Kevin's POV
Hi. I'm Kevin Padilla. College Student. Sabi nila 'playboy' daw ako kase galing ako sa angkan ng mga Padilla but they don't know the real me. Matagal na kong may hinihintay na makasama ulit. Siya lang ung babaeng nakapagpabago ng buhay ko. Oo siguro nga dati, playboy ako pero simula ng makita at makilala ko siya, nagbago ang lahat.
*Flashback*
Papunta dapat ako sa bar ngayon kasama ang mga kaibigan ko nang may makita akong babaeng umiiyak sa gilid ng kalsada. Dahil sa napansin ko siya, inihinto ko ang kotse ko malapit sa kanya at lumapit.
"Ms." sabi ko dun sa babaeng nakayuko. Sa totoo lang hindi ako masyadong mapalapit sa mga babaeng ganito. what i mean is hindi ako lumalapit sa mga babaeng umiiyak. ayoko kaseng nakakakita eh. ewan ko. hindi naman sa naaawa ako. ayoko lang talaga.
"baket ganun kayong mga lalaki??! lagi niyo nalang kame nilolokong mga babae. porket ba alam niyong mahal namin kayo itinetake advantage niyo na ung mga un!" sabi niya.
"woah. teka lang Ms. wag mo naman lahatin. hindi naman ako ganun." sagot ko sa kanya. grabe 'to. siguro niloko ng mahal niya kaya ganito. ay nako Kevin, iiyak ba yan kung hindi nasaktan. common sense naman.
"wait! sino ka ba??!! bakit andito ka?! go! i don't need someone like you!" sabi niya sa akin habang tinutulak niya ko palayo sa kanya. aba!
"ikaw na nga tinutulungan ikaw pa galit! talagang aalis ako dito!" sigaw ko sa kanya. ako na nga tumutulong ako pa tatarayan niya! ang ganda pa naman tapos lang pala ugali niya. psh!
bumalik nalang ako ng kotse ko at pinaandar na para mapuntahan ko na ung mga kaibigan ko. ewan ko pero parang gusto kong balikan ung babae kaya lang baka tarayan na naman niya ako. so wag nalang.
* End of Flashback *
simula nung nakita ko ung babae na un bigla bigla nalang siyang pumapasok sa isipan ko. hindi ko alam kung magagalit o matutuwa ba ko sa pagkikita namin na un, basta ang alam ko lang.......
gusto ko na ulit siya makita.
FAST FORWARD (3 months later)
"yes bro. i'm on my way. see you there." sabi ko kay RJ, pinsan ko. nasa restaurant daw siya sa may Greenhills. may friend daw siya na kakauwi lang from abroad. ipapakilala daw niya sa akin kaya niya ko pinapapunta dun.
after 15 minutes andito na ko sa Greenhills. i texted RJ kung asan sila and sabi niya nasa Italiannis daw sila so naglakad na ko papunta dun.
"bro!" tawag ni RJ sa akin. nakita niya ko agad kase nakaharap siya sa may door. ung kasama niya pala girl. akala ko lalaki. hindi ko makita ung itsura niya kase nakatalikod siya but it seems like i already seen her before. she's familiar even nakatalikod siya. naglakad nalang ako papunta sa pwesto nila hanggang sa..........
"IKAW?????!!!!" sabay naming sabi. no. sabay pala naming sigaw. oo. kilala ko nga siya. siya ung. siya ung babaeng nakita ko nun few months ago. ung babaeng sinigaw sigawan ako kahit na lumapit ako sa kanya para tulungan siya.
"magkakilala kayo???" tanong naman sa amin ni RJ.
"oo bro! siya ung babaeng umiiyak na tinarayan ako kahit na gusto ko lang siya icomfort." sagot ko kay RJ.
"aba. ako pa masungit! ikaw nga ung sumigaw pa sa harap ko eh!" depensa naman nung babae.
"wait wait. relax lang guys! chill lang okay?? pwede maupo muna tayo." awat sa amin ni RJ. umupo naman kame.
"so, magkakilala nga kayo pero parang hindi maganda ung first meeting niyo nun. Hahaha." sabi ulit ni RJ.
"RJ, if magbibiro ka lang pwede na ba akong umuwi??" tanong nung babae kay RJ. sige umuwi ka. i don't care. :X
