Ten years. Ten years na walang ginusto si Xien kundi mabuo ang pamilya. Pero ang mundo, ipinagkakait sa kanya ang pangarap na iyon. Ang bunsong kapatid ang sumunod na nawala sa tabi niya.
Naghanap ang dalaga ng kakampi na masasandalan—at ang nag-alok ng tulong, si Jadd Estevez, ang lalaking ramdam niyang maraming sekreto. Sa unang pagtatama pa lang ng mga nila, alam na ni Xien na hindi ito ordinaryong tao.
May malakas na hatak sa kanya ang lalaki na hindi maipaliwanag ni Xien.
At sa pagpayag niya sa alok ni Jadd, pakiramdam ng dalaga ay hindi lang ang buhay ang kanyang isinugal, pati ang puso.
Ang puso niyang wala dapat lugar ang pag-ibig.
Pero hanggang saan ang tatag niya kung si Jadd mismo, araw araw na nagtatangkang sirain ang matibay na proteksiyong sinadya niyang ipalibot sa sarili?
At saan sila dadalhin ng pag-ibig na iyon kung sa paligid nila ay sekretong parang mga bomba—palapit na nang palapit ang oras ng pagsabog?

BINABASA MO ANG
Jadd & Xien (Liwanag At Dugo)
VampireUPDATED EVERY FRIDAY! Club Red spin-off. Unedited.