhay kailangan ng tough decisions. Kailangan mo mamili minsan and that's not necessarily a bad thing.

When your heart is in the right place and you have good intentions, minsan talaga kailangan mong magdesisyon ng hindi perfect sa lahat ng involved pero you do your best to make sure you make the best decision you can come up with.

"Hay. Ang lalim naman nyan insan." Sabi ni Honey habang umuupo sa tabi ko.

Naikwento ko na kay Honey ang kalagayan ko sa Manila, syempre galit na galit sya dun sa nagpakalat ng picture namin. Gi-gripuhan na nga daw nya e.

Umakbay lang sya sa akin at sinabing, "Move on na insan, wala na tayong magagawa dun. Nangyari na eh. Tuloy ang buhay."

"Paano pa ako babalik dun, Honey? Anong mukha ang ipapakita ko dun?" Lahat sila pare-parehong nag-invade ng privacy ko at nag-gawa ng mga sari-sarili nilang conclusions about our relationship at sa kung anong involvement ni Ms. Claire sa amin.

Nagbuntong hininga si Honey at niyapos ako ng mas mahigpit, "Huwag mong problemahin ang mga bagay na hindi mo naman maco-control, ipag-pasa Diyos mo na lang yun. Ang pwede mong control-in ay ang kung paano ka mag-re-react sa mga ginagawa nila sayo."

Tumingin sya sa akin, "Hindi ka perpekto, oo nagkamali ka sa ibang bagay. Pero hindi mo naman intensyong manakit, pero sila? Yung mga nagpapakalat ng chismis sayo? Sila yung may problema, hindi ikaw."

Inakbayan nya ako ulet, "Huwag mo na pansinin ang sasabihin ng iba, hindi mo sila mapipigilan magsalita, pero mapipili mong hindi makinig at hindi magpa-apekto."

Easy to say, hard to do.

Parang narinig nya ang iniisip ko nang sinabi nyang, "Alam kong mahirap gawin yun, pero kaya mo yan. Para lang yang isang bagong skill, parang pag-langoy, dati hindi ka marunong pero kaka-praktis mo at kahit na ilang beses kang muntik malunod natuto ka naman."

Natawa na lang ako sa example nya.

"Ayan, na miss ko ang tawang yan." Sabi ni Honey habang tumatawa ako.

Napailing na lang ako at after a few seconds nagseryoso na ulit, "Ang hirap isipin pero parang alam ko na kung anong dapat kong gawin."

Tinaas ni Honey ang legs nya na naka-bend ang tuhod at pinatong nya ang baba nya sa tuhod nya, "Mahirap talaga pero matatapos rin naman yan, sa una ka lang mahihirapan."

I nod. Kailangan lang talaga lakasan ng loob sa buhay.

Sa sinabi ni Honey ang tumatak sa utak ko ay ang sinabi nyang I can decide for myself. Ako ang mag-dedesisyon kung anong magpapasaya or magpapalungkot sa akin.

Naisip ko lang dun nga nagsimula ang mga problema ko eh, dahil selfish ako. So dapat yata yun na lang muna rin ang ayusin ko – ang sarili ko.

I need to be at peace with myself bago ko i-try ayusin ang iba ko pang problema. I realize bago ako humingi ng tawad sa iba sa mga pagkakamali ko kailangan ko ring patawarin ang sarili ko.

Na bago ako magpatawad sa ibang taong nakagawa ng masama sa akin, na I have to forgive myself first.

Huminga ako ng malalim at pumikit, may nakatakas na luha sa mata ko and when I opened my eyes, pa-set na ang araw. It's as if the sun is saying na isabay ko na sa pag-lubog ng araw ang mga hinanakit ko sa sarili ko. Na kailangan kong tanggapin na magkakamali ako dahil tao ako, pero hindi ibig sabihin nun na I will punish myself for the things I've done wrong.

I'm not perfect and that's okay.

I'm a person who makes mistakes.

I deserve my own forgiveness.

So huminga ako ng malalim ulit and with shaky fingers, I tapped my own shoulder and said, "Olga Andrea, pinapatawad na kita."

Tumingin lang sa akin si Honey at ngumiti.

Naupo lang kami ni Honey dun at pinanuod ang pag lubog ng araw.

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon