Naabutan naming nagtatawanan ang tatlo sa harap ng hapag-kainan. Tumigil lang ang nga ito ng makita kaming dalawa ni Tita Maricel.
Inilapag na ni Tita Maricel ang mangkok na dala kaya ganoon din ang ginawa ko. Tumayo si Dave at sumenyas na lumapit ako sa kanya.
Lumapit naman ako sa kanya at ipinaghila nya ako ng upuan katabi ng sa kanya. Umupo na din ito matapos ko.
Napatingin ako sa kanilang tatlo at naabutang nakatitig ang mga ito sa akin. Namula naman ako at nahiya. Tumungo na lamang ako.
Hinawakan ni Dave ang kamay ko kaya napabaling ako ng tingin sa kanya. Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko din ito pabalik.
"So, let's eat?" basag ni Beatrice sa katahimikan. Tumango nalang ang lahat.
Pinagsandok ako ng kanin at ulam ni Dave. Marami rami ang nailagay nya kaya tinignan ko sya.
"Ang dami. Baka hindi ko maubos 'to." nakasimangot kong sabi sa kanya. Tumawa naman ito at patuloy na nilagyan ang plato ko.
"You need to eat a lot. Ang payat mo oh. Tsaka specialty lahat yan ni Mommy." tumingin naman ako sa Nanay nya. Ngumiti ito sa akin kaya nahihiya akong ngumiti din.
Nagsimula na ang pagkain sa lahat. Tahimik masyado. Ganito ba sa pamilya nila o dahil andito ako kasama nilang kumakain?
"So, how was your work son?" tanong ni Tito David. Nagpunas ng bibig si Dave at tumingin din sa tatay nya.
"It's okay Dad. Tatapusin ko lang ang contract ko with the network and I'll handle the company."
Naibagsak naman ni Beatrice ang kutsara't tinidor nya at gulat na nilingon ang kapatid.
"R-really?" gulat na tanong nito.
Tumango naman si Dave at ngumiti sa kanya. "I think its about time." kibit balikat na sagot nito.
"OMG. You really came back." maemosyong sabi ni Beatrice sa kapatid. Maluha luha din itong nakatingin sa kanya.
Ngayon lang ba sila ulit nagkita-kita at ganito ang emosyong ipinapakita nila ngayon kay Dave? Una ay si Tita Maricel kanina at ngayon naman ay si Beatrice.
Tinignan ko ang mukha ni Tito David at naabutang nakatingin din ito sa akin. Ngumiti ito kaya nginitian ko nalang ito pabalik.
"That's good to hear, anak. I'm excited. Are you going to live here? With us?" tanong ni Tita Maricel kay Dave. Sinulyapan naman ako ni Dave at bumaling ng tingin sa nanay nya.
"No, Mom. We will live together dun sa bahay na binili ko. Dito din naman sa village pero isang block lang yung layo. I want a privacy and ofcourse gusto ko syang masolo." natatawang sagot nito.
Tumawa naman ang mga tao sa hapag-kainan kaya nakitawa na din ako. Hindi ko man masundan kung ano ang pinag-uusapan nila ngunit nakakahiya naman kung hindi din ako makikitawa hindi ba?
Napainom si Tita Maricel sa sinabi ni Dave at nakangangang pabalik balik ang tingin ni Beatrice sa aming dalawa.
"You two are going to be married?" gulat na tanong ni Beatrice.
Umiling si Dave at tumawa.
"Ofcourse. But not now. I will settle things and kailangan kong unti-untiin. I don't want to rush anything. I will wait for the right time." nakangiting sagot ni Dave sa kanila.
Ngumiti ang lahat at nagpatuloy na sa pagkain.
Talaga ngang masarap magluto si Tita Maricel. Tama ang timpla. Parang luto din ni Inay sa probinsya.
Nanag matapos ang lahat ay nagyaya sila sa hardin nila na magpahangin. Malalim na din ang gabi. Mga huni ng kulisap at ibon nalang ang maririnig. Nakasindi na din ang mga ilaw na mas lalong nagpapaganda sa disenyo ng hardin. Mukhang namiss talaga nila si Dave at ganito sila ngayon.
