title: LOVE MAZE
author: NALUNYZ
"Oh iha dito ang maids quarter kaya magpahinga kamuna ha.. at bukas ko ituturo ang mga dapat mong gawin.."
Saad ni manang merley ang mayodroma ng bahay..
Tipid akong ngumiti dito at bahagya syang tinanguan..
"Salamat ho" magalang kong pasasalamat dito..
"Sige papatawag kita kapag mag hahapunan na.." may kasungitan man sakanyang tinig halata naman ditong may angking kabaitan ang matanda..
"S-salamat po uli" nahihiya kong saad
Tumango ito bago ako iwan..
At pag alis ni manang merley ay sya din namang sabay ng pagkulo ng tyan ko at paghikab ko..
Hyst..itutulog kunalang siguro ang gutom ko(oꆤ︵ꆤo)
Lumangitngit agad ang double deckbed ng maids quarter ng maka upo ako..
At bahagyang sinilip ang paanan.. at ganun nalang ang lungkot ko ng bahagya iyun bumaluktot..
Kinginang yan..
Kaya no choice akong humiga sa sahig at ginawang unan ang bag na dala ko..
Hanggang sa kainin na nga ako ng antok..
______________
"Miss gising kana pinapatawag ka ni manang merley miss?"
Naalipungatan ako sa taong gumigising saakin
Kaya dahan dahang kong minulat ang aking mga mata hanggang sa bumungad saakin ang isang mala anghel na muka..
"Wow" wala sa sarili kong saad..
Bumakas agad sa mala anghel nyang muka ang pagtataka..
"K-kakain na" mahinhin nyang saad..
Hirap akong umupo na umabot pasa puntong tinulungan ako nito maka upo..
Kaya nahihiyang humingi ako ng sorry sakanya
"Pasensya na.."
Ngumiti ito saakin..
"Bago kang kasambahay?" Tanong nito..
Bahagya akong tumango sakanya..
Ambait nya.. wwaahh..
Nakakahiyang dumikit sakanya..
"Oo nga pala ako si Angelica sacremento pwede mukong tawaging angel" mabait nyang pakilala at nilahad pa ang kamay..
Namamanghang tinanggap ko ang kamay nito at tyaka nagpakilala
"H-hello ako naman si Chessia Renieza at pwede mukong tawaging chess kung gusto mo" palakaibigan kong sagot..
Yyiiee may bestfriend nako..
Maliit lang ang ngiti nito bago tumango at nagsimulang maglakad papunta siguro sa hapagkainan..
"Ilang taon kana chess?" Tanong nito habang naglalakad kami sa hallway..
Namamangha ako sa paligid ng wala sa sariling sinagot ito..
"17 .. ikaw?" Tanong ko rito pero nasa paligid parin ng mansion ang mga mata ko..
Napaka daming figurin at painting ang bawat pasilyong madadaanan sa hallway.. at napaka linis pa dahil naghalo ang kulay ng langit ang puti sa buong mansion kaya nakakarelaks pakatitigan..
"Kaka 18 kulang nung isang araw" sagot nito..
Kaya napatingin ako sakanya na wala sa oras at masayang binati ito..
BINABASA MO ANG
Love maze(COMPLETED)
Romance(BlackRoseSociety) series#3 Love and first sight was really existing.. But of course if you are pretty they will love you back but, if you are ugly.. Don't expect them to do something... Cause all they want to do is FAME.. I fall for him.. He k...