I had a hard time going to sleep that night. Una, kasi naghihintay ako ng text ni Randolf my loves na alam ko namang hindi darating at pangalawa, dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Zion na sa sobrang pagkagulat ko ay pinamadali ko pa si kuyang pedicab driver at napatakip pa ako ng tenga pero dinig na dinig ko naman ang lahat mga sinabi niya. Bobo mo lang, Zairynn, saka ka nagtakip ng tainga noong tapos na siya magsalita. I mumbled while palming my face. Mukha ka tuloy tanga. I added as I tossed and turned on my bed. Ugh, eh kailan ba ako hindi nagmukhang tanga? Noong nagpamigay ata ang langit ng isang baldeng katangahan per individual, isang drum ang naibigay sa akin tapos yung mga may ayaw ng balde nila sa akin din idinonate kasi akala nila malnourished ako sa katangahan. Nasobrahan tuloy, di ko na nga alam kung pasasalamatan ko ba sila o ibabalibag. O pwede ding pareho na lang, sasabihin ko, ‘Hello! Salamat sa katangahang idinulot ninyo sa aking pagkatao. Pwede ko ba kayong ibalibag isa-isa bilang pagtanaw ng aking utang na loob?’ “Tama na nga Zairynn, pinaninindigan mo na naman ang kaabnormalan mo eh!” Sabi ko sa sarili ko habang pilit na ipinipikit ang mga mata ko pero hindi pa talaga nila trip makisama dahil hindi pa rin ako inaantok. “Matawagan na nga lang si Vanessa!” I muttered in frustration as I got up and handed my phone to dial her number.
“Uy Z, gabi na ah?” She answered instantly after yawning.
“Aga mo naman na atang natutulog ngayon, V?”
“Anong maaga, magmamadaling araw na kaya.” She sleepily replied at napagtanto kong 12:47 am na pala. Nahiya tuloy ako bigla. Nakapang-istorbo ka pa ng taong tulog dahil sa kalokohan mo. I regretfully thought.
“Hala V, sorry, akala ko maaga pa eh. He-he. Pasensya na talaga.”
“Para namang di pa ako sanay eh palagi mo naman akong tinatawagan o kaya tinetext ng ganitong oras. Kailangan ko na nga ata mag-alarm para lang tingnan kung may text ka ba o missed call sa hatinggabi eh.” She said casually and I laughed, amazed at how outspoken she is. “Ano na, ano bang dahilan ng pagtawag mo? Sabihin mo na kasi inaantok na ako ‘no. May quiz pa bukas, kalahati pa lang ng coverage yung narereview ko tapos ikaw pa-date date lang. Ay! Speaking of date niyo ni Mr. Ferrer, magkwento ka naman!!!” She blabbed continuously and I giggled but my expression became grim again as I thought of an answer.
“Hindi naman kami natuloy, V.” I started. “Mahabang kuwento, baka bukas ko na —”
“Hindi natuloy? Bakit?!” Her tone expectedly became somewhat curious, annoyed and frustrated. “Ay, kaya pala nakita ko siya kanina nung bumili ako ng gatas sa supermarket, may kasama siyang babae doon sa katapat na gift shop tapos ang saya-saya nila!”
“Ano?” I answered in a voice that was almost not mine. Sa gulat ko napatayo ako sa kama ko at napahawak sa upuan sa tapat ng bedside table. Ito ang gusto ko kay Vanessa, wala siyang paliguy-ligoy kapag may gustong sabihin pero hindi ko pa rin maiwasang magulat palagi. Hindi siya ung typical best friend na sasamahan ka at kukunsintihin sa mga kalokohan mo. She wears a pair of glasses, studies hard, at hindi siya magsasalita hanggat hindi mo siya kinakausap pwera na lang kung best friend ka niya tulad ko. To sum up, may pagka-KJ si Vanessa pero yun ang gusto ko sa kanya. Siya kasi ang ehemplo ko ng tama at dapat kaya kahit medyo pasaway ako, kapag nagsalita siya ay sumusunod ako kasi alam kong alam niya na makabubuti para sa akin ang sasabihin niya.
“Sorry Z, nagulat ka ba sa sinabi ko?” She apologetically said. “Akala ko kasi tapos na yung date niyo nung nakita ko siya kaya hindi ko lang pinansin. Eh ayun pala, hindi natuloy, kung alam ko lang eh di pinaghinalaan ko na agad yung babaeng yun.”
“Pero diba V, ang pangit pa rin tingnan na ako dapat yung date niya tapos may kasama siyang ibang babae, natuloy man kami o hindi?” I questioned and I sighed as the heavy feeling in my chest crept inside me. Sino kaya yung babae? Kilala ko kaya?
BINABASA MO ANG
A Fated Mistake
Teen FictionAko si Zairynn Kate Montero-Del Valle at hindi ko alam kung love story o gag show ba ang tawag dito dahil nagsimula ito sa isang malaking kalituhan, kalokohan at isang saltik na lalaking wala atang magawa sa buhay.