Bakit nga ba mag-isa naninirahan si Dave sa gusaling iyon kung may bahay at pamilya naman syang mauuwian? Mas masaya kapag ang bahay na tinutuluyan mo ay makikita mo ang pamilya mong nag-aabang sayo. Hindi ba sya nalulungkot at nagtitiis sya na mapag-isa?
Nagtungo kami sa kubo na nakita ko pagkapasok ko dito kanina. Malaki laki ito kumpara sa ordinaryong kubo. Matatanaw mo din dito ang isang napakalaking swimming pool. Nasa baba ito banda ng hardin kaya matatanaw mula rito sa kinalulugaran ng kubo.
"Alam mo anak, dito na kayo matulog ni Laila. Gabi na din and namimiss ka na nitong bahay natin." panimula ni Tita Maricel.
"Marami pa akong dapat gawin, Mom. Tsaka kaya naman po naming umuwi. Hindi pa naman masyadong late."
Nalungkot ang mukha ni Tita Maricel. Bakit ba hindi nya mapagbigyan ang nanay nya? Isang gabi lang naman na matutulog at mukhang miss na miss naman na talaga nila si Dave at gusto pa nilang makasama ito.
"Ayos lang naman sa akin baby kung dito tayo matulog. " bumaling ng tingin si Dave sa akin at kinuha ang kamay ko. Pinagsaklop kasama ang kamay nya, tulad ng parati nyang ginagawa.
Tama naman siguro ang pag-arte ko hindi ba? Sinunod ko din ang payo nya na tawagin syang 'baby'.
"See? Laila wants to stay, too." ngumingiting sabi ni Tita Maricel. Animo'y may nahanap na kakampi.
Sana naman ay pagbigyan nya si Tita Maricel. Nakikita ko kasi si Inay sa kanya e. Alam kong nangungulila na si Inay sa akin dahil ngayon lamang ako napalayo sa kanila.
Naiisip palang na nalulungkot si Inay ay nalulungkot na din ako. Ayokong nakikitang may nalulungkot ni isa sa pamilya namin, lalo na ang aking Inay.
Pinisil ko ang kamay ni Dave para iparating na pagbigyan ang kahilingan ng nanay nya. Alam kong namimiss nya na ang anak nyang ito. Sa susunod nga din ay tatanungin ko kung bakit hindi na lang sya manirahan dito? Mas masaya kung sila ay magkakasama-sama.
"Fine. Pero sa kwarto ko matutulog si Laila." tumango naman si Tita Maricel habang malaki ang ngisi. Ganun din si Beatrice at si Tito David.
Gulat naman akong napatingin kay Dave at tinaasan sya ng kilay. Bakit magsasama kami sa iisang kwarto? Wala na bang ibang bakanteng kwarto at sa kwarto nya ako matutulog? Hindi nga ako kumportable na magkalapit kami dahil sa kakaibang tindig ng puso ko, ngayon naman ay magtatabi pa? Sa iisang higaan? Huling paglalapit namin na dalawa ay napaihi pa ako. Na iniiwasan kong mangyari ulit dahil sobra akong nahiya kay Dave. Buti nalang at ipinanganak akong matapang ng Inay ko at may mukha pa akong naiiharap ngayon kay Dave.
Pinisil naman nito ang kamay ko at ngumiti. Sige! Mamaya natin pag-uusapan iyan. Hindi naman pupwedeng sa harap ng pamilya kami mag-usap ng mga ganitong paksa hindi ba?
"So matulog na tayo? I assume ay pagod kayong dalawa. So tara na. Let's sleep." sabi ni Beatrice.
Lumapit ito kay Dave at yumakap. Lumapit din ito sa akin at yumakap din.
"Treasure my brother. Mahalin mo sya at 'wag iiwan." bulong nito.
"Pangako." sagot ko.
Parehas lang naman sila ng sinabi ni Tita Maricel. At isa lang naman ang sagot ko. Aalagaan ko sya at hindi iiwan